Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

04 Pebrero 2019

Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit



Kidlat ng SilangananMga Movie Clip | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit



Naniniwala ang ilang tao, dahil nakayang likhain ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay sa isang salita, nakayang ibangon ang patay sa isang salita, makakaya ring baguhin kaagad ng Diyos ang ating imahe, gawin tayong banal, iangat tayo sa ere para salubungin ang Panginoon pagbalik Niya sa mga huling araw. Ganyan nga ba talaga para maiangat sa kaharian ng langit? Ang gawain ba ng pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay kasing-simple ng ating inaakala? Sabi ng Diyos, "Kailangan ninyo itong mapagtanto, at hindi dapat pasimplehin nang husto ang mga bagay-bagay. Ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng anumang karaniwang gawain. Ang hiwaga nito ay hindi naiisip ng utak ng tao, at ang karunungan nito ay hindi nakakamit ng gayon. Hindi nililikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at hindi rin Niya winawasak ang mga iyon. Sa halip, binabago Niya ang lahat ng Kanyang mga nilikha at dinadalisay ang lahat ng mga bagay na nadudungisan ni Satanas. Kaya, nararapat na simulan ng Diyos ang gawain na lubhang napakalaki, at ito ang buong kahalagahan ng gawain ng Diyos. Mula sa mga salitang ito, naniniwala ka ba na ang gawain ng Diyos ay napakapayak?. After reading these words, do you believe that the work of God is so simple?" (mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

03 Pebrero 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Tanggalin ang Maskara, at Magsimula ng Panibagong Buhay

Chen Dan Hunan Province
Sa pagtatapos ng nakaraang taon, dahil hindi ko naumpisahan ang gawain ng ebanghelyo sa aking lugar, inilipat ng pamilya ng Diyos ang isang kapatid mula sa ibang lugar para pangasiwaan ang aking gawain. Bago nito, hindi ako nasabihan, kung hindi, nalaman ko lang sa pamamagitan ng isang kapatid na kasama ko sa gawain. Masyado akong nagalit. Naghinala ako na hindi ako sinabihan ng taong nangangasiwa dahil sa takot na hindi ko gustong iwanan ang aking katungkulan at ipaglalaban ko ito. Bilang resulta, nagkaroon ako ng hindi magandang opinyon sa kapatid na nangangasiwa. Hindi kalaunan, nagkita kami ng naturang kapatid at tinanong kung ano ang nararamdaman ko tungkol sa aking pagkakapalit—noong una ninais ko na sabihin ang nasa aking isip, ngunit nag-alala ako na magkakaroon siya ng masamang impresyon sa akin at isipin na ako ay naghahangad sa katungkulan. Kaya sa halip, sa malumay na pananalitang kaya ko, sinabi ko, “Hindi ito problema, hindi ako nakagawa ng maayos na gawain kaya makatwiran lamang na ako ay mapalitan. Wala akong anumang partikular na iniisip tungkol dito, kung anumang tungkulin ang ibigay sa akin ng pamilya ng Diyos na gagampanan ko ay malugod akong susunod.” Sa ganitong paraan, itinago ko ang tunay kong nararamdaman habang ipinapakita ang ilusyong bersyon ng aking sarili sa naturang kapatid. Pagkatapos, ipinadala ako ng pamilya ng Diyos na maging manggagawa. Sa unang pagtitipon naming mga magkakatrabaho, nagtapat ang aming bagong lipat na pinuno tungkol sa kanyang kalagayan. Isang partikular na talatang ginamit niya, “nawala lahat ang katungkulan at reputasyon” ang tumama sa akin na parang isang toneladang mga bato:

02 Pebrero 2019

Cristianong Kanta | Kidlat ng Silanganan | Ang Katotohanan ang Pinakamataas sa Lahat ng Talinghaga ng Buhay



Cristianong Kanta | Kidlat ng Silanganan | Ang Katotohanan ang Pinakamataas sa Lahat ng Talinghaga ng Buhay


I
Ang ''Katotohanan'' ay ang pinaka-tunay
sa mga talinghaga ng buhay,
at pinakamataas ito sa buong sangkatauhan.
Tinatawag itong "talinghaga ng buhay",
ito ang hinihingi ng Diyos sa tao
at ginagawa Niyang personal,
hinihingi ng Diyos sa tao at ginagawa Niya nang personal.
Di kasabihang binuod mula sa isang bagay,
ni tanyag na kasabihang mula sa isang dakila.
Ngunit ito'y pagbigkas sa sangkatauhan
mula sa Panginoon ng lahat sa lupa at langit'.

01 Pebrero 2019

Tanong 1: Hindi ko maintindihan, kung ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan, bakit napakatindi ng pagtutol do’n ng CCP? Bakit galit din ‘yong tinutuligsa ng mga pinuno ng relihiyon? Hindi sa hindi pa inusig ng CCP ang mga pastor at elder. Pero pagdating sa Kidlat ng Silanganan, bakit pwedeng pareho ang opinyon at saloobin ng CCP at ng mga pastor at elder na naglilingkod sa Diyos? Ano ba talaga ang dahilan no’n?

Sagot: Sabi sa Biblia: “… ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19). Sabi rin ng Panginoong Jesus: “Ang lahing ito ay isang masamang lahi” (Lucas 11:29). Kung gano’n, gaano pala kadilim at kasama ang mundong ito? Sa Kapanahunan ng Biyaya, alang-alang sa pagtubos sa sangkatauhan, ang Panginoong Jesus sa katawang-tao ay ipinako sa krus ng mga relihiyoso at pinuno noong panahong ‘yon. Sa mga huling araw, ang pagpapahayag ng katotohanan at paghatol ng Makapangyarihang Diyos ay tinuligsa ng mga relihiyoso at CCP at tinanggihan sa panahong ito. Tinutupad no’n ang salita ng Panginoong Jesus na: “Gaya ng kidlat na kumikislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng langit; gayon din sa pagdating ng Anak ng Tao. Ngunit kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25).

31 Enero 2019

Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos—Kabanata 81

O, itong masama at mapangalunyang matandang kapanahunan! Lululunin kita! Bundok ng Sion! Bumangon at ipagbunyi Ako! Para sa kaganapan ng Aking planong pamamahala, para sa matagumpay na kaganapan ng Aking dakilang gawain, sinong nangangahas na hindi tumáyô at magsaya! Sinong nangangahas na hindi tumáyô at tumalon sa tuwa nang walang humpay! Mamamatay sila sa Aking mga kamay. Isinasakatuparan Ko ang pagkamatuwid sa lahat, wala ni katiting na awa o kabutihang-loob, at walang damdamin. Lahat ng mga tao! Tumáyô kayo at magpuri, luwalhatiin Ako! Lahat ng walang-katapusang luwalhati, mula sa kawalang-hanggan hanggang sa kawalang-hanggan, ay umiiral dahil sa Akin at Aking itinatag. Sinong mangangahas na kunin ang luwalhati para sa kanyang sarili? Sinong mangangahas na ituring ang Aking luwalhati bilang isang materyal na bagay? Papaslangin sila ng Aking kamay! O, malulupit na mga tao! Nilikha Ko kayo at nagkaloob sa inyo, at napangunahan Ko kayo hanggang ngayon, gayunma’y hindi ninyo Ako kilala kahit kaunti at hindi man lamang ninyo Ako minamahal. Paano Ako muling makakapagpakita ng habag sa inyo? Paano Ko kayo maililigtas? Maaari Ko lamang kayong tratuhin sa pamamagitan ng Aking poot! Susuklian Ko kayo ng pagkawasak, susuklian kayo ng walang-hanggang pagkastigo. Ito ay pagkamatuwid; ito’y maaari lamang sa ganitong paraan.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?