Lahat ay takot na takot kapag naririnig nila ang Aking salita. Lahat ay puno ng panginginig. Ano ang inyong ikinatatakot? Hindi Ko kayo papatayin! Ito ay dahil nakokonsensya kayo at takot na takot na mabisto. Ang ginagawa ninyo sa Aking likuran ay masyadong hindi-seryoso at walang-kabuluhan. Dahil dito ay muhing-muhi Ako sa inyo kaya marubdob Kong inaasam na naitapon Ko yaong mga hindi Ko naítálágá at nahirang sa walang-hanggang hukay para madurog nang pira-piraso. Gayunpaman, mayroon Akong plano, mayroon Akong mga nilalayon. Palalampasin Ko ang iyong buhay pansamantala, hindi kita sisipain hanggang matapos mo ang paglilingkod sa Akin. Ayaw Kong makita ang gayong mga nilalang, isa silang kahihiyan sa Aking pangalan! Alam mo ba ito? Nauunawaan mo ba? Walang-silbing mga hamak! Unawain mo ito nang malinaw! Kapag ikaw ay ginagamit Ako ang gumagawa niyon at kapag hindi ka ginagamit ay dahil din ito sa Akin. Lahat ay isinasaayos Ko, at sa Aking mga kamay lahat ay masunurin at maayos. Sinuman ang nangangahas na gumalaw nang lihis sa takbo ay agad na pababagsakin ng Aking mga kamay. Malimit Kong sinasabing “pababagsakin”; iniisip mo ba na ginagawa Ko talaga iyan sa sarili Kong mga kamay? Hindi Ko kailangang gawin! Ang Aking mga pagkilos ay hindi alángán gaya ng naguguni-guni ng sangkatauhan. Ano ang kahulugan kapag sinabi na ang lahat ay itinatatag at ginagawang ganap ng Aking salita? Lahat ay ginagawang ganap nang hindi Ko man lamang iniaangat kahit isang daliri. Nauunawaan mo ba ang tunay na kahulugan ng Aking salita?