Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

12 Pebrero 2019

Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip | Paano Gumaganti ang mga Kristiyano sa Ateistang Pagbe-brainwash ng CCP


Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip |  Paano Gumaganti ang mga Kristiyano sa Ateistang Pagbe-brainwash ng CCP


Para mapilit ang mga Kristiyano na talikuran ang Diyos at isuko ang kanilang pananampalataya, hindi lang sila inakit ng CCP ng kabantugan at katungkulan, kundi tinuruan pa sila ng ateismo, materyalismo, ebolusyonismo, at kaalaman sa siyensya. Kaya paano tumugon ang mga Kristiyano sa brainwashing at pangungumbinsi ng CCP? Bakit nila patuloy na sinundan ang landas ng pananalig at pagsunod sa Diyos?

11 Pebrero 2019

Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip | Clip ng Pelikulang Ang Pag-Uusap (1) Bakit ba Labis na Inaapi ng CCP ang mga Kristiyano?



Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip |  Clip ng Pelikulang Ang Pag-Uusap (1) Bakit ba Labis na Inaapi ng CCP ang mga Kristiyano?


Malinaw na nakasaad sa Chinese Constitution ang kalayaang pangrelihiyon, pero sa likod ng lahat ng ito, gumagamit ang gobyerno ng maraming tao at pera sa hibang na pagsugpo sa mga paniniwala sa relihiyon at malupit na pagpapahirap sa mga Kristiyano. Ni hindi pa sila tumitigil sa pagbili ng pinakabagong surveillance equipment para subaybayan, sundan, at arestuhin ang mga Kristiyano. Inalisan ng gobyernong Chinese ang mga mamamayan nito ng kanilang karapatan na malayang manalig at walang habas na pinagkaitan ang mga nananalig ng kanilang karapatang mabuhay.

09 Pebrero 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Kabanata 83

Hindi ninyo alam na Ako ang makapangyarihang Diyos; hindi ninyo alam na ang lahat ng mga usapin at mga bagay ay nasa ilalim ng Aking pagkontrol! Ano ang ibig sabihin ng ang lahat ng bagay ay nilikha at kinumpleto Ko? Ang mga pagpapala o kasawiampalad ng bawa’t tao ay nakasalalay sa Aking pagtupad, sa Aking mga pagkilos. Ano ang magagawa ng tao? Ano ang matutupad ng tao sa pamamagitan ng pag-iisip? Sa huling yugtong ito, sa imoral na kapanahunang ito, sa madilim na mundong ito na masyadong pinásámâ ni Satanas, ano ang ilang ninanais Ko? Kung ito man ay ngayon, kahapon, o sa hindi malayong hinaharap, Ako ang tumutukoy ng mga buhay ng bawa’t isa. Kung sila man ay tatanggap ng mga pagpapala o magdurusa ng kasawiampalad, at kung sila man ay minamahal o kinasusuklaman Ko ay tiyak na natukoy sa isang kumpas Ko.

08 Pebrero 2019

Kidlat ng Silanganan | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tularan ang Panginoong Jesus



Kidlat ng SilangananIsang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tularan ang Panginoong Jesus


I
Tinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,
ang pagtubos sa lahat ng tao
sa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N'ya,
nang walang pansariling layunin o plano.
Nakasentro Siya sa plano ng Diyos.
Sa Ama sa langit, S'ya'y nanalangin,
hinahanap ang kalooban Niya.
S'ya'y naghahanap at laging nananalangin.
Kung tulad ni Jesus isusuko n'yo ang lahat sa Diyos
at tatalikuran n'yo ang laman,
pagtitiwalaan N'ya kayo ng mga tungkulin
para mapaglingkuran n'yo S'ya.

07 Pebrero 2019

Paghatol sa mga Huling Araw | 1. Ano ang paghatol?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng tao bilang Kanyang kahalili. Sapagka’t ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang ang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa gitna ng mga tao. Iyan ay upang sabihing, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at upang ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?