Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

15 Pebrero 2019

Cristianong Musikang | Mas Nakikilala ng mga Tao ang Diyos sa Gawain ng mga Salita




Kidlat ng Silanganan | Cristianong Musikang | Mas Nakikilala ng mga Tao ang Diyos sa Gawain ng mga Salita


I
Pangunahing ginagamit ng Diyos ng mga huling araw
ang salita para gawing perpekto ang tao,
hindi tanda't kababalaghan
para pahirapan o hikayatin s'ya,
dahil hindi maipaliliwanag ng mga ito
ang kapangyarihan ng Diyos.
Kung tanda't kababalaghan lang pinapakita ng Diyos,
magiging imposibleng linawin ang realidad ng Diyos,
at sa gayon imposibleng gawing perpekto ang tao.
Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao
sa mga tanda't kababalaghan,
kundi dinidiligan at pinapastulan ang tao
gamit ang mga salita,
para matamo ang pagsunod ng tao, kaalaman sa Diyos.
Ito ang layunin ng Kanyang gawain
at Kanyang mga salita.

14 Pebrero 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Kabanata 84

Dahil sa kanilang kakulangan ng pagkakilala sa Akin, nagambala ng tao ang Aking pamamahala at inilagay-sa-alanganin ang Aking mga plano nang di-mabilang na beses, nguni’t hindi nila kailanman nakayang hadlangan ang Aking mga pasulong na hakbang. Ito ay dahil sa isa Akong Diyos ng karunungan. May walang-hangganang karunungan sa Akin; may walang-hangganan at di-maarok na mga hiwaga sa Akin. Hindi pa kailanman ito nakayang arukin at ganap na naunawaan ng tao mula sa napakatagal-nang-panahon hanggang sa kawalang-hanggan. Hindi ba ganoon? Hindi lamang may karunungan sa bawa’t salitang sinasabi Ko, mayroon din Akong natatagong hiwaga. Sa Akin, ang lahat ay hiwaga, at bawa’t bahagi Ko ay hiwaga. Nakakita lamang kayo ng hiwaga ngayon, na yaong nakita ninyo ang Aking persona, nguni’t hindi pa ninyo natutuklasan ang natatagong hiwagang ito. Makakapasok lamang ang tao sa Aking kaharian sa pamamagitan ng pagsunod sa Aking pangunguna. Kung hindi, mamamatay sila kasama ng mundo at magiging abo. Ako ang ganap na Diyos Mismo, at walang-iba kundi ang Diyos Mismo. Ang mga kasabihan ng nakaraan gaya ng “pagpapamalas ng Diyos” ay lipás na; ang mga iyon ay mga nalúmà nang bagay na hindi na mailalapat sa kasalukuyan. Ilan sa inyo ang nakakita nito nang malinaw? Ilan sa inyo ang nakakatiyak sa Akin nang ganito kasigurado? Ang lahat ay dapat Kong maipaliwanag at maituro nang malinaw.

13 Pebrero 2019

Paghatol sa mga Huling Araw | 2. Bakit kailangang hatulan at kastiguhin ng Diyos ang mga tao?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa buong sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na napasama ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay nakabalik sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na kinasasaklawan. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

12 Pebrero 2019

Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip | Paano Gumaganti ang mga Kristiyano sa Ateistang Pagbe-brainwash ng CCP


Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip |  Paano Gumaganti ang mga Kristiyano sa Ateistang Pagbe-brainwash ng CCP


Para mapilit ang mga Kristiyano na talikuran ang Diyos at isuko ang kanilang pananampalataya, hindi lang sila inakit ng CCP ng kabantugan at katungkulan, kundi tinuruan pa sila ng ateismo, materyalismo, ebolusyonismo, at kaalaman sa siyensya. Kaya paano tumugon ang mga Kristiyano sa brainwashing at pangungumbinsi ng CCP? Bakit nila patuloy na sinundan ang landas ng pananalig at pagsunod sa Diyos?

11 Pebrero 2019

Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip | Clip ng Pelikulang Ang Pag-Uusap (1) Bakit ba Labis na Inaapi ng CCP ang mga Kristiyano?



Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip |  Clip ng Pelikulang Ang Pag-Uusap (1) Bakit ba Labis na Inaapi ng CCP ang mga Kristiyano?


Malinaw na nakasaad sa Chinese Constitution ang kalayaang pangrelihiyon, pero sa likod ng lahat ng ito, gumagamit ang gobyerno ng maraming tao at pera sa hibang na pagsugpo sa mga paniniwala sa relihiyon at malupit na pagpapahirap sa mga Kristiyano. Ni hindi pa sila tumitigil sa pagbili ng pinakabagong surveillance equipment para subaybayan, sundan, at arestuhin ang mga Kristiyano. Inalisan ng gobyernong Chinese ang mga mamamayan nito ng kanilang karapatan na malayang manalig at walang habas na pinagkaitan ang mga nananalig ng kanilang karapatang mabuhay.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?