Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

06 Abril 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Ikatlong Bahagi)



Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa bawa’t pagkakataon ng gawain ng Diyos ay naroon ang mga pangitain na kailangang malaman ng tao, mga pangitain na sinusundan ng mga angkop na kinakailangan ng Diyos sa tao. Kung wala ang mga pangitaing ito bilang saligan, hindi kayang magsagawa ng tao, o makakayang lubos na sumunod sa Diyos. Kung hindi kilala ng tao ang Diyos at hindi nauunawaan ang Kanyang kalooban, lahat ng ginagawa ng tao ay walang kabuluhan, at walang kakayahang sang-ayunan ng Diyos.

Paano nakapag-akay at nakapaglaan ang Diyos sa sangkatauhan hanggang sa ngayon?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nagsimula ang gawain ng pamamahala ng Diyos sa paglikha ng daigdig, at ang tao ay ang ubod ng gawaing ito. Ang paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay, maaaring sabihin, ay para sa kapakanan ng tao. Dahil ang gawain ng Kanyang pamamahala ay umaabot sa libu-libong mga taon, at hindi ipinatupad sa loob lamang ng ilang minuto o segundo, o kahit sa isang kisap-mata, o higit sa isa o dalawang taon, kailangan Niyang likhain ang marami pang mga bagay na kailangan para sa pananatiling-buháy ng tao, tulad ng araw, buwan, lahat ng uri ng mga nilalang na nabubuhay, at pagkain at isang buháy na kapaligiran para sa sangkatauhan.

04 Abril 2019

Pagbubunyag ng Katotohanan | "Isang Kabataang Puno ng Pagdurusa"


Pagbubunyag ng Katotohanan | "Isang Kabataang Puno ng Pagdurusa"


Mula noong naluklok sa kapangyarihan sa kalakhang China noong 1949, ang Chinese Communist Party ay walang humpay sa pag-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Inaresto at pinatay nito ang mga Kristiyano, pinalayas at inabuso ang mga misyonero na nagtatrabaho sa China, kinumpiska at sinira ang di mabilang na mga kopya ng Biblia, ipinasara at winasak ang mga gusali ng simbahan, at walang tigil sa pagtatangkang alisin ang lahat ng mga bahay-iglesia.

Pakilala sa Tinig ng Diyos|Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao

Gaano karami sa gawain ng tao ang gawain ng Banal na Espiritu at gaano karami ang karanasan ng tao? Kahit ngayon, masasabi na hindi pa rin nauunawaan ng mga tao ang mga tanong na ito, na lahat ay dahil hindi nauunawaan ng mga tao ang mga panuntunan sa paggawa ng Banal na Espiritu. Mangyari pa, ang gawain ng tao na sinasabi Ko ay tumutukoy sa gawain niyaong mga nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu o yaong mga ginagamit ng Banal na Espiritu. Hindi Ko tinutukoy ang gawain na nagmumula sa kalooban ng tao kundi sa gawain ng mga apostol, mga manggagawa o mga karaniwang kapatirang lalaki at babae na sakop ng gawain ng Banal na Espiritu.

02 Abril 2019

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos|Paano Makapasok sa Isang Normal na Kalagayan

Mas handang tanggapin ng mga tao ang mga salita ng Diyos, mas lalo silang maliliwanagan at mas lalo silang nagugutom at nauuhaw na hangarin ang kaalaman tungkol sa Diyos. Sila lamang mga nakakatanggap ng mga salita ng Diyos ang nakakayang magkaroon ng higit na malalalim at mayayamang karanasan; sila lamang yaong ang mga buhay ay lalong namumukadkad. Bawat isang naghahangad ng buhay ay dapat ituring ito na parang kanilang gawain, at dapat magkaroon ng damdamin na hindi sila mabubuhay kung wala ang Diyos, na walang kahit isang tagumpay kung wala ang Diyos, at ang lahat ay kahungkagan kung wala ang Diyos.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?