Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

28 Abril 2019

Tagalog Christian Worship Song 2019 | "Bayan ng Diyos sa Lahat ng Bansa Ipinahahayag Bilang Isa Kanilang Damdamin"


Tagalog Christian Worship Song 2019 | "Bayan ng Diyos sa Lahat ng Bansa Ipinahahayag Bilang Isa Kanilang Damdamin"


I
Pagmasdan ang kaharian ng Diyos, kung saan naghahari ang Diyos sa lahat.
Mula noong nagsimula ang paglikha hanggang sa kasalukuyan,
mga anak ng Diyos na ginabayan sa pagdaranas ng mga paghihirap.
Dumaan sa hirap at ginhawa.
Pero ngayo'y naninirahan sa liwanag N'ya. 
Sinong hindi umiiyak sa kawalan ng katarungan sa panahong lumipas?
Sinong hindi lumuluha sa hirap ng buhay ngayon?
Sinong hindi nagsasamantala sa pagkakataong ito na ilaan ang kanilang puso sa Diyos?

26 Abril 2019

Tagalog Worship Songs | Ang Ugat ng Pagkalaban at Pagsuway ng Tao sa Diyos



Tagalog Worship SongsAng Ugat ng Pagkalaban at Pagsuway ng Tao sa Diyos


 I
Ang pagka-Diyos ni Cristo ay higit kaysa lahat ng tao.
S'yang pinakamataas na awtoridad sa lahat ng likhang nilalang.
Ito ang pagka-Diyos Niya, disposisyon at katauhan Niya.
Ang mga ito ang nagpapasiya tungkol sa pagkakakilanlan Niya.
Normal ang pagkatao Niya, iba't iba ang papel Niya,
at lubusan Niyang sinusunod ang Diyos,
gayunman walang duda, Diyos pa rin Siya.
II
Ang normal na pagkatao ni Cristo,
pakiramdam ng mga hangal ay kapintasan.

25 Abril 2019

"Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos"


 "Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang paniniwala sa Diyos at pagsisikap na makilala ang Diyos ay hindi isang madaling bagay. Hindi ito makakamit sa basta pagsasama-sama at pakikinig sa pangangaral, at hindi ka maaaring magawang perpekto ng damdamin lamang. Dapat mong maranasan, at alamin, at dapat may alituntunin sa iyong mga pagkilos, at makamit mo ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nakaranas ka na ng iba’t-ibang karanasan, makikilala mo na ang iba’t-ibang bagay—malalaman mo kung ano ang tama at mali, ang pagkamatuwid at katampalasanan, kung ano ang laman at dugo at kung ano ang nasa katotohanan. Dapat makilala mo ang lahat ng mga ito, at sa paggawa nito, kahit anuman ang mangyari, hindi ka malilito. Ito lamang ang tunay na matayog mong kalagayan. Ang pag-alam sa gawain ng Diyos ay hindi isang simpleng bagay: Dapat mayroon kang pamantayan at layunin sa iyong pagsisikap, dapat alam mo kung paano hanapin ang tunay na daan, at kung paano sukatin kung ito ba ay tunay na daan o hindi, at kung ito ba ay gawain ng Diyos o hindi. Ano ang pinaka-pangunahing alituntunin sa paghahanap sa tunay na daan?"

Ang Estratehiya ng CCP na Pilitin ang mga Kristiyano sa Pagbabanta sa Kanilang Pamilya


"Tamis sa Kahirapan" Clip 1 - Ang Estratehiya ng CCP  na Pilitin ang mga Kristiyano sa Pagbabanta sa Kanilang Pamilya


Upang mapilit ang mga Kristiyano na ipagkanulo ang iglesia, traydurin ang Diyos at sirain ang pagkakataon nila na mailigtas ng Diyos, walang pakundangang pinagbabantaan ng Partido Komunista ng Tsina ang mga kapamilya ng mga Kristiyano at ginagamit nila ang emosyon ng pamilya ng mga Kristiyano para mapilit sila na ipagkanulo ang Diyos. Magtagumpay kaya ang mga pakana ng Partido Komunista ng Tsina? Sa digmaang ito ng kabutihan at kasamaan, paano mananalig ang mga Kristiyano sa Diyos para malagpasan ang mga temtasyon ni Satanas at manindigan at makapagpatotoo para sa Diyos?  

Manood ng higit pa:Tagalog Christian Movies

23 Abril 2019

Tanong 12: Karamihan sa mga tao sa iba’t ibang relihiyon ay naniniwala na ang sinabi ng Panginoong Jesus sa krus na “Naganap na” ay patunay na lubos nang natapos ang gawain ng pagliligtas ng Diyos. Subalit pinatototohanan mo na nagbalik na ang Panginoon sa katawang-tao para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos para lubusang iligtas ang mga tao. Kaya paano ba talaga dapat maunawaan ng isang tao ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan? Hindi pa malinaw sa amin ang aspetong ito ng katotohanan, kaya pakipaliwanag naman ito sa amin.

Sagot:

Iniisip ng karamihang tao sa relihiyosong mundo: Nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus at sinabi bago Siya mamatay “Naganap na,” pinatunayan nito na ganap nang natapos ang gawain ng pagliligtas ng Diyos, at wala nang gawain. Kaya, nang marinig na gumagawa ang Diyos ng isang bagong yugto ng gawain sa mga huling araw, maraming tao ang lubos na itinanggi ito. Inisip nilang isa itong imposibleng bagay. Kapag dumating sa bagay na iyon, ano ang katotohanan ng bagay na ito? Nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, sinagisag ba nito o hindi na ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan ay ganap na “natapos”? Ang ibig sabihin ba ng Diyos sa pagsasabi ng “Naganap na” na natapos na ang lahat ng gawain ng Panginoon na pagtubos sa sangkatauhan, o nangangahulugan ito na natapos na lahat ng gawain ng Diyos na pagliligtas ng sangkatauhan?

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?