Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

31 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong



Kidlat ng Silanganan | Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa PagsulongAng Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong; bagamat di nagbabago ang layunin, paraan ng paggawa Niya'y patuloy sa pagbago, at gayun din ang mga sumusunod sa Kanya. Habang mas maraming gawain ang Diyos mas maraming tao sa Kanya'y ganap na nakakakilala, mas nababago ang disposisyon ng tao kasama na ang Kanyang gawain. Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong; Kailanma'y gawain Niya'y di-luma, laging bago. Hindi Niya inuulit ang gawaing luma, tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin. Di-pananatilihin ng Diyos parehong gawain; lagi itong nagbabago, laging bago. Pareho ito sa mga bagong salita ng Diyos at laging paggawa ng bagong gawain sa'yo. Ito ang gawaing ginagawa ng Diyos; ang susi'y nasa "nakakamangha," "nakakamangha" at "bago." "Di-nagbabago ang Diyos, Siya'y laging Diyos." Ito'y kasabihang tunay at totoo. Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong; Kailanma'y gawain Niya'y di-luma, laging bago. Hindi Niya inuulit ang gawaing luma, tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin. Ngunit habang nagbabago gawain ng Diyos, para sa di-alam ang gawain ng Banal na Espiritu, at kakat'wang tao na katotohana'y di-alam, hahantong silang kalaban ng Diyos. Kakanyahan ng Diyos kailanma'y di-magbabago; Ang Diyos ay laging Diyos at kailanma'y di-Satanas. Ngunit di-nangangahulugang gawain Niya'y di-nagbabago, at patuloy ito tulad ng Kanyang kakanyahan. Sinasabi mong Diyos kailanma'y di-nagbabago, ngunit pa'no mo ipapaliwanag ang "kailanma'y di-luma, laging bago, laging bago"? Gawain ng Diyos ay patuloy sa paglawak at pagbago, Ipinapakita Kanyang kalooban at ipinapaalam rin sa tao. Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong; Kailanma'y gawain Niya'y di-luma, laging bago. Hindi Niya inuulit ang gawaing luma, tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

30 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo

Kidlat ng Silanganan, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos , Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos,kaligtasan, Biblia
Kidlat ng Silanganan, kaligtasan
Kidlat ng Silanganan | Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo
  Katulad ng daan-daang milyong ibang mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at madalas ay malakas. Tayo ay naniniwala na ang lahat ng ating kilos ay alinsunod sa aral ng Panginoon. Maliwanag, kung gayon, na tayo rin sa ating sarili ay naniniwalang lumalakad sa landas ng pagsunod sa kagustuhan ng Ama sa langit. Nananabik tayo sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, sa maluwalhating pagdating ng Panginoong Jesus, sa pagtatapos ng ating buhay dito sa lupa, sa pagpapakita ng kaharian, at sa lahat gaya ng nasasaad sa Aklat ng Pahayag: Ang Panginoon ay dumating, at may dalang sakuna, gagantimpalaan ang mabubuti at paparusahan ang masasama, isasama ang lahat ng sumusunod sa Kanya at malugod na tanggapin ang Kanyang pagbalik mula sa alapaap upang Siya ay salubungin. Tuwing ito’y ating maiisip, hindi natin mapigilang manaig ang ating damdamin. Tayo ay nagpapasalamat na tayo ay isinilang sa mga huling araw, at tayo ay mapalad na masaksihan ang pagdating ng Panginoon. Bagaman tayo ay nakaranas ng pag-uusig, ito naman ay para sa “lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan”; kay laking pagpapala nito! Ang lahat ng pananabik na ito at ang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon ay dinadala tayo sa mahinahong panalangin, at tayo ay pinagsasama-sama nang madalas. Maaari ay sa susunod na taon, maaaring bukas, o maaring sa lalong madali kung kailan hindi inaasahan ng tao, ang Panginoon ay biglaang darating, at tiyak na magpapakita sa gitna ng kalipunan ng mga taong masigasig na naghihintay sa Kanya. Lahat tayo ay nakikipagpaligsahan sa isa’t isa, walang nagnanais na maiwan, nang sa ganoon ay maging unang kalipunan na mamasdan ang pagpapakita ng Panginoon, na maging isa sa mga unang aagawin sa alapaap. Ibinigay natin ang lahat, hindi alintana ang kalalabasan, para sa pagdating ng araw na ito. Ang ilan ay isinuko ang kanilang mga trabaho, ang ilan ay iniwan ang kanilang mga pamilya, ang ilan ay tinalikuran ang kanilang mga buhay may asawa, at ang ilan ay ipinamigay na ang kanilang mga inipon. Anong walang pag-iimbot na debosyon! Ang gayong sinseridad at katapatan ay nalampasan kahit ang mga banal sa nakalipas na panahon! Habang ang Panginoon ay nagkakaloob ng biyaya sa kung sinumang Kanyang naisin, at habag sa sinumang Kanyang naisin, ang ating debosyon at pagpapagal, tayo ay naniniwala, ay nakita na rin ng Kanyang mga mata. Gayundin, ang ating taos-pusong mga panalangin ay naabot na rin ang Kanyang mga tainga, at tayo ay nagtitiwala na tayo ay gagantimpalaan ng Panginoon dahil sa ating debosyon. Bukod doon, ang Diyos ay nagmagandang-loob sa atin bago pa man Niya nilikha ang mundo, at walang sinuman ang makapag-aalis ng mga pagpapala at pangako ng Diyos sa atin. Tayong lahat ay nagpaplano para sa hinaharap, at ating nakikini-kinita na ang ating debosyon at pagpapagal ay ating inilalaan para sa ating pagsalubong sa ating Panginoon sa hangin. Higit sa lahat, wala ni katiting na pag-aatubili, inilalagay natin ang ating sarili sa trono sa hinaharap, pinamumunuan ang lahat ng mga bansa at mga tao, o mga namamahala bilang mga hari. Ang lahat ng ito ay inaakala nating ibinigay na, o isang bagay na maaasahan.

29 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas

Kidlat ng Silanganan , Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos , Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, kaligtasan, hanapin
Kidlat-ng-Silanganan-kaligtasan

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas
Noong araw na ang lahat ng bagay ay muling nabuhay, Ako ay tumungo sa tao, at nagpalipas Ako ng mga magagandang araw at gabi kasama siya. Dito lamang sa puntong ito na kaunti ang pakiramdam ng tao sa Aking pagiging madaling lapitan, at ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Akin ay nagiging madalas, nakikita niya ang ilan sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako—at bilang bunga, nakakakuha siya ng kaunting pagkakakilala sa Akin. Sa lahat ng mga tao, itinataas Ko ang Aking ulo at nagmamasid, at lahat sila ay nakikita Ako. Ngunit kapag ang sakuna ay sinapit na ng mundo, agad silang nagiging balisa, at ang Aking imahe ay naglalaho sa kanilang mga puso; tinamaan ng sindak sa pagdating ng sakuna, hindi nila iniintindi ang Aking mga paghihikayat. Maraming taon nang Ako ay nagdaan sa tao, ngunit lagi siyang nananatiling walang kamalayan, at hindi Ako kailanman nakilala. Ngayon, winiwika Ko sa kanya mula sa Aking mismong bibig, at hikayatin ang lahat ng tao na humarap sa Akin para tumanggap ng mga bagay mula sa Akin, ngunit pinapanatili pa rin nila ang kanilang pagitan mula sa Akin, at kaya naman hindi nila Ako kilala. Noong ang Aking mga yapak ay papunta tungo sa mga dulo ng sansinukob, ang tao ay magsisimulang magnilay sa kanyang sarili, at ang lahat ng tao ay pupunta sa Akin at yuyuko sa Aking harapan at Ako ay sasambahin. Ito ang magiging araw ng Aking kaluwalhatian, ang Aking pagbabalik, at gayundin ang araw ng Aking pag-alis. Ngayon, Ako ay nagsimula na ng Aking gawa kasama ng buong sangkatauhan, pormal nang nagsimula, sa buong sansinukob, sa katapusan ng Aking plano sa pamamahala. Magmula sa sandaling ito at sa hinaharap, ang sinuman na hindi maingat ay may pananagutang sumailalim sa walang-awang pagkastigo sa kahit na anong sandali. Hindi dahil sa Ako ay walang puso, ngunit ito ay isang hakbang ng Aking plano sa pamamahala; lahat ay dapat sumailalim ayon sa mga hakbangin ng Aking plano, at walang sinuman ang makapagbabago nito. Kapag opisyal na akong nagsimula sa Aking gawa, ang lahat ng tao ay kikilos kagaya ng Aking kilos, gayon din ang mga tao sa buong sansinukob ay sasakupin ang kani-kanilang sarili bilang hakbang kasama Ako, mayroong “kagalakan” sa buong sansinukob, at ang tao ay Akin pang uudyukan. Ang kahihinatnan, ang malaking pulang dragon mismo ay pipilantikin sa isang estado ng diliryo at pagkalito dulot Ko, at nagsisilbing Aking gawa, at, sa kabila ng pagtanggi, ay hindi kayang sumunod sa mga sarili nitong pagnanais, na siyang iniiwan nang walang pagpipilian maliban sa “magpasakop sa Aking kapangyarihan.” Sa lahat ng Aking mga plano, ang malaking pulang dragon ay ang Aking kasalungat, Aking kaaway, at Akin ding “alipin”; dahil dito, hindi Ako kailanman nagpaluwag sa Aking “mga kautusan” ukol dito. Samakatuwid, ang huling yugto ng gawa ng Aking pagkakatawang-tao ay nakumpleto sa sarili nitong “sambahayan.” Sa ganitong paraan, ang malaking pulang dragon ay mas higit na kayang maglingkod sa Akin nang maayos, kung saan sa pamamagitan nito ay lulupigin Ko ito at kukumpletuhin ang Aking plano. Habang Ako ay gumagawa, ang lahat ng anghel ay papasok sa isang “tiyak na digmaan” kasama Ako at lulutasin ito para isakatuparan ang Aking mga hiling sa huling yugto, nang sa gayon ang mga tao sa daigdig ay susuko sa Aking harapan gaya ng mga anghel, at walang pagnanais na Ako ay tutulan, at walang ibang gagawin na paghihimagsik laban sa Akin. Ang mga ito ay mga pagbabago sa Aking gawa sa buong sansinukob.

28 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Sansinukob at Kalawakan Nagpupuri sa D'yos

 

Kidlat ng SilangananAng Sansinukob at Kalawakan Nagpupuri sa D'yos

Ay ... mga awiting kayrami, mga sayaw kay ganda;
sansinukob at dulo ng lupa, naging kumukulong dagat.
Ay ... langit ay bago, lupa ay bago.
Sansinukob nagpupuri; tayo'y sumisigaw, tumatalon sa tuwà.
Bundok sama-sama, tubig sama-sama, kapatiran puso sa puso.
D'yos ating pinupuring walang-humpay. Mga nilalang iniibig ang D'yos,
buong-galak sa trono N'ya, sasambang sama-sama.
D'yos sa Sion 'binunyag sa sansinukob Kanyang kabanalan at pagkamatwid.
Bayan ng D'yos nakangiti sa tuwa, nagpupuri sa D'yos walang-humpay.
Papuri Diyos, papuri Diyos!
Aleluya! Papuri Diyos, papuri Diyos!

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas

Kidlat ng Silanganan , Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos , Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, Papur,buhay
Kidlat ng Silanganan, Papuri
Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas

Noong dumating Ako mula sa Sion, hinihintay Ako ng lahat ng mga bagay, at noong bumalik Ako sa Sion, binati Ako ng lahat ng mga tao. Sa pagdating at paglisan Ko, hindi kailanman nahadlangan ng mga may galit sa Akin ang Aking mga hakbang, kaya umusad nang maayos ang Aking gawain. Ngayon, kapag dumarating Ako sa kalagitnaan ng lahat ng mga nilalang, binabati Ako ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng katahimikan, napakalalim ang takot nila na Ako’y muling lilisan at aalisin ang kanilang suporta. Sinusunod ng lahat ng mga bagay ang Aking patnubay, at minamatyagan ng lahat ang direksyong ipinahihiwatig ng Aking kamay. Maraming mga nilalang ang ginawang perpekto ng mga salita na nagmumula sa Aking bibig at maraming mga suwail na anak ang nakastigo. Kaya, nakatitig ang lahat ng mga tao sa Aking mga salita, at maingat na nakikinig sa mga pagbigkas mula sa Aking bibig, at matindi ang takot na mapalampas nila ang magandang pagkakataon na ito. Sa kadahilanang ito kung bakit nagpatuloy Ako sa pagsasalita, upang matupad ang Aking gawain nang mas mabilis, at upang mas maaga ang paglitaw ng mga nakalulugod na kondisyon sa mundo at malunasan ang mga eksena ng pagkatiwangwang sa mundo. Kapag tumingin Ako sa kalangitan at kapag haharapin Ko muli ang sangkatauhan; agad na mapupuno ang mga lupain ng buhay, hindi na kakapit ang alikabok sa hangin, at hindi na mababalot ng putik ang lupa. Agad magliliwanag ang Aking mga mata, kaya titingala sa Akin ang mga tao mula sa lahat ng mga lupain at manganganlong sila sa Akin. Sa mga tao sa mundo ngayon—kabilang na ang lahat ng mga nasa Aking sambahayan—sino ang tunay na nanganganlong sa Akin? Sino ang nagbibigay ng kanilang puso bilang kapalit ng halaga na Aking binayaran? Sino na ang nanahan sa Aking sambahayan? Sino na ang tunay na naghandog ng kanilang mga sarili sa Aking harapan? Kapag gumawa Ako ng mga pangangailangan sa tao, kaagad niyang isinasara ang kanyang “maliit na kamalig.” Kapag nagbibigay Ako sa tao, agad niyang binubuksan ang kanyang bibig upang lihim na makuha ang Aking mga kayamanan, at madalas siyang nanginginig sa kanyang puso, sa lalim ng takot niyang “gagantihan” Ko siya. Kaya ang bibig ng tao ay “kalahating bukas at kalahating sarado,” at wala siyang kakayahang tunay na tamasahin ang mga kasaganaan na ipinagkakaloob Ko. Hindi Ko pinarurusahan agad ang tao, ngunit palagi niya Akong “kinokontrol” at hinihiling na ipagkaloob Ko ang “awa” sa kanya; ipinagkakaloob Ko lamang muli ang “awa” sa tao kapag nagsusumamo siya sa Akin, at ipinahahayag Ko sa kanya ang pinakamalupit na salita ng Aking bibig, para agad siyang makakaramdam ng hiya, at, dahil wala siyang kakayahang tanggapin nang direkta ang Aking “awa,” sa halip ay hinahayaan niya na lang na “ipasa ito” sa kanya ng iba. Kapag lubusan niyang naunawaan ang lahat ng Aking mga salita, nagiging akma ang tayog ng tao sa mga kagustuhan Ko, at ang mga pagsusumamo niya ay nagiging mabunga at hindi na walang kabuluhan o walang saysay; pinagpapala Ko ang mga taos-puso at hindi mapagkunwaring pagsusumamo ng sangkatauhan.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?