Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

09 Nobyembre 2018

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan


Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan



Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Ang Diyos ay hindi kailanman nawawala sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan.

08 Nobyembre 2018

Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Nakarating na ang Milenyong Kaharian”

Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Nakarating na ang Milenyong Kaharian



Paano ninyo nakikita ang pangitain ng Milenyong Kaharian? Masyadong nag-iisip ang ilang tao tungkol dito, at sinasabi na ang Milenyong Kaharian ay magtatagal ng isang libong taon sa lupa, kaya’t kung ang mga nakatatandang miyembro ng iglesia ay hindi pa nakakapag-asawa, dapat ba silang magpakasal na? Ang aking pamilya ay walang pera, dapat ba akong magsimulang kumita ng pera? … Ano ang Milenyong Kaharian? Alam ba ninyo? Ang mga tao ay malabo ang mata, at nagdurusa ng mahigpit na pagsubok. Sa katunayan, ang Milenyong Kaharian ay hindi pa opisyal na dumating. Sa panahon ng yugto ng paggawang perpekto sa mga tao, ang Milenyong Kaharian ay maliit lamang na daigdig; sa panahon ng Milenyong Kaharian na binigkas ng Diyos, ang mga tao ay nagawa nang perpekto. Sa nakaraan, sinabi na ang mga tao ay magiging tulad ng mga banal at maninindigang matatag sa lupain ng Sinim.

07 Nobyembre 2018


Kidlat ng Silanganan | Tagalog Gospel Videos | "Pagpapalaya sa Puso" | The Awakening of a Christian’s Soul


Naniniwala ang maraming tao na ang kanilang kapalaran ay nasa kanilang sariling mga kamay, at maaari silang umasa sa kanilang sariling kaalaman at kakayahan sa kanilang mga pakikibaka. Subalit, pagkatapos ng lahat, hindi iyan posible. Ang espiritwal na gapos na “Ang tadhana ng isang tao ay nasa kanyang sariling kamay” ay maiwawaksi sa pamamagitan ng mga katotohanang ipinahayag ng Diyos, at ang isang tao ay maaaring mabuhay sa liwanag.

06 Nobyembre 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Dadakilain Ang Ngalan ng Diyos sa mga Bansang Gentil"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Dadakilain Ang Ngalan ng Diyos sa mga Bansang Gentil"


I
Layon ng paghatol ng Diyos himukin pagsunod ng tao;
layon ng pagkastigo ng Diyos hayaan pagbabago ng tao.
Bagama't gawain ng Diyos ay sa pamamahala N'ya,
lahat ay mabuti para sa tao.
Nais ng Diyos na sumunod kahit ang mga di-Israelita,
upang gawin silang tunay na mga tao,
kaya inaabot ng Diyos lupaing labas ng Israel.
Pamamahala ito ng Diyos.
Gawain N'ya sa lupaing Gentil.

05 Nobyembre 2018

Salita ng Buhay | "Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos"


Salita ng Buhay | "Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Matapos ang gawa ni Jehova, si Jesus ay naging katawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa kalagitnaan ng mga tao. Ang Kanyang gawain ay hindi isinakatuparan nang hiwalay, subali’t itinatag sa ibabaw ng gawain ni Jehova. Ito ay gawain para sa isang bagong kapanahunan matapos tapusin ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan. Gayundin, nang matapos ang gawain ni Jesus, ipinagpatuloy pa rin ng Diyos ang Kanyang gawain para sa susunod na kapanahunan, sapagka’t ang buong pamamahala ng Diyos ay palaging umuunlad nang pasulong....

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?