Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

22 Disyembre 2018

Mga Pagsasalaysay | Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ikapitong Bahagi)



Mga Pagsasalaysay | Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ikapitong Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:Walang Sinuman ang Maaaring Makapagpabago sa Katotohanan na Hawak ng Diyos ang Pantaong Kapalaran sa Kanyang Dakilang Kapangyarihan

21 Disyembre 2018

Kidlat ng Silanganan | "Kaharian ng Diyos ay Lumitaw na sa Lupa" (Tagalog Dubbed)


 Kidlat ng Silanganan | "Kaharian ng Diyos ay Lumitaw na sa Lupa" (Tagalog Dubbed)


A ... a ... a ... a ... a ... a ... a ... a …
I
Ang makapangyarihang tunay na D'yos,
hari sa trono naghahari sa buong sansinukob,
buong sansinukob, nakaharap sa lahat ng bansa't mga tao.
Nagniningning l'walhati ng D'yos sa buong mundo.
Hanggang sa dulo ng sansinukob,
lahat ng buhay dapat makita.
Mga lawà, ilog, dagat, lupa, bundok,
lahat ng nabubuhay nabubunyag sa liwanag
ng presensya ng tunay na D'yos,
napanumbalik, nagising sa panaginip,
sumisibol sa lupa!

20 Disyembre 2018

Pinakahuli Mga Video | New Tagalog Christian Movie Trailer | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Refugee


Pinakahuli Mga Video | New Tagalog Christian Movie Trailer | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Refugee


Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia. Tinangka nilang gamiting sandata ang kanyang mga kaanak upang guluhin ang kanyang isip. Pinalibutan nila siya at hindi siya hinayaang matulog sa loob ng kalahating buwan upang sirain ang kanyang loob. Hinarap niya ang walang tigil na pagpapahirap ng pulisya ng Komunistang Partido ng Tsino. Siya ay nagpatuloy sa isang lubhang nakatutuliro, nakatatakot na kalagayan. Sa mapanganib na kapaligirang ito, paulit-ulit siyang nanalangin sa Diyos at hiniling sa Diyos na ingatan siya upang siya ay makapanindigan at makapagpatotoo. Sa ilalim ng paggabay at pangunguna ng salita ng Makapangyarihang Diyos, napagtagumpayan niya ang masamang mga pakana ng pulisya at napaglabanan niya ang kanilang paulit-ulit na pagpapahirap.

19 Disyembre 2018

Pelikulang Kristiano | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Bakit Laganap ang Kalungkutan sa Mundo ng Relihiyon?"


Pelikulang Kristiano | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Bakit Laganap ang Kalungkutan sa Mundo ng Relihiyon?"


Kasalukuyang dumaranas ng malalang taggutom ang buong mundo ng relihiyon, hindi na nila kasama ang gawain ng Banal na Espiritu o ang presensiya ng Panginoon, parami nang parami ang ginagawa nilang masasama, at humihina at lumalamig ang pananampalataya at awa ng mga mananampalataya.

18 Disyembre 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo—Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa_compressed

Mga Pagbigkas ni Cristo—Pagbigkas ng Diyos—Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa


    Nais mo bang makita si Jesus? Nais mo bang mabuhay kasama si Jesus? Nais mo bang marinig ang mga salitang sinambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Sa palagay Ko bawat kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus. Ngunit naisip na ba ninyo kung talagang makikilala ninyo si Jesus pagbalik Niya? Talaga bang mauunawaan ninyo ang lahat ng sinasabi Niya? Talaga bang tatanggapin ninyo, nang walang pasubali, ang lahat ng gawaing ginagawa Niya? Alam ng lahat nang nagbasa ng Biblia na babalik si Jesus, at lahat nang nagbasa ng Biblia ay taimtim na hinihintay ang Kanyang pagdating.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?