Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

27 Disyembre 2018

Kidlat ng Silanganan | Natuklasan: May Iba pa bang mga Salita o Gawain ng Diyos Maliban sa mga Nasa Biblia?


Kidlat ng Silanganan | Natuklasan: May Iba pa bang mga Salita o Gawain ng Diyos Maliban sa mga Nasa Biblia?


        Ang mga pastor at elder ng mga relihiyon kadalasan ay itinuturo sa mga tao na walang mga salita at gawain ng Diyos sa labas ng Biblia, kaya maling maniwala sa anumang wala sa Biblia. Tama kaya ang ideyang ito kung sisiyasatin? Naaayon ba ito sa realidad ng gawain ng Diyos? Ang pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi talaga nakatala at lumalagpas pa sa Lumang Tipan.

26 Disyembre 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Isang Taong Nagkakamit ng Kaligtasan ay Yaong Nakahandang Isagawa ang Katotohanan

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Isang Taong Nagkakamit ng Kaligtasan ay Yaong Nakahandang Isagawa ang Katotohanan


    Noon pa man, ang pangangailangan ng pagkakaroon ng isang maayos na buhay iglesia ay nababanggit sa mga sermon. Kaya bakit ang buhay ng iglesia ay hindi pa umuunlad at kagaya pa rin ng dating bagay? Bakit walang isang ganap na bago at naiibang paraan ng pamumuhay? Magiging angkop ba para sa isang tao ng dekada nobenta na mabuhay kagaya ng isang emperador ng nakaraang panahon? Bagamat ang pagkain at inumin ay maaaring masasarap na pagkain na madalang tikman sa nakaraang mga kapanahunan, walang mga malalaking pagbabago sa mga kalagayan sa iglesia. Kagaya lang nito ng paglalagay ng lumang alak sa bagong lalagyan. Ano sa gayon ang halaga ng pagsasalita nang napakarami ng Diyos? Ang mga iglesia sa karamihan ng mga lugar ay ni hindi nagbago. Nakita Ko ito sa pamamagitan ng Aking mga mata at ito ay malinaw sa Aking puso; bagamat hindi Ko naranasan ang buhay ng iglesia sa Sarili Ko, lubos Kong nalalaman ang mga kalagayan ng mga pagtitipon ng iglesia. Hindi sila gaanong umunlad. Babalik ito sa gayong kasabihang—kagaya lang ito ng paglalagay ng lumang alak sa bagong lalagyan. Walang anuman ang nagbago, wala kahit katiting! Kapag mayroong isa na nagpapastol sa kanila sila ay nagniningas kagaya ng apoy, ngunit kapag walang sinuman ang naroroon upang alalayan sila, para silang isang bloke ng yelo.

25 Disyembre 2018

Tanong 1: Sabi sa Biblia, “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya sa pamamagitan ng puso;at naghayag ng kaligtasan gamit ang bibig” (Roma 10:10). Naligtas na tayo ng ating pananampalataya kay Jesus. Pag naligtas na tayo, magpasawalang-hanggan na ‘yon. Pagdating ng Panginoon tiyak na makakapasok tayo sa kaharian ng langit.

Sagot: Pag naligtas na tayo, magpakailanman na ‘yon at makakapasok tayo sa kaharian ng langit, ideya at imahinasyon lang ‘yan ng tao. Ni hindi ito ayon sa mga salita ng Diyos. Hindi sinabi ng Panginoong Jesus kailanman na makakapasok ang mga tao sa kaharian ng langit kapag naligtas siya sa pamamagitan ng pananampalataya. Sabi ng Panginoong Jesus, ang mga gumagawa lang ng kalooban ng Ama sa langit ang makakapasok sa kaharian ng langit. Ang mga salita lang ng Panginoong Jesus ang may awtoridad at katotohanan. Ang imahinasyon ng tao'y hindi katotohanan at hindi rin pamantayan para makapasok sa kaharian ng langit. Tungkol sa “kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya” na pinag-uusapan natin, ang “kaligtasang” ito ay ang mapatawad lang ang mga kasalanan ng tao, hindi ang mahatulan o maparusahan ng kamatayan ayon sa batas. Hindi nito ibig sabihin na ang taong “naligtas” ay makakatahak sa landas ng Diyos, napawalang-sala, at naging banal na. Hindi nito ibig sabihin na makakapasok siya sa kaharian ng langit. Kahit napatawad na ang ating kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya, may kasalanan pa rin tayo. Puwede pa rin tayong magkasala nang madalas at kalabanin ang Diyos.

24 Disyembre 2018

Kidlat ng Silanganan | Tagalog Christian Movie | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation


Kidlat ng Silanganan |  Tagalog Christian Movie | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation


Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia. Tinangka nilang gamiting sandata ang kanyang mga kaanak upang guluhin ang kanyang isip. Pinalibutan nila siya at hindi siya hinayaang matulog sa loob ng kalahating buwan upang sirain ang kanyang loob. Hinarap niya ang walang tigil na pagpapahirap ng pulisya ng Komunistang Partido ng Tsino. Siya ay nagpatuloy sa isang lubhang nakatutuliro, nakatatakot na kalagayan. Sa mapanganib na kapaligirang ito, paulit-ulit siyang nanalangin sa Diyos at hiniling sa Diyos na ingatan siya upang siya ay makapanindigan at makapagpatotoo.

23 Disyembre 2018

Maikling Dula | "Tagamanman ng Komunidad" | Why Does the CCP Closely Monitor Christians?



Maikling Dula | "Tagamanman ng Komunidad" | Why Does the CCP Closely Monitor Christians?


Ang Chinese Communist Party, upang puksain ang pananampalatayang pang-relihiyon, ay gumagamit ng mga kumite sa komunidad at iba't ibang tao para mahigpit na manmanan ang mga Kristiyano at pinatutupad ang sistemang "pabuya sa pagsusumbong" sa pagtatangkang mahuli ang bawat Kristiyano. Ang maikling dula na pinamagatang "Tagapagmanman ng Komunidad" ay sumusuri kung paanong ang Kristiyanong si Lin Min, nang dahil sa reputasyon nang pananalig sa Diyos, ay palihim na sinubaybayan ng opisyal ng kumite sa komunidad.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?