Lahat ay takot na takot kapag naririnig nila ang Aking salita. Lahat ay puno ng panginginig. Ano ang inyong ikinatatakot? Hindi Ko kayo papatayin! Ito ay dahil nakokonsensya kayo at takot na takot na mabisto. Ang ginagawa ninyo sa Aking likuran ay masyadong hindi-seryoso at walang-kabuluhan. Dahil dito ay muhing-muhi Ako sa inyo kaya marubdob Kong inaasam na naitapon Ko yaong mga hindi Ko naítálágá at nahirang sa walang-hanggang hukay para madurog nang pira-piraso. Gayunpaman, mayroon Akong plano, mayroon Akong mga nilalayon. Palalampasin Ko ang iyong buhay pansamantala, hindi kita sisipain hanggang matapos mo ang paglilingkod sa Akin. Ayaw Kong makita ang gayong mga nilalang, isa silang kahihiyan sa Aking pangalan! Alam mo ba ito? Nauunawaan mo ba? Walang-silbing mga hamak! Unawain mo ito nang malinaw! Kapag ikaw ay ginagamit Ako ang gumagawa niyon at kapag hindi ka ginagamit ay dahil din ito sa Akin. Lahat ay isinasaayos Ko, at sa Aking mga kamay lahat ay masunurin at maayos. Sinuman ang nangangahas na gumalaw nang lihis sa takbo ay agad na pababagsakin ng Aking mga kamay. Malimit Kong sinasabing “pababagsakin”; iniisip mo ba na ginagawa Ko talaga iyan sa sarili Kong mga kamay? Hindi Ko kailangang gawin! Ang Aking mga pagkilos ay hindi alángán gaya ng naguguni-guni ng sangkatauhan. Ano ang kahulugan kapag sinabi na ang lahat ay itinatatag at ginagawang ganap ng Aking salita? Lahat ay ginagawang ganap nang hindi Ko man lamang iniaangat kahit isang daliri. Nauunawaan mo ba ang tunay na kahulugan ng Aking salita?
"Mga mahal na kapatid, umaasa akong makita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at umpisahang sundan ang Kanyang mga yapak tungo sa bagong kapanahunan, at tungo sa isang magandang bagong langit at bagong lupa na inihanda para sa mga naghihintay sa pagpapakita ng Diyos." Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
06 Pebrero 2019
05 Pebrero 2019
Sa Lipunan | Paalam sa mga Araw ng Pakikipagbuno sa Kapalaran
Isang payak na nayon na napag-iwanan na ng panahon, ang aking mga magulang na hapung-hapo mula sa kanilang trabaho, isang buhay na gipit sa pinansyal … ito ang malulungkot na ala-ala na nakatatak sa aking murang isipan, ito ang mga una kong pagkakilala sa salitang “kapalaran.” Pagkatapos kong magsimulang mag-aral, sa unang pagkakataong narinig ko ang aking guro na nagsabi ng “Hawak mo ang iyong kapalaran sa sarili mong mga kamay,” pinakatandaan ko ang mga salitang ito. Naniwala akong kahit na hindi ko mababago ang katotohanan na ako ay ipinanganak sa kahirapan, maaari ko pa ring baguhin ang sarili kong kapalaran sa pamamagitan ng pagsusumikap. Bilang resulta, ibinuhos ko ang lahat ng aking lakas upang makipagbuno sa aking “kapalaran,” at makamtan ang isang kapirasong langit na matatawag kong akin.
Isang Kabiguan sa Aking Pag-aaral
Tulad ng mga sali’t-saling lahi ng hindi mabilang na mga mag-aaral, ang aking pagpupunyaging makapag-aral at makarating sa kolehiyo ang unang hakbang sa pagbabago ng aking kapalaran. Upang maabot ito, nag-aral ako nang husto. Kapag nasa klase ako nakikinig nang husto, kapag nasa labas ng klase habang naglalaro ang ibang mga mag-aaral, nag-aaral pa rin ako, madalas ay subsob ako sa aking mga libro sa kalaliman ng gabi.
Dahil sa subsob ako sa pag-aaral, palaging nabibilang sa pinakamatataas ang aking mga marka. Sa bawat pagkakataon na hinahangaan ako ng aking mga guro at mga kamag-aral lumalakas ang aking paniniwala na “Kailangan akong umasa sa aking sariling dalawang kamay upang mag-ukit ng lugar sa mundo para sa aking sarili.” Ngunit ang mga kaparaanan ng mundo ay pabagu-bago. Habang nagsusumikap ako upang maabot ang mga magagandang layunin na ito, biglang nagkasakit ang aking ama. Matapos siyang suriin ay nalamang siya ay may Cirrhosis, at nasa kalagitnaang yugto na ito. Dahil dito ay nagkaroon ng mga pamamaga sa kanyang katawan, at hindi lamang sa hindi siya nakapagtatrabaho, napagastos rin siya nang malaki sa mga pagpunta sa manggagamot. Sa sandaling panahon ang lahat ng gawaing bahay, pati ang mga gawain sa bukid sa mahigit isang ektaryang lupain, ay napunta sa aking ina, at kasabay nito ay nagkaroon rin siya ng hinekolohiyal na karamdaman. Isang araw ay sinabi sa aking ng aking ama, na may mukhang puno ng pighati: “Anak, sa ngayon ang buong pamilya natin ay sa iyong ina lamang umaasa para sa suporta. Napakabigat ng kanyang dinadala. Napakalaki ng gastos ng pagpapaaral sa apat na bata sa isang taon. Wala talaga tayong ibang paraan upang lahat kayo ay mapag-aral namin. Ikaw ang pinakamatanda, kaya dapat ay isipin mo ang iyong mga kapatid. Bakit hindi ka tumigil para mabigyan ng pagkakataon ang iyong mga kapatid?” Pagkarinig ko sa mga salitang iyon ng aking ama, nakadama ako ng napakatinding kirot sa aking puso: Palagi akong nangangarap na makapag-aral nang mabuti at maging isang bantog na tao, ngunit kung susunod ako sa kahilingan ng aking ama na isuko ang aking pag-aaral, di ba’t ang lahat ng aking mga pagkakataon at pag-asa ay bigla na lamang lubusang maglalaho? Napuno ng luha ang aking mga mata, at nakaramdam ako ng matinding kalungkutan sa aking puso. Alam kong pinag-isipan na ito ng aking ama bago niya sabihin sa akin, at sa pagtingin ko sa aking may sakit na ina, hindi ko kayang ipaubaya sa kanya ang bigat ng pasanin. Kaharap ang pinahirap pang pinansyal na sitwasyon ng aming pamilya, wala akong pagpipilian kung hindi ang makipagkompromiso sa kasalukuyang sitwasyon at labanan ang mga luha kasabay ng pagsunod ko sa mga kahilingan ng aking ama.
04 Pebrero 2019
Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit
Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit
Naniniwala ang ilang tao, dahil nakayang likhain ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay sa isang salita, nakayang ibangon ang patay sa isang salita, makakaya ring baguhin kaagad ng Diyos ang ating imahe, gawin tayong banal, iangat tayo sa ere para salubungin ang Panginoon pagbalik Niya sa mga huling araw. Ganyan nga ba talaga para maiangat sa kaharian ng langit? Ang gawain ba ng pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay kasing-simple ng ating inaakala? Sabi ng Diyos, "Kailangan ninyo itong mapagtanto, at hindi dapat pasimplehin nang husto ang mga bagay-bagay. Ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng anumang karaniwang gawain. Ang hiwaga nito ay hindi naiisip ng utak ng tao, at ang karunungan nito ay hindi nakakamit ng gayon. Hindi nililikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at hindi rin Niya winawasak ang mga iyon. Sa halip, binabago Niya ang lahat ng Kanyang mga nilikha at dinadalisay ang lahat ng mga bagay na nadudungisan ni Satanas. Kaya, nararapat na simulan ng Diyos ang gawain na lubhang napakalaki, at ito ang buong kahalagahan ng gawain ng Diyos. Mula sa mga salitang ito, naniniwala ka ba na ang gawain ng Diyos ay napakapayak?. After reading these words, do you believe that the work of God is so simple?" (mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
03 Pebrero 2019
Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Tanggalin ang Maskara, at Magsimula ng Panibagong Buhay
Chen Dan Hunan Province
Sa pagtatapos ng nakaraang taon, dahil hindi ko naumpisahan ang gawain ng ebanghelyo sa aking lugar, inilipat ng pamilya ng Diyos ang isang kapatid mula sa ibang lugar para pangasiwaan ang aking gawain. Bago nito, hindi ako nasabihan, kung hindi, nalaman ko lang sa pamamagitan ng isang kapatid na kasama ko sa gawain. Masyado akong nagalit. Naghinala ako na hindi ako sinabihan ng taong nangangasiwa dahil sa takot na hindi ko gustong iwanan ang aking katungkulan at ipaglalaban ko ito. Bilang resulta, nagkaroon ako ng hindi magandang opinyon sa kapatid na nangangasiwa. Hindi kalaunan, nagkita kami ng naturang kapatid at tinanong kung ano ang nararamdaman ko tungkol sa aking pagkakapalit—noong una ninais ko na sabihin ang nasa aking isip, ngunit nag-alala ako na magkakaroon siya ng masamang impresyon sa akin at isipin na ako ay naghahangad sa katungkulan. Kaya sa halip, sa malumay na pananalitang kaya ko, sinabi ko, “Hindi ito problema, hindi ako nakagawa ng maayos na gawain kaya makatwiran lamang na ako ay mapalitan. Wala akong anumang partikular na iniisip tungkol dito, kung anumang tungkulin ang ibigay sa akin ng pamilya ng Diyos na gagampanan ko ay malugod akong susunod.” Sa ganitong paraan, itinago ko ang tunay kong nararamdaman habang ipinapakita ang ilusyong bersyon ng aking sarili sa naturang kapatid. Pagkatapos, ipinadala ako ng pamilya ng Diyos na maging manggagawa. Sa unang pagtitipon naming mga magkakatrabaho, nagtapat ang aming bagong lipat na pinuno tungkol sa kanyang kalagayan. Isang partikular na talatang ginamit niya, “nawala lahat ang katungkulan at reputasyon” ang tumama sa akin na parang isang toneladang mga bato:
02 Pebrero 2019
Cristianong Kanta | Kidlat ng Silanganan | Ang Katotohanan ang Pinakamataas sa Lahat ng Talinghaga ng Buhay
Cristianong Kanta | Kidlat ng Silanganan | Ang Katotohanan ang Pinakamataas sa Lahat ng Talinghaga ng Buhay
I
Ang ''Katotohanan'' ay ang pinaka-tunay
sa mga talinghaga ng buhay,
at pinakamataas ito sa buong sangkatauhan.
Tinatawag itong "talinghaga ng buhay",
ito ang hinihingi ng Diyos sa tao
at ginagawa Niyang personal,
hinihingi ng Diyos sa tao at ginagawa Niya nang personal.
Di kasabihang binuod mula sa isang bagay,
ni tanyag na kasabihang mula sa isang dakila.
Ngunit ito'y pagbigkas sa sangkatauhan
mula sa Panginoon ng lahat sa lupa at langit'.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo
I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?
-
Tagalog church songs | Tabernakulo ng Diyos Nasa Mundo na Ⅰ Pagbalik ng Diyos , mga bansa'y nahati-hati na ng ha...
-
Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos " Kapag nahaharap sa kalun...
-
Mga Mapagpanggap Upang ganap na maipagbawal ang paniniwala sa relihiyon at magawang isang bansang walang Diyos ang Tsina, ginaga...