Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

26 Marso 2019

Pagkilala sa Diyos|Ano ang layunin at kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa China para gumawa sa mga huling araw?

XIII. Kailangang Ipaliwanag nang Malinaw ng Isang Tao ang Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao ng Diyos sa China sa mga Huling Araw


2. Ano ang layunin at kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa China para gumawa sa mga huling araw?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:



Bawat yugto ng gawain ng Diyos ay para sa kapakanan ng lahat ng sangkatauhan, at nakadirekta sa buong sangkatauhan. Kahit na ito ay Kanyang gawain sa katawang-tao, ito pa rin ay nakadirekta sa lahat ng sangkatauhan; Siya ang Diyos ng buong sangkatauhan, at ang Diyos ng lahat ng mga nilikha at ng mga hindi nilikha. Kahit ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay napapaloob ng isang limitadong saklaw, at ang layunin ng gawain na ito ay limitado din, sa tuwing Siya ay nagiging katawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain pinipili Niya ang isang layunin ng Kanyang gawain na sukdulang kumatawan; hindi Siya pumipili ng isang grupo ng mga simple at karaniwang mga tao para gawin, ngunit sa halip ay pumipili bilang layunin ng Kanyang gawain ng isang grupo ng mga tao na may kakayanan sa pagiging kinatawan ng Kanyang gawain sa katawang-tao.

25 Marso 2019

Mga Movie Clip|Tanging ang Diyos ang Makagagawa ng Paghatol


"Sino Siya na Nagbalik" Clip 4 - Tanging ang Diyos ang Makagagawa ng Paghatol


Alam mo ba kung bakit personal na ginagawa ng Diyos ang Kanyang paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, sa halip na gumamit ng tao para gawin ito? Ipapakita sa iyo ng maikling video na ito ang tamang landas.

Manood ng higit pa:Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos

Alam ng maraming tao na ang Kristiyanismo ay isa sa tatlong pangunahing relihiyon sa mundo, ngunit hindi nila alam ang kahulugan ng Kristiyanismo. Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa katotohanan tungkol sa Kristiyanismo, mangyaring panoorin: Ano ang Kristiyanismo?

24 Marso 2019

Tagalog Gospel Songs Sino ang Nakaayon sa Diyos



Tagalog Gospel SongsSino ang Nakaayon sa Diyos


 I
Naipahayag na ng Diyos 'di mabilang na mga salita,
Kanyang kalooba't disposisyon,
gayunman 'di kaya ng mga tao
na makilala, maniwala o sumunod sa Kanya.
Ang iniisip n'yo lang ay pagpapala't gantimpala,
hindi kung paano makaayon sa Diyos
o 'di maging Kanyang kaaway.
Labis na nasiphayo ang Diyos sa inyo,
napakarami N'yang naibigay na sa inyo,
pero kaunti lang ang natamo mula sa inyo.

23 Marso 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos



Sa ngayon, hangarin ninyo na maging mga tao ng Diyos, at dapat simulan ang buong pagpasok sa tamang landas. Ang maging mga tao ng Diyos ay nangangahulugan ng pagpasok sa Kapanahunan ng Kaharian. Sa kasalukuyan, opisyal na ninyong sinisimulan ang pagpasok sa pagsasanay ng kaharian, at ang inyong hinaharap na mga buhay ay titigil sa pagiging makupad at pabaya kagaya nang dati; ang gayong mga buhay ay walang kakayahan sa pagtatamo ng mga pamantayang kinakailangan ng Diyos. Kung hindi ka nakakadama ng anumang pagmamadali, kung gayon ay ipinapakita nito na wala kang pagnanais na paunlarin ang iyong sarili, na ang iyong paghahangad ay magulo at nalilito, at ikaw ay walang kakayahan na tuparin ang kalooban ng Diyos.

21 Marso 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Ikaw Ba’y Nabuhay?


Kapag nakamit mo na ang pagsasapamuhay ng normal na pagkatao, at nagawa ka nang perpekto, bagaman hindi mo magagawang magsalita ng propesiya, ni anumang misteryo, ang larawan ng isang tao ang ipapamuhay at ibubunyag mo. Nilikha ng Diyos ang tao, pagkatapos ay ginawang masama ni Satanas ang tao, at ginawang mga patay na katawan ng kasamaang ito ang mga tao—kaya, matapos kang magbago, magiging iba ka sa mga patay na katawang ito. Ang mga salita ng Diyos ang nagbibigay buhay sa mga espiritu ng tao at pinangyayari na sila’y ipanganak muli, at kapag ipinanganak muli ang mga espiritu ng tao, sila ay mangangabuhay muli.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?