Sagot:
Iniisip ng karamihang tao sa relihiyosong mundo: Nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus at sinabi bago Siya mamatay “Naganap na,” pinatunayan nito na ganap nang natapos ang gawain ng pagliligtas ng Diyos, at wala nang gawain. Kaya, nang marinig na gumagawa ang Diyos ng isang bagong yugto ng gawain sa mga huling araw, maraming tao ang lubos na itinanggi ito. Inisip nilang isa itong imposibleng bagay. Kapag dumating sa bagay na iyon, ano ang katotohanan ng bagay na ito? Nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, sinagisag ba nito o hindi na ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan ay ganap na “natapos”? Ang ibig sabihin ba ng Diyos sa pagsasabi ng “Naganap na” na natapos na ang lahat ng gawain ng Panginoon na pagtubos sa sangkatauhan, o nangangahulugan ito na natapos na lahat ng gawain ng Diyos na pagliligtas ng sangkatauhan?