Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

31 Hulyo 2018

Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat





Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Hindi alam ng sangkatauhan, na iniwan ang panustos ng buhay mula sa Makapangyarihan sa lahat, kung bakit sila umiiral, gayunma’y natatakot sa kamatayan. Walang suporta, walang tulong, ngunit ang sangkatauhan ay nag-aatubili pa ring magsara ng kanilang mga mata, naglalakas-loob pa rin, nagpapatuloy sa walang dangal na pag-iral sa mundong ito sa mga katawang walang kamalayan sa mga kaluluwa. 

30 Hulyo 2018

Tagalog Christian Music Video "Sa Kapanahunan ng Kaharian, Ginaganap ng Salita ang Lahat ng Bagay"




I
Sa Kapanahunan ng Kaharian,
naghahatid ang Diyos sa isang bagong kapanahunan ng salita.
Binabago Niya ang paraan ng Kanyang gawain,
ginagawa ang gawain ng buong kapanahunan gamit ang salita.
Ito'y panuntunan ng paggawa ng Diyos
sa Kapanahunan ng Salita.
Siya'y nagkat'wang-tao
upang magsalita mula sa iba't-ibang posisyon,
upang tunay na makita ng tao ang Diyos,
ang Salitang nagpapakita sa katawang-tao,
makita Kanyang himala't makita Kanyang karunungan.
Ang gayong gawai'y upang mas makamit mga layunin
ng paglupig sa tao, pagperpekto sa tao, pag-alis sa tao.
Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit ng salita
upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita,
sa Kapanahunan ng Salita.

28 Hulyo 2018

Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo! | Lahat ba ng Nasa Biblia ay Salita ng Diyos?



Gaya ng maraming relihiyoso na may pananampalataya sa Panginoon, noon pa man ay nadama na ni Elder Li na "lahat ng nasa Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos," at "ang Biblia ay kumakatawan sa Diyos." Ang mga ideyang ito ang naging batayan noon pa man ng kanyang pananampalataya. 

26 Hulyo 2018

Trailer ng Dokumentaryong "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | Pagsisiyasat sa Sansinukob



Sa malawak na himpapawid sa kalawakan na puno ng mga bituin, nagbabanggaan ang mga planeta, at isang sunurang masalimuot na mga pamamaraan ang nagsisilang ng bagong mga planeta.... Ang di-mabilang na katawang selestyal sa kalawakan ay gumagawang lahat nang magkakaayon—sinong nagpapatakbo sa mga iyon? Malapit nang ihayag ng Kristiyanong dokumentaryong musikal—Ang Isang Naghahari sa Lahat—ang mga tunay na pangyayari!

Rekomendasyon:Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos




Latest Christian Full Movie HD 2018 | "Pananabik" Lord Jesus Has Come Again (Tagalog Dubbed)






Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad: "Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). 

24 Hulyo 2018

Hinahanap Ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu







  • I
  • Taong nilisan tustos-buhay mula sa Makapangyarihan
  • di alam ba't umiiral, nguni't takot sa kamatayan.
  • Walang suporta at tulong,
  • ngunit nag-aatubili pa ring ipikit kanilang mga mata,
  • sinusuong ang lahat,
  • inilalantad walang dangal na buhay sa mundo
  • sa katawang kaluluwa ay walang malay.
  • Buhay nang walang pag-asa't layunin.
  • Ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat,
  • ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat
  • na magliligtas sa nagdurusa
  • at naghahangad ng Kanyang pagdating.
  • Sa taong walang-malay,
  • paniwalang ito'y di pa matatanto hanggang ngayon.
  • Gayunman, tao'y hangad pa rin ito, hangad ito.

Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (IV) (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)





Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: 1. Paano Pinamamahalaan at Pinangangasiwaan ng Diyos ang Espirituwal na Mundo 1) Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Mga Taong Hindi Sumasampalataya

23 Hulyo 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo"

 


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay nangangahulugang lahat ng gawain at mga salita ng Espiritu ng Diyos ay isinagawa sa pamamagitan ng Kanyang normal na pagkatao, at sa pamamagitan ng Kanyang pagka-katawang-tao.

22 Hulyo 2018

Tagalog Christian Movie "Napakagandang Tinig" The Word of the Holy Spirit to the Churches (Trailer)





Isang mangangaral si Dong Jingxin sa isang bahay sambahan sa Tsina. Tatlumpung taon na siyang nananampalataya sa Panginoon, at minamahal ang katotohanan; madalas niyang binabasa ang mga salita ng Panginoon at hinihimok ng mga ito. Ipinagmamalaki niya ang kanyang sarili para sa Panginoon nang may sigasig. 

21 Hulyo 2018

Ang Mga Paniwala at Imahinasyon Ay Hindi Kailanman Makakatulong na Makilala Mo ang Diyos

 

I
Ang kaalaman sa Diyos ay hindi nakasalalay
sa karanasan ni imahinasyon.
Ang mga ito ay hindi dapat kailanman ipataw sa Diyos.
Dahil kahit na gaano kayaman
at kanais-nais ang karanasan ng tao,
sila ay limitado, hindi sila katunayan ni katotohanan,
pagiging hindi rin tugma sa tunay na disposisyon ng Diyos,
pagiging hindi rin naaayon sa tunay na diwa ng Diyos.
Ang matuwid na disposisyon ng Diyos
ay ang Kanyang sariling tunay na diwa;
ito ay hindi idinikta ng tao,
ni katulad sa Kanyang paglikha.
Ang Diyos ay Diyos matapos ang lahat,
Siya ay hindi kailanman bahagi ng Kanyang sariling paglikha.
Kahit na Siya ay makiisa, ang Kanyang disposisyon,
ang kakanyahan ay hindi magbabago, hindi magbabago.

20 Hulyo 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | "Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?" (Tagalog Dubbed)

 


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming pakinabang. Ang mga Judio ay naniwala sa Akin dahil sa Aking biyaya, at sumunod sa Akin saan man Ako nagtungo. Ang mga ignoranteng tao na ito na may limitadong kaalaman at karanasan ay hinanap lamang ang mga tanda at himala na ipinamalas Ko.

19 Hulyo 2018

Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo! | Alisin ang mga Kadena at Pag-aralan ang Tunay na Daan

 


Dahil sa bulag na pagsampalataya sa mga salita ng mga relihiyosong pastor, napakiramdaman ni Elder Li na lahat ng gawain at salita ng Diyos ay nakatala sa Biblia at anumang wala sa Biblia ay hindi maaaring maging gawain at salita ng Diyos. Akala ni Li ang kailangan lang niyang gawin ay sumunod sa Biblia at pagdating ng Panginoon, madadala siya sa kaharian ng langit. 

18 Hulyo 2018

Ang Mayhawak ng Kataas-taasang Kapangyarihan sa Lahat | Mga Pagninilay tungkol sa Kalamidad

 


Maraming tao ang nag-iisip na ang kanilang kapalaran ay nasa kanilang sariling mga kamay. Pero pagdating ng kalamidad, ang nadarama lang natin ay kawalan ng magagawa, takot, at sindak, at nadarama natin ang kawalan ng halaga ng mga tao at ang pagkaselan ng buhay …. Sino ang tanging makapagliligtas sa atin? Malapit nang ihayag ng Kristiyanong dokumentaryong musikal—Siya na Naghahari sa Lahat—ang sagot!






17 Hulyo 2018

The Best Tagalog Christian Music HD | "Ang Resulta ng Pagkakakilala sa Diyos" (Tagalog Dubbed)

 


I
Isang araw, madarama mong ang Maylalang ay 'di palaisipan,
S'ya ay di itinago, 'di tinakpan ang mukha sa iyo;
S'ya ay 'di naging malayo sa iyo;
Di na S'ya ang 'yong hangad araw at gabi
ngunit 'di maabot ng damdamin mo.
S'yang tunay mong tagapagbantay sa iyong tabi,
buhay mo'y tinustustusan, at hawak ang 'yong kapalaran.
S'ya'y wala sa malayong abot-tanaw, at 'di nakatago sa ulap.
S'ya'y sa tabi mo, naghahari sa lahat sa'yo.
Siya ay 'yong lahat at 'yong nag-iisa.

16 Hulyo 2018

Tagalog Christian Music Video 2018 | "Umaasa ang Diyos na Makilala at Maintindihan Siya ng Tao"


   


I
Mula sa unang ugnayan ng Diyos sa sangkatauhan,
nagbubunyag na Siya sa kanila
ang kakanyahan, ano Siya't anong mayro'n Siya,
patuloy, walang tigil.
Kung ang tao sa mga kapanahunan ay makakita o makaintindi,
Diyos ay nangungusap at gumagawa
upang ipakita Kanyang disposisyon at kakanyahan.
Kailanma'y di kinubli, tinago,
nilabas nang walang reserbasyon,
diwa at disposisyon ng Diyos, Kanyang persona't pag-aari,
ay bunyag sa Kanyang gawa at ugnayan sa sangkatauhan.

14 Hulyo 2018

Ganito Pala ang Pagbalik ng Panginoon

   

Nabasa na ng maraming nananalig sa Panginoon ang sumusunod na propesiya sa Biblia: "Mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian" (Mateo 24:30). Naniniwala sila na pagbalik ng Panginoon, siguradong bababa Siya sakay ng ulap, pero may iba pang mga propesiya sa Biblia na nagsasabing: "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Malinaw na may mga propesiya na darating ang Panginoon nang lihim bukod pa sa propesiya na hayagan Siyang bababa sakay ng ulap. Kaya ano ang katotohanan tungkol sa Kanyang pagbalik?










13 Hulyo 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa"

 


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang Diyos ay hindi lamang ang Banal na Espiritu, ang Espiritung iyon, pitong beses na pinatinding Espiritu, ang sumasaklaw ng lahat sa Espiritu, kundi isa ring tao, isang ordinaryong tao, isang napakakaraniwang tao. Hindi lamang Siya lalaki, kundi pati na rin babae.

Tagalog Christian Music "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" (Musical Documentary) | Power of God

 


Sa buong kalawakan ng sansinukob, lahat ng bagay sa kalawakan ay gumagalaw nang eksakto sa sarili nilang orbit. Sa ilalim ng kalangitan, mga bundok, mga ilog, at mga lawa, lahat ay may hangganan, at lahat ng nilalang ay nabubuhay at nagpaparami sa loob ng apat na panahon alinsunod sa mga batas ng buhay …. Napakaganda ng pagkadisenyo sa lahat ng ito—may Isang Makapangyarihan bang namamahala at nagsasaayos sa lahat ng ito? Mula nang dumating tayo sa mundong ito na umiiyak, nakapagsimula na tayong gumanap ng iba’t ibang papel sa buhay

12 Hulyo 2018

Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang

 


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Aking tinatawag sa Aking bahay ang lahat ng Aking itinalaga upang maging tagapakinig ng Aking salita, at pagkatapos ay inilalagay ang lahat ng mga sumusunod at nananabik sa Aking salita sa harapan ng Aking trono. Yaong mga tumatalikod sa Aking salita, yaong mga hindi nakasunod at nagpasakop sa Akin, at yaong mga hayagang sumasalungat sa Akin, ay itatakwil lahat sa isang tabi upang hintayin ang kanilang huling kaparusahan.

10 Hulyo 2018

Christian Music Video | Ang Lahat ng Nilikha ng Diyos ay Dapat Mapasailalim sa Kanyang Kapamahalaan



I
Lahat ng bagay nilikha ng Diyos,
kaya ginagawa Niya lahat ng nilalang
mapasailalim ng Kanyang paghahari,
at pasakop sa Kanyang kapamahalaan.
Inuutusan N'ya lahat ng bagay,
kinokontrol sila sa mga kamay N'ya.
Mga buhay na nilalang, kabundukan,
mga ilog at tao dapat sumailalim sa Kanyang paghahari.
Lahat ng bagay sa himpapawid at sa lupa
dapat sumailalim sa Kanyang kapamahalaan.
Lahat kailangan magpailalim na walang pagpili.
Ito ang atas ng Diyos at Kanyang awtoridad, awtoridad.

08 Hulyo 2018

Tagalog Christian Gospel Videos | "Walang Katumbas ang Katapatan" Christian Testimony



Si Zhen Cheng ang may-ari ng isang appliance repair shop. Mabait Si Zhen Cheng ang may-ari ng isang appliance repair shop. Mabait siya, tapat, at nagnegosyo nang naaayon sa libro. Hindi niya susubukang manloko ng kapwa, pero halos sapat lang ang kinikita niya para masuportahan ang kanyang pamilya. Paglipas ng ilang panahon, isang kapamilya at kapwa negosyante ang nag-udyok sa kanyang gawin ang mga di-nakasulat na tuntunin ng negosyo, at nagsimulang maniwala si Zhen Cheng sa mga kasabihang kumakatawan sa satanikong pilosopiya tulad ng: “Ang isang taong walang ikalawang kita ay hindi yayaman kailanman tulad ng isang kabayong hindi bibigat kailanman dahil ginutom sa dayami sa gabi,” “Ang mapangahas ay namamatay sa katakawan ; ang mahiyain ay namamatay sa gutom,” “Hindi pera ang lahat, pero kung wala nito, wala kang magagawang anuman,” at “Una ang pera.” Nawala ang mabuting konsensiya ni Zhen Cheng na dating gumabay sa kanya at nagsimulang gumamit ng pailalim na mga pamamaraan para kumita ng mas maraming pera. Kahit kumita siya ng mas maraming pera kaysa dati, at humusay ang mga pamantayan niya sa pamumuhay, dama ni Zhen Cheng na hindi siya masaya at binalot siya ng pakiramdam ng kawalan; hungkag ang buhay at puspos ng pagdurusa. Pagkatapos tanggapin ni Zhen Cheng ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa huling mga araw, naunawaan niya sa pamamagitan ng salita ng Diyos na gusto ng Diyos ang mga tapat na tao at hinahamak ang mga mapanlinlang. Naunawaan din ni Zhen Cheng na ang pagiging tapat na tao ay ang tanging paraan para mag-ugaling tunay na tao at ang tanging paraan para makamit ang papuri ng Diyos, kaya isinumpa niyang maging tapat na tao. Gayon man, ang pagiging tapat na tao sa tunay na buhay ay napatunayang mahirap: Sa mga kapatid sa simbahan, pwede siyang maging diretso tulad ng nararapat, pero kung gayon ang ginawa niya sa mundo ng negosyo, makagagawa ba siya ng pera?

07 Hulyo 2018

Latest Tagalog Christian Movie Trailer 2018 | "Ang Sandali ng Pagbabago"




Naniniwala ang ilang tao, dahil nakayang likhain ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay sa isang salita, nakayang ibangon ang patay sa isang salita, makakaya ring baguhin kaagad ng Diyos ang ating imahe, gawin tayong banal, iangat tayo sa ere para salubungin ang Panginoon pagbalik Niya sa mga huling araw. Ganyan nga ba talaga para maiangat sa kaharian ng langit? Ang gawain ba ng pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay kasing-simple ng ating inaakala? Sabi ng Diyos, "You must realize it, and should not oversimplify matters. 

05 Hulyo 2018

Tagalog Christian Music "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" (Musical Documentary) | Power of God

 

Sa buong kalawakan ng sansinukob, lahat ng bagay sa kalawakan ay gumagalaw nang eksakto sa sarili nilang orbit. Sa ilalim ng kalangitan, mga bundok, mga ilog, at mga lawa, lahat ay may hangganan, at lahat ng nilalang ay nabubuhay at nagpaparami sa loob ng apat na panahon alinsunod sa mga batas ng buhay …. Napakaganda ng pagkadisenyo sa lahat ng ito—may Isang Makapangyarihan bang namamahala at nagsasaayos sa lahat ng ito? Mula nang dumating tayo sa mundong ito na umiiyak, nakapagsimula na tayong gumanap ng iba’t ibang papel sa buhay

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

 


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, kung gayon ikaw ay tiyak na maniniwala na ang pagbangon at pagbagsak ng anumang bayan o bansa ay nangyayari ayon sa mga disenyo ng Diyos. Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang bayan o bansa, at Diyos lamang ang kumokontrol sa landasin ng sangkatauhang ito. Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung gayon ang tao ay dapat na yumukod sa Diyos sa pagsamba, magsisi at umamin sa harap ng Diyos, o kung hindi ang kapalaran at patutunguhan ng tao ay hindi maiiwasang magtapos sa sakuna."




03 Hulyo 2018

Ang Pagtanggap sa Paghahari ng Diyos ang Panimula ng Kaligtasan ng Tao





  • I
  • Hmm ... Hmm ...
  • Kung paano mo naiisip ang paghahari at katotohanan ng Diyos,
  • ay nagpapakita kung ika'y may puso, may espiritu.
  • Ito'y nagpapasya kung kaya mong maunawaan
  • ang awtoridad ng Diyos.
  • Kung 'di mo pa nadama ang paghahari ng Diyos,
  • o tinanggap ang awtoridad N'ya,
  • ika'y tatanggihan ng Diyos.
  • Dadalhin ka do'n ng 'yong landas at desisyon.
  • Paghahari't pagsubok ng Diyos ay tanggapin.
  • Damhin ang salita ng Diyos sa buhay nang tunay.
  • Malalaman mo ang kapangyarihan ng Diyos
  • at sundin ang Manlilikha't maligtas.
  • sundin ang Manlilikha't maligtas,
  • sundin ang Manlilikha't maligtas.
  • II
  • Yaong alam at tanggap ang paghahari ng Diyos
  • ang nakakakilala't nagpasakop sa
  • Katunayang Diyos ang may kontrol
  • sa kapalaran ng sangkatauhan.
  • Paghahari't pagsubok ng Diyos ay tanggapin.
  • Damhin ang salita ng Diyos sa buhay nang tunay.
  • Malalaman mo ang kapangyarihan ng Diyos
  • at sundin ang Manlilikha't maligtas,
  • sundin ang Manlilikha't maligtas,
  • sundin ang Manlilikha't maligtas.
  • III
  • Sa kamatayan, sila'y 'di matatakot.
  • Sila'y papasakop sa lahat ng bagay
  • nang walang pinipili o hinihingi.
  • Sila 'yong makababalik sa tabi ng Manlilikha
  • bilang taong tunay.
  • Paghahari't pagsubok ng Diyos ay tanggapin.
  • Damhin ang salita ng Diyos sa buhay nang tunay.
  • Malalaman mo ang kapangyarihan ng Diyos
  • at sundin ang Manlilikha't maligtas,
  • sundin ang Manlilikha't maligtas,
  • sundin ang Manlilikha't maligtas.
  •  
  • mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao



Musical Documentary "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | Patotoo Tungkol sa Kapangyarihan ng Diyos




Throughout the vast universe, all celestial bodies move precisely within their own orbits. Under the heavens, mountains, rivers, and lakes all have their boundaries, and all creatures live and reproduce throughout the four seasons in accordance with the laws of life…. This is all so exquisitely designed—is there a Mighty One ruling and arranging all this? Since coming into this world crying we have begun playing different roles in life. We move from birth to old age to illness to death, we go between joy and sorrow…. Where does mankind really come from, and where will we really go? Who is ruling our fates? From ancient times to modern days, great nations have risen up, dynasties have come and gone, and countries and peoples have flourished and perished in the tides of history…. Just like the laws of nature, the laws of humanity's development contain infinite mysteries. Would you like to know the answers to them? The documentary The One Who Holds Sovereignty Over Everything will guide you to get to the root of this, to unveil all of these mysteries!

Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal




01 Hulyo 2018

Tagalog Christian Music Video 2018 | "Ganap na Inilalagay ng Diyos ang Kanyang Pag-asa sa Tao"

  

I
Mula sa simula hanggang ngayon,
tanging tao lamang ang maaaring makipag-usap sa Diyos.
Iyon ay, tanging tao ang maaaring makipag-usap sa Diyos,
sa lahat ng nabubuhay na bagay at kung ano ang nilikha Niya.
Tao ay may mga tainga upang makarinig,
at mga mata upang makakita;
may mga kaisipan, at wika,
pati na ang kanyang malayang kalooban.
Ang tao ay may lahat ng mga kakayahan na kinakailangan
upang marinig ang Diyos na nagsasalita
at nauunawaan ang kalooban ng Diyos,
at tanggapin ang komisyon ng Diyos,
at tanggapin ang komisyon na mula sa Diyos,
at sa gayon ay inilalagay ng Diyos
ang lahat ng pag-asa Niya sa tao.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?