Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

01 Nobyembre 2018

Tanong 1: Naramdaman ko ang kalungkutan sa ating iglesia nitong mga nakaraang taon. Nawala natin ang pananampalataya at pagmamahal na taglay natin noong simula, at naging mas mahina at mas negatibo. Kahit ang mga nangangaral, hindi alam ang gagawin kung minsan, at hindi alam kung ano ang pag-uusapan. Pakiramdam nami’y nawala namin ang gawain ng Banal na Espiritu. Naghanap din kami sa lahat ng dako ng iglesia na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, pero bawat iglesiang makita nami’y kasinglungkot ng sa amin. Bakit napakaraming iglesia ang nagugutom at nalulungkot?

Sagot: Mahalaga ang tinanong ninyo. Alam nating lahat na nabubuhay tayo sa dulong yugto ng mga huling araw. Iprinopesiya noon ng Panginoong Jesus: “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12). Dumarami ang katampalasanan sa mundo ng relihiyon. Hindi sinusunod ng mga pinuno ng relihiyon ang mga utos ng Panginoon , sinusunod lang nila ang mga tradisyon ng tao. Ipinangangaral lang nila ang kaalaman sa biblia para magyabang at magpatotoo sa kanilang mga sarili. Hindi talaga sila nagpapatotoo sa Diyos o nagpaparangal sa Diyos, at lubos na humiwalay sa daan ng Panginoon, kaya tinatanggihan at inaalis sila ng Diyos. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nawala ng mundo ng relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu.

31 Oktubre 2018

Tagalog Christian Family Movie | "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao" (Full Christian Movie)


Tagalog Christian Family Movie | "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao" (Full Christian Movie)


Simula pagkabata, tinuruan si Cheng Jianguang ng kanyang mga magulang at guro na ang mga patakarang tulad ng "Ang pagkakasundo'y kayamanan, pagtitimpi'y kabanalan," "Ang pananahimik sa mali ng mabuting kaibigan ay nagpapatagal sa samahan," "Kung mayroon mang mali, magsalita na lang ng kaunti" ang mga batong pansuri sa pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa ibang tao. Isinapuso niya ang mga aral na ito, at natutuhan niyang huwag kailan man saktan ang kalooban ng iba sa kanyang mga gawa at salita, at palaging pangalagaan ang kanyang kaugnayan sa iba, kaya nakilala siya bilang "mabuting tao" ng mga nasa paligid niya.

30 Oktubre 2018


Tagalog Christian Song | Ang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw ay Upang Wakasan ang Kapanahunan


I
Ang mga huling araw 'di tulad ng Kapanahunan ng Biyaya't
Kapanahunan ng Kautusan.
Ang gawain sa huling araw ay hindi ginagawa sa Israel,
kundi sa mga Hentil.
Ito'y pagsakop ng lahat ng bansa sa harap ng trono ng Diyos.
L'walhati ng Diyos pupunuin ang kalawakan.

29 Oktubre 2018


Salita ng Buhay | "Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos.

28 Oktubre 2018

Tagalog Christian Movie-Bakit Nagkakatawang-Tao ang Diyos para Gawin ang Kanyang Gawain sa mga Huling Araw


Tagalog Christian Movie-Clip ng Pelikulang Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train - Bakit Nagkakatawang-Tao ang Diyos para Gawin ang Kanyang Gawain sa mga Huling Araw

Sa mga huling araw, muling nagkatawang-tao ang Panginoon para ipahayag ang katotohanan at gawin ang Kanyang gawain ng paghatol simula sa mag-anak ng Diyos. Gayunman, maraming kapatid sa Panginoon ang patuloy na naniniwala na gumawa si Jehova bilang Espiritu sa Lumang Tipan at sa mga huling araw ay ipagpapatuloy ng Diyos ang gawain sa anyo ng Espiritu nang hindi na kailangan pang magkatawang-tao. Kaya bakit nagiging tao ang Diyos para gawin ang Kanyang gawain sa mga huling araw? Ano ang kaibhan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa gawain ng Espiritu?

Rekomendasyon:Kristiyanismo tagalog

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?