Sagot: Anumang malalaking insidente ng gawain ng Diyos ay iprinopesiya sa Biblia, at marami-rami rin ang mga propesiyang nauugnay sa pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus at gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Pero dapat nating maintindihan na sinasabi lang ng mga propesiya sa mga tao kung ano ang mangyayari. Paalala ang mga ito para maging mapagSalita ng Diyosmatyag ang mga tao at maghanap at magsiyasat nang mabuti sa mga huling araw, para hindi sila abandonahin o alisin ng Diyos. Iyan lang ang magagawa ng mga propesiya. Hindi tayo matutulungan ng mga propesiya na malaman ang gawain ng Diyos, o maintindihan ang katotohanan, o tulungan tayong sumunod sa Diyos, o dagdagan ang ating pagmamahal sa Diyos. Kaya ang pinakamabuting gawin natin ay ang direktang siyasatin ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, at ang ginawa Niyang gawain, at mula sa mga ito ipasya kung talagang tinig at pagpapahayag ng Diyos ang mga ito. Iyan ang pinakamahalaga at pinakamatalinong hakbang. Mas makatotohanan ito at nakakatulong kaysa sa paghahanap ng batayan sa mga propesiya sa biblia. Alam nating lahat na noong dumating ang Panginoong Jesus para magsagawa ng gawain, unti-unti lang na nakilala ng mga alagad at nananampalataya na sumunod sa Kanya, sa pamamagitan ng Kanyang gawain at mga salita, na ang Panginoong Jesus ang Cristo, ang Tagapagligtas na iprinopesiyang darating. Alam na alam ng mga dakilang saserdote, kalihim, at Fariseo na nakakaalam sa mga kautusan at nag-aral sa Biblia na mga katotohanan at may kapangyarihan ang mga salita ng Panginoong Jesus, pero dahil namumuhi sila sa katotohanan, hindi lang sila tumangging sundin ang Panginoong Jesus, gumamit sila ng mga sulat at patakaran sa Biblia para kontrahin at kondenahin ang Panginoong Jesus, at sa huli ay ipinako Siya sa krus. Ipinapakita nito sa atin na hindi tayo maaakay o magagabayan ng Biblia para tanggapin ang pagbabalik ng Panginoon.
"Mga mahal na kapatid, umaasa akong makita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at umpisahang sundan ang Kanyang mga yapak tungo sa bagong kapanahunan, at tungo sa isang magandang bagong langit at bagong lupa na inihanda para sa mga naghihintay sa pagpapakita ng Diyos." Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
12 Enero 2019
11 Enero 2019
Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos
Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa iyong paniniwala sa Diyos, paano mo Siya makikilala? Dapat mong makilala ang Diyos sa pamamagitan ng mga salita at mga gawain ng Diyos sa ngayon, nang walang paglihis o kamalian, at bago ang lahat ng iyan, dapat mong malaman ang gawain ng Diyos. Ito ang pundasyon tungkol sa pagkilala sa Diyos. Lahat ng mga iba’t-ibang kamalian na walang dalisay na pagtanggap sa mga salita ng Diyos ay pawang mga relihiyosong pagkaintindi, ang mga ito’y pagtanggap na lihis at mali. Ang pinakadakilang kakayahan ng mga pinuno ng relihiyon ay ang pagkuha sa mga salita ng Diyos na tinanggap noong nakaraan at ang pagkukumpara ng mga ito sa mga salita ng Diyos ngayon. Kung sa iyong paglilingkod sa Diyos ngayon, kumapit ka sa mga bagay na niliwanagan ng Banal na Espiritu noong nakaraan, kung gayon ang iyong paglilingkod ay magdudulot ng pagkaantala, at ang iyong pagsasagawa ay malilipasan ng panahon at pawang relihiyosong seremonya lamang....
10 Enero 2019
Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayahang Kumatawan sa Diyos
Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkabalot sa impluwensya ng kadiliman, nakagapos sa impluwensya ni Satanas nang walang matatakasan. At ang disposisyon ng tao, pagkatapos nitong napapasailalim sa pagpoproseso ni Satanas, ay nagiging pasamâ nang pasamâ. Masasabi ng isa na ang tao ay patuloy na namumuhay taglay ang kanyang tiwali at malasatanas na disposisyon, walang kakayahang tunay na ibigin ang Diyos. Yamang ganito, kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, kailangan niyang mahubaran ng kanyang sariling-pagkamatuwid, sariling-kahalagahan, pagmamataas, pagkamakasarili, at mga gaya nito, na kabilang lahat sa disposisyon ni Satanas. Kung hindi, ang pag-ibig ng tao ay isang maruming pag-ibig, pag-ibig ni Satanas, at isa na siguradong hindi nakakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Kung hindi nagiging direktang ginagawang perpekto, pinakikitunguhan, binabasag, pinupungusan, dinidisiplina, kinakastigo, o pinipino ng Banal na Espiritu, walang sinuman ang tunay na makakaibig sa Diyos. Kung sinasabi mo na ang isang bahagi ng iyong disposisyon ay kumakatawan sa Diyos at dahil dito ay kaya mong ibigin ng tunay ang Diyos, sa gayon ay isa ka na nangungusap ng mga salita ng kayabangan at isang taong salungat sa katuwiran. At ang mga taong katulad nito ay ang arkanghel!
09 Enero 2019
Kidlat ng Silanganan | "Bantayan ang Bahay na Ito" | Why Are Christians Treated Like This?
Kidlat ng Silanganan | "Bantayan ang Bahay na Ito" | Why Are Christians Treated Like This?
Sa China, inuusig ng CCP ang mga Kristiyano hanggang sa mahirapan na silang umuwi, kaya madalas ay kung saan-saan na lang sila nakatira. Sa dulang ito, isang mag-asawang Kristiyano, na nainis na sa pag-monitor sa kanila sa nayon nila dahil sa paniniwala sa Diyos, ang nagpasiyang lumipat sa lungsod at mangupahan sa apartment, pero hindi nagtagal, ang pulis ng CCP, miyembro ng neighborhood committee, security guard, at isang walang-modong kapitbahay ang nagsimulang bumisita nang sunod-sunod para "tulungan ang matandang mag-asawa na bantayan ang apartment nila."
08 Enero 2019
The bible tagalog movies | Clip ng Pelikulang (3) "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia"
The bible tagalog movies | Clip ng Pelikulang (3) "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia"
Kapag Sinasabi Nitong Walang Taong Maaaring Magdagdag sa mga Propesiya?" Sabi sa Pahayag kapitulo 22, bersikulo 18: "Aking sinasaksihan sa bawa’t taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito."
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo
I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?
-
Tagalog church songs | Tabernakulo ng Diyos Nasa Mundo na Ⅰ Pagbalik ng Diyos , mga bansa'y nahati-hati na ng ha...
-
Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos " Kapag nahaharap sa kalun...
-
Mga Mapagpanggap Upang ganap na maipagbawal ang paniniwala sa relihiyon at magawang isang bansang walang Diyos ang Tsina, ginaga...