Qiuhe Japan
Isinilang ako sa isang Katolikong pamilya. Mula pa noong bata ako, dumalo ako sa Misa sa simbahan kasama ang aking lolo at lola. Dahil sa impluwensiya ng aking kapaligiran at ng aking paniniwala sa Diyos, natuto akong umawit ng iba't ibang banal na kasulatan at isagawa ang iba't ibang ritwal.
Noong 2009, pumunta ako sa Japan upang mag-aral. Minsan, sa kuwarto ng dormitoryo ng kapwa ko mag-aaral, nagkataong nakilala ko ang pinuno ng isang maliit na grupo ng mga Cristiano na dumating upang ipalaganap ang ebanghelyo. Naisip ko: Naniniwala ang mga Protestante at Katoliko sa iisang Diyos. Pareho silang naniniwala sa Panginoong Jesus. Bilang resulta, tinanggap ko ang imbitasyon ng pinuno ng maliit na grupo na sumama sa kanya sa iglesia. Matapos pakinggan ang pangangaral ng mga pastor at marinig ang pananalita tungkol sa Biblia ng ilang kapatid, nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa tungkol sa buhay ng Panginoong Jesus. Ginawa nitong magkaroon ako ng higit na pananampalataya sa Panginoon. Gayunman, pagkalipas ng ilang buwan, hiniling ng mga pastor at tagapangaral na maghandog kami ng ikapu bawat linggo. At, bawat linggo, dapat kaming magpamigay ng mga polyeto upang ipalaganap ang ebanghelyo.