O, itong masama at mapangalunyang matandang kapanahunan! Lululunin kita! Bundok ng Sion! Bumangon at ipagbunyi Ako! Para sa kaganapan ng Aking planong pamamahala, para sa matagumpay na kaganapan ng Aking dakilang gawain, sinong nangangahas na hindi tumáyô at magsaya! Sinong nangangahas na hindi tumáyô at tumalon sa tuwa nang walang humpay! Mamamatay sila sa Aking mga kamay. Isinasakatuparan Ko ang pagkamatuwid sa lahat, wala ni katiting na awa o kabutihang-loob, at walang damdamin. Lahat ng mga tao! Tumáyô kayo at magpuri, luwalhatiin Ako! Lahat ng walang-katapusang luwalhati, mula sa kawalang-hanggan hanggang sa kawalang-hanggan, ay umiiral dahil sa Akin at Aking itinatag. Sinong mangangahas na kunin ang luwalhati para sa kanyang sarili? Sinong mangangahas na ituring ang Aking luwalhati bilang isang materyal na bagay? Papaslangin sila ng Aking kamay! O, malulupit na mga tao! Nilikha Ko kayo at nagkaloob sa inyo, at napangunahan Ko kayo hanggang ngayon, gayunma’y hindi ninyo Ako kilala kahit kaunti at hindi man lamang ninyo Ako minamahal. Paano Ako muling makakapagpakita ng habag sa inyo? Paano Ko kayo maililigtas? Maaari Ko lamang kayong tratuhin sa pamamagitan ng Aking poot! Susuklian Ko kayo ng pagkawasak, susuklian kayo ng walang-hanggang pagkastigo. Ito ay pagkamatuwid; ito’y maaari lamang sa ganitong paraan.