Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

22 Nobyembre 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa"


Kidlat ng SilangananPagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa inyong araw-araw na pamumuhay, nakatira kayo sa isang kapaligiran at kaligiran na walang katotohanan o mabuting katinuan. Kulang kayo sa puhunan para sa pag-iral at hindi nagkaroon ng batayan na makilala Ako o ang katotohanan. Ang inyong pananampalataya ay itinayo lamang sa isang di-malinaw na pagtitiwala o sa mga ritwal ng relihiyon at kaalamang lubos na batay sa doktrina. Araw-araw Kong minamasdan ang inyong mga pagkilos at sinusuri ang inyong mga intensyon at masamang bunga.

21 Nobyembre 2018

katotohanan, tumalima, Kaalaman, pananampalataya sa Diyos, Mga Pagbigkas ni Cristo

Kidlat ng SilangananAng Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos


Upang maunawaan ang layunin ng gawa ng Diyos, kung ano ang bungang makakamit sa pagiging tao, at ang kalooban ng Diyos tungo sa tao, ito ang dapat makamit ng bawat taong sumusunod sa Diyos. Ang kulang ngayon sa lahat ng tao ay ang kaalaman sa gawa ng Diyos. Hindi ganap na nauunawaan ni naiintindihan ng tao kung ano ang bumubuo sa mga gawa ng Diyos sa tao, ang lahat ng gawa ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos simula nang likhain ang mundo. Ang ganitong kakulangan ay hindi lamang nakikita saan mang dako ng relihiyosong mundo, kundi higit pa, sa lahat ng mananampalataya ng Diyos. Kapag dumating ang araw na tunay ngang mamasdan mo ang Diyos, at maunawaan ang karunungan ng Diyos; kapag namasdan mo ang lahat ng gawa ng Diyos at nakilala kung ano ang Diyos at ang kung ano ang mayroon Siya; kapag namasdan mo ang Kanyang kasaganaan, karunungan, himala, at lahat ng Kanyang mga gawa sa tao, ay saka mo makakamit ang matagumpay na pananampalataya sa Diyos.

20 Nobyembre 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Unang Bahagi)


Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Unang Bahagi)


    Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Walang Makapipigil sa Gawaing Pinagpapasiyahang Gawin ng Diyos

19 Nobyembre 2018

Tagalog Christian Movie Trailer | " Mabuting Tao Ako!" | What Is It to Be Truly Good People?


Tagalog Christian Movie Trailer | " Mabuting Tao Ako!" | What Is It to Be Truly Good People?


Nagustuhan na ni Yang Huixin, isang Kristiyano, na maging mabuting tao noong bata pa siya. Ayaw niyang makasakit ng iba. Naniniwala siya na mabuti siyang tao dahil siya ay mabait at kaaya-aya sa iba. Pero matapos niyang tanggapin ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw at sumailalim sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, saka lang siya namulat, at natanto niya na hindi siya isang tunay na mabuting tao.

18 Nobyembre 2018

Tanong 2: Naniwala ako sa Panginoon nang mahigit kalahati na ng buhay ko. Walang pagod akong gumawa para sa Panginoon at inaabangan ang Kanyang ikalawang pagdating. Kung dumating ang Panginoon, bakit hindi ko natanggap ang Kanyang pagbubunyag? Isinantabi ba Niya ako? Litung-lito ako dito. Paano ninyo ito ipapaliwanag?




Sagot:

Iniisip ng tao na kung kalahati ng buhay niya ay naniniwala na siya sa Panginoon, gumagawang mabuti para sa Panginoon, at mapagmatyag na naghihintay sa Kanyang ikalawang pagdating, kapag dumating muli ang Panginoon Siya ay magbibigay sa kanila ng pagbubunyag. Ito ang paniwala at imahinasyon ng tao at hindi ito tugma sa katunayan ng gawain ng Diyos. Nilakbay ng mga Fariseong Judio ang lupa at dagat sa pagpapalaganap ng landas ng Diyos. Binigyan ba sila ng Panginoong Jesus ng anumang pagbubunyag nang dumating Siya? Sa mga alagad na sumunod sa Panginoong Jesus, sino sa kanila ang sumunod sa Panginoong Jesus dahil sa nabigyan sila ng pagbubunyag? Wala ni isa sa kanila! Maaari kang makipagtalo na natanggap ni Pedro ang pagbubunyag ng Diyos at nakilala na ang Panginoong Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos, pero pagkatapos iyan ng matagal-tagal na pagsunod ni Pedro sa Panginoong Jesus at narinig Siyang nangaral ng mahaba-habang panahon at nagkaroon ng kaalaman tungkol sa Kanya sa kanyang puso.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?