Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

26 Enero 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos



Mga Pagsasalaysay ng Salita ng DiyosAng Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang disposisyon ng tao ay dapat magbago simula sa kaniyang likas na pagkatao at hanggang sa mga pagbabago sa kaniyang pag-iisip, kalikasan, at pangkaisipang pananaw—sa pamamagitan ng mga pangunahing pagbabago. Tanging sa ganitong paraan lamang makakamtan ang mga tunay na pagbabago sa disposisyon ng tao. Ang masamang disposisyon ng tao ay nagbuhat sa pagkalason at pagyurak ni Satanas, mula sa napakalaking pinsala na idinulot ni Satanas sa kanyang pag-iisip, moralidad, pang-unawa at katinuan. Ito ay tiyak na dahil ang mga pangunahing bagay ng tao ay pinasama ni Satanas, at ganap na hindi na tulad ng orihinal na pagkakalikha ng Diyos sa kanila, na ang tao ay lumalaban sa Diyos at hindi na nauunawaan ang katotohanan.

25 Enero 2019

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos | Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag

Qiuhe Japan


Isinilang ako sa isang Katolikong pamilya. Mula pa noong bata ako, dumalo ako sa Misa sa simbahan kasama ang aking lolo at lola. Dahil sa impluwensiya ng aking kapaligiran at ng aking paniniwala sa Diyos, natuto akong umawit ng iba't ibang banal na kasulatan at isagawa ang iba't ibang ritwal.



Noong 2009, pumunta ako sa Japan upang mag-aral. Minsan, sa kuwarto ng dormitoryo ng kapwa ko mag-aaral, nagkataong nakilala ko ang pinuno ng isang maliit na grupo ng mga Cristiano na dumating upang ipalaganap ang ebanghelyo. Naisip ko: Naniniwala ang mga Protestante at Katoliko sa iisang Diyos. Pareho silang naniniwala sa Panginoong Jesus. Bilang resulta, tinanggap ko ang imbitasyon ng pinuno ng maliit na grupo na sumama sa kanya sa iglesia. Matapos pakinggan ang pangangaral ng mga pastor at marinig ang pananalita tungkol sa Biblia ng ilang kapatid, nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa tungkol sa buhay ng Panginoong Jesus. Ginawa nitong magkaroon ako ng higit na pananampalataya sa Panginoon. Gayunman, pagkalipas ng ilang buwan, hiniling ng mga pastor at tagapangaral na maghandog kami ng ikapu bawat linggo. At, bawat linggo, dapat kaming magpamigay ng mga polyeto upang ipalaganap ang ebanghelyo.

24 Enero 2019

The bible tagalog movies | Makakamit Ba Natin ang Buhay sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Biblia?



The bible tagalog moviesMakakamit Ba Natin ang Buhay sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Biblia?


Ang mga pastor at elder ay kadalasang itinuturo sa mga tao na hindi sila matatawag na mga mananampalataya kapag lumayo sila mula sa Biblia, at na sa pagtangan lang sa Biblia sila magtatamo ng buhay at makakapasok sa kaharian ng langit. Kaya talaga bang hindi tayo maaaring magtamo ng buhay kapag lumayo tayo mula sa Biblia? Ang Biblia ba ang makapagbibigay sa atin ng buhay, o ang Diyos? Sabi ng Panginoong Jesus, "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan; sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan: at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay" (Juan 5:39-40). Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos" (Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

23 Enero 2019

Tanong 2: Dahil maraming taon na kaming naniniwala sa Panginoon, nadarama namin na basta’t ang isang tao ay mapagpakumbaba, mapagparaya at mapagmahal sa mga kapatid, at masusunod niya ang halimbawa ni Pablo sa pamamagitan ng paggugol at pagsisikap para sa Panginoon, sinusundan niya ang daan ng Panginoon, at madadala siya sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon. Tulad ng sabi ni Pablo, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran …” (2Timoteo 4:7-8). Pero nasaksihan n’yo na kapag naniniwala tayo sa Panginoon, kailangan nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kapag tumatanggap tayo ng paglilinis, pupurihin tayo ng Diyos at tatanggapin sa kaharian ng langit. May tanong ako: Naniniwala kami sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon, at gumugugol at nagsisikap kami para sa Panginoon; makakapasok ba kami sa kaharian ng langit nang hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw?

Sagot: Nadarama ng maraming nananalig sa Panginoon na ang pagsunod sa halimbawa ni Pablo sa pamamagitan ng paggugol at pagsisikap para sa Panginoon ay kapareho ng pagsunod sa daan ng Panginoon at pagkamarapat na tanggapin sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon. Ito ang pagkaunawa ng maraming tao. Ang pagkaunawa bang ito ay batay sa salita ng Panginoon? Nasisiyahan ba ang puso ng Panginoon kung ganito ang gagawin natin? Talaga bang sinusunod natin ang daan ng Panginoon sa pagsisikap para sa Panginoon na katulad ni Pablo? Magiging karapat-dapat ba tayo para sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y naEbanghelyongagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21-23). Napakaliwanag ng pagkasabi rito ng Panginoong Jesus. Iyon lamang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ang makakapasok sa kaharian ng langit.

22 Enero 2019

Kidlat ng Silanganan | Sundan Bagong Gawain ng Banal na Espiritu Para Papuri ng Diyos Matamo


Kidlat ng Silanganan | Sundan Bagong Gawain ng Banal na Espiritu Para Papuri ng Diyos Matamo


I
Wow ... wow … wow …
Pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu'y
ibig sabihi'y nauunawaan kalooban ng Diyos sa kasalukuyan,
kumikilos ayon sa utos Niya, sinusunod ang Diyos ng ngayon,
sinusunod ang kasalukuyan Niyang atas at tumutuloy
sa pamamagitan ng pinakabago Niyang pagbigkas.
Ang mga taong ganito'y sumusunod sa gawa ng Espiritu.
Sila'y nasa daloy ng Banal na Espiritu,
kita nila'ng Diyos at natatanggap Kanyang papuri.
Kaya nilang alamin ang Kanyang disposisyon,
pagkaintindi't pagsuway ng tao,
at ng kalikasa't diwa ng tao.
Bukod pa, ang kanilang disposisyo'y magbabago
sa pagseserbisyo nila sa Diyos.
Sadyang ganto'ng mga tao lang Diyos ay matatamo.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?