Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

30 Enero 2019

Tagalog Christian Movies | Mga Movie Clip | Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?



Tagalog Christian MoviesPaano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?


Sumusunod ang ilang tao sa salita ni Pablo tungkol sa paghihintay sa Panginoon para madala sa kaharian ng langit: "Sa isang sandali, sa isang kisap-mata: sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang papakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin." (1Co 15:52). Naniniwala sila na kahit patuloy pa rin tayong nagkakasala nang hindi umaalpas sa pang-aalipin ng pagiging likas na makasalanan, agad babaguhin ng Panginoon ang ating imahe at dadalhin tayo sa kaharian ng langit pagdating Niya. May mga tao ring sumusunod sa salita ng Diyos na: "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit " (Mat 7:21). "… Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal" (1Pe 1:16).

29 Enero 2019

Tanong 6: Sabi mo naparito ang Panginoon para gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga huling araw, pero sabi ng Panginoong Jesus: “At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:8). Napaghiganti na ng mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ang mga tao para sa kanilang mga kasalanan, para sa katuwiran, at para sa paghatol. Sa pangungumpisal ng ating mga kasalanan sa Panginoon at pagsisisi, sumailalim na tayo sa Kanyang paghatol, kaya ano talaga ang kaibhan sa pagitan ng sinasabi mong gawain ng paghatol sa mga huling araw at ng gawain ng Panginoong Jesus?

Sagot: Sabi ng Panginoong Jesus, “Gayon ma’y sinasalita ko sa inyo ang katotohanan: Nararapat sa inyo na ako’y yumaon; sapagka’t kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni’t kung ako’y yumaon, siya’y susuguin ko sa inyo. At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:7-8). Maraming relihiyosong taong naniniwala na ang mga salitang ito ay tumutukoy sa gawain ng Banal na Espiritu sa Kapanahunan ng Biyaya. Naniniwala sila na sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos; ang proseso ng pagtanggap ng mga tao sa Panginoong Jesus at pangungumpisal at pagsisisi sa harap ng Panginoon ay na dumating ang Banal na Espiritu, sinabi sa mga tao ng mundo na pagsisihan nila ang kanilang mga kasalanan, alang-alang sa katuwiran, sa paghatol, at pinagkumpisal at pinagsisi ang mga tao sa Panginoon. Ito ang paghatol ng Diyos. Sa tingin ng mga tao, ang pananaw na ito ay lubhang naaayon sa kanilang mga haka-haka, pero kailangan nating malinawan na ang ginawa ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagtubos, at ang ibinigay lang Niya sa sangkatauhan ay isang paraan para makapagsisi. Sabi nga ng Panginoong Jesus: “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17).

28 Enero 2019

Kidlat ng Silanganan | Christian Maiikling Dula | Ang mga "Mabuting" Layunin ng Pastor


Kidlat ng Silanganan | Christian Maiikling Dula | Ang mga "Mabuting" Layunin ng Pastor



Si Yang Xiangming ay isang manggagawa sa isang denominasyon, at nang matiyak niya na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ginagabayan na niya ang ilan niyang kapatid na bumaling sa Makapangyarihang Diyos. Dahil dito, naligalig ang kanyang pastor, kaya ginagamit ng pastor niya ang katayuan at pera upang tuksuhin siya, at ginagamit din ang kasal ng anak niya upang pagbantaan si Yang Xiangming na talikuran ang tunay na daan. Sa pagharap sa mga "mabuting" intensyon ng kanyang pastor, ano kaya ang kanyang gagawin sa huli? Sa kritikal na sandaling ito kung kailan natin sasalubungin ang pagdating ng Panginoon, bakit pinipigilan ng pastor na iyon ang mga mananampalataya sa pagsusuri sa tunay na daan?

27 Enero 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Kabanata 80

Ang lahat ay nangangailangan ng tunay na komunikasyon sa Akin para maliwanagan at malinawan; higit pa, sa pamamagitan lamang nito magiging payapa ang espiritu. Kung hindi, hindi ito mapapayapa. Ngayon ang pinaka-malalang karamdaman sa gitna ninyo ay ang paghihiwalay ng Aking karaniwang pagkatao mula sa Aking ganap na pagkaDiyos; higit pa, ang karamihan sa inyo ay nagtutuon sa Aking karaniwang pagkatao, na para bang hindi kailanman nalaman na mayroon din Akong ganap na pagkaDiyos. Nilalapastangan Ako nito! Alam ba ninyo? Ang inyong karamdaman ay napakalalâ na kung hindi kayo magmamadali at gagaling papatayin kayo ng Aking mga kamay. Sa Aking harap nag-aasal kayo sa isang paraan (nagpapakita bilang isang totoong maginoo, mapagkumbaba at matiyaga), nguni’t sa Aking likuran nag-aasal kayo ng ganap na iba (ganap na isang huwad na maginoo, walang-patumangga at walang pagpipigil, ginagawa ang anumang nais ninyong gawin, lumilikha ng mga paghahati-hati, nagtatatag ng sariling mga kaharian, inaasam na ipagkanulo Ako), kayo ay bulag! Buksan ninyo ang inyong mga mata na napalabò na ni Satanas! Tingnan ninyo kung sino talaga Ako! Wala kayong hiya! Hindi ninyo alam na kamangha-mangha ang Aking mga pagkilos! Hindi ninyo alam ang Aking pagka-makapangyarihan! Sino ang masasabi na gumagawa siya ng paglilingkod kay Cristo datapuwa’t hindi ligtas?

26 Enero 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos



Mga Pagsasalaysay ng Salita ng DiyosAng Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang disposisyon ng tao ay dapat magbago simula sa kaniyang likas na pagkatao at hanggang sa mga pagbabago sa kaniyang pag-iisip, kalikasan, at pangkaisipang pananaw—sa pamamagitan ng mga pangunahing pagbabago. Tanging sa ganitong paraan lamang makakamtan ang mga tunay na pagbabago sa disposisyon ng tao. Ang masamang disposisyon ng tao ay nagbuhat sa pagkalason at pagyurak ni Satanas, mula sa napakalaking pinsala na idinulot ni Satanas sa kanyang pag-iisip, moralidad, pang-unawa at katinuan. Ito ay tiyak na dahil ang mga pangunahing bagay ng tao ay pinasama ni Satanas, at ganap na hindi na tulad ng orihinal na pagkakalikha ng Diyos sa kanila, na ang tao ay lumalaban sa Diyos at hindi na nauunawaan ang katotohanan.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?