Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

13 Marso 2019

Tanong 2: Sabi sa Biblia, “Sinong magsasakdal laban sa mga hirang ng Dios? Siya ay ang umaaring-ganap. Kaya sino nga ang hahatol?” Patunay ‘yan na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, napatawad na ang lahat ng kasalanan natin. Sa Kanya’y hindi na tayo makasalanan. Sino pang magbibintang sa’tin?

Sagot: Nakasulat sa Biblia, “Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa mga hirang ng Dios?” Eto, kailangan, talagang malinaw. Sino talaga ang mga miyembro ng mga hinirang ng Diyos? Lahat ng nagkakasala, taksil sa Diyos at kaibigan nila, nagnanakaw ng handog sa Diyos, nakikiapid, dungo, at ipokritong mga Fariseo, hinirang ba sila ng Diyos? Kung bahagi ng mga hinirang ng Diyos ang sinumang nananalig sa Diyos, pa’no natin ipapaliwanag ang sinasabi sa Pahayag na, “Nangasa labas ang mga aso, manggagaway, nakikiapid, mamamatay-tao, at sumasamba sa diosdiosan maging sa mga umiibig at gumagawa ng kasinungalingan”? (Pahayag 22:15). Kung gayon, hindi lahat ng taong nananalig sa Diyos ay bahagi ng mga hinirang ng Diyos. Yaon lang tunay na naglilingkod at nagmamahal sa Panginoon, na tunay ang patotoo sa Kanya ang bahagi ng mga hinirang Niya. Halimbawa, sumunod at nagpitagan sa Diyos sina Abraham, Job, at Pedro. Matuwid ang kanilang mga gawa at patotoo. Ang ginawa nila ay aprubado ng Diyos. Walang maaaring mag-akusa sa kanila. Kailan sinabi ng Diyos na lahat ng tapat ay matuwid?

Mga Movie Clip | Kidlat ng Silanganan | Si Cristo ang Diyos na Nagkatawang-tao (Tagalog)



Mga Movie Clip | Kidlat ng Silanganan | Si Cristo ang Diyos na Nagkatawang-tao (Tagalog)


Sa nakalipas na dalawang libong taon, bagama’t alam ng mga mananampalataya sa Panginoon na ang Panginoong Jesus ay si Cristo, na Siya ang Diyos sa katawang-tao, walang nakaunawa sa mga hiwaga ng katotohanan kaugnay sa kung ano talaga ang pagkakatawang-tao ng Diyos at kung paano natin dapat kilalanin ang Diyos na nagkatawang-tao. Ito ang dahilan kung bakit, noong nagkatawang-tao ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw para dumating at gawin ang Kanyang gawain na paghatol, itinuring Siya ng ilang tao na para bang Siya’y karaniwang tao lang at tumangging tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw.

12 Marso 2019

Mga Movie Clip | Nakumpleto ba ang Gawain na Pagliligtas Noong Ipinako sa Krus ang Panginoon?


Mga Movie Clip | Nakumpleto ba ang Gawain na Pagliligtas Noong Ipinako sa Krus ang Panginoon?


Maraming tao sa relihiyosong mundo ang nag-iisip: “Ang pagsasabi ng Panginoong Jesus sa krus na 'Naganap na' ay nagpapatunay na tapos na ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan. Sa paniniwala lamang sa Panginoon, napatawad ang ating kasalanan, inaaring ganap sa pananampalataya, at iniligtas ng biyaya. Kapag darating ang Panginoon, dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit. Hindi na Siya posibleng gumawa ng iba pang gawain ng pagliligtas.” Naaayon ba ang pananaw na ito sa mga katunayan ng gawain ng Diyos?

11 Marso 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Gawain at Pagpasok (2)

Ang inyong gawain at pagpasok ay masyadong mahina; hindi pinahahalagahan ng tao ang gawain at higit pa ngang pabáyâ sa pagpasok. Hindi itinuturing ng tao ang mga ito bilang mga aral na dapat nilang pasukin; kaya, sa kanilang karanasang espirituwal, halos lahat nang nakikita ng tao ay mga ilusyong di-kapani-paniwala. Hindi gaanong malaki ang hinihingi sa inyo pagdating sa inyong karanasan sa gawain, pero, bilang isang gagawing perpekto ng Diyos, dapat ninyong matutunan na gumawa para sa Diyos upang di-magtatagal kayo ay maging kaayon ng puso ng Diyos. Sa nagdaang mga kapanahunan, yaong mga gumawa ay natawag na mga manggagawa o mga apostol, na tumutukoy sa isang maliit na bilang ng mga taong ginamit ng Diyos. Gayunpaman, ang gawaing sinasabi Ko ngayon ay hindi lamang tumutukoy sa mga manggagawa o mga apostol; patungkol ito sa lahat niyaong mga gagawing perpekto ng Diyos. Marahil marami ang walang gaanong interes dito, pero, para sa kapakanan ng pagpasok, pinakamainam na talakayin ang katotohanang ito.

10 Marso 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Gawain at Pagpasok (1)

Mula pa nang ang mga tao ay nagsimulang tumahak sa tamang landas ng buhay, sila ay nananatili nang hindi-malinaw tungkol sa maraming bagay. Sila ay ganap pa ring nalalabuan tungkol sa gawain ng Diyos, at tungkol sa maraming gawain na dapat nilang gawin. Ito ay dahil, sa isang banda, sa pagkalihis ng kanilang karanasan at sa mga limitasyon sa kanilang kakayahang tumanggap; sa kabila, ito ay dahil hindi pa nadálá ng gawain ng Diyos ang mga tao sa yugtong ito. Kaya, ang lahat ay hindi maliwanag tungkol sa karamihan ng espirituwal na mga bagay. Hindi lamang na hindi-malinaw sa inyo kung ano ang inyong dapat pasukan; mas lalo kayong mangmang tungkol sa gawain ng Diyos. Ito ay mas higit pa kaysa sa simpleng bagay ng mga pagkukulang sa inyo: Ito ay isang malaking kapintasan ng lahat niyaong nasa mundo ng relihiyon. Naririto ang susi kung bakit hindi kilala ng mga tao ang Diyos, kaya’t ang kapintasang ito ay ang pare-parehong depekto ng lahat niyaong mga naghahanap sa Kanya. Walang isa mang tao ang kailanman ay nakakilala sa Diyos, o kailanman ay nakakita sa Kanyang tunay na mukha. Dahil dito kaya ang gawain ng Diyos ay naging kasing-hirap ng paglilipat ng isang bundok o pag-iígá ng dagat. Gaano karaming mga tao ang nagsakripisyo ng kanilang mga buhay para sa gawain ng Diyos; gaano karami ang napaalis nang dahil sa Kanyang gawain; gaano karami, para sa kapakanan ng Kanyang gawain, ang pinahirapan hanggang kamatayan; gaano karami, yaong ang kanilang mga mata ay napuno ng luha ng pag-ibig para sa Diyos, ang namatay nang di-makatarungan; gaano karami ang nakatagpo ng malupit at di-makataong pag-uusig...? Na ang mga trahedyang ito ay sumapit—hindi ba ang lahat ay dahil sa kakulangan ng kaalaman ng mga tao tungkol sa Diyos? Paanong ang isang tao na hindi kilala ang Diyos ay magkakaroon ng mukha na ihaharap sa Kanya? Paanong ang isang tao na naniniwala sa Diyos datapwa’t umuusig sa Kanya ay magkakaroon ng mukhang ihaharap sa Kanya?

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?