Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

05 Disyembre 2018

Salita ng Buhay | "Ang Pagkilala sa Diyos ang Daan sa Pagkatakot sa Diyos at Pag-iwas sa Masama"


Kidlat ng Silanganan | Salita ng Buhay | "Ang Pagkilala sa Diyos ang Daan sa Pagkatakot sa Diyos at Pag-iwas sa Masama"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "at pagkilala sa Diyos ay di-mapaghihiwalay at pinagdugtong ng di-mabilang na mga tali, at ang koneksyon sa pagitan nila ay malinaw. Kung nais ninuman na makaiwas sa masama, dapat munang magkaroon ang taong iyon ng tunay na pagkatakot sa Diyos; kung nais ninuman na magkaroon ng tunay na takot sa Diyos, dapat munang magkaroon siya ng tunay na pagkakilala sa Diyos; kung nais ninuman na magkaroon ng pagkakilala sa Diyos, dapat muna niyang maranasan ang mga salita ng Diyos, pumasok sa pagkatotoo ng mga salita ng Diyos, maranasan ang pagtutuwid at pagdidisiplina ng Diyos, ang Kanyang pagkastigo at paghatol;

04 Disyembre 2018

Tagalog Christian Testimony Video | "Ang Pag-Uusap" | God Is My Strength


Kidlat ng Silanganan | Tagalog Christian Testimony Video | "Ang Pag-Uusap" | God Is My Strength


Inaresto ng CCP si Jiang Xinyi at ang iba pang mga Kristiyano; malupit nilang pinahirapan ang mga Kristiyano para kunin ang pondo ng iglesia at arestuhin ang iba pang mga lider ng iglesia.

03 Disyembre 2018

Paano Malalaman ang Realidad

Paano Malaman ang Realidad_compressed


Salita ng Diyos— Paano Malalaman ang Realidad


Ang Diyos ay isang praktikal na Diyos: Lahat ng Kanyang gawa ay praktikal, lahat ng mga salita na binibigkas Niya ay praktikal, at lahat ng mga katotohanan na ipinahahayag Niya ay praktikal. Lahat ng bagay na hindi Kanyang mga salita ay walang-laman, hindi-umiiral, at hindi-malusog. Ngayon, ang Banal na Espiritu ay upang gabayan ang mga tao tungo sa mga salita ng Diyos. Kung hahabulin ng mga tao ang pagpasok sa realidad, kung gayon dapat nilang hanapin ang realidad, at alamin ang realidad, kung saan matapos ito’y dapat nilang maranasan ang realidad, at isabuhay ang realidad. Mas nalalaman ng mga tao ang realidad, mas nakakaya nilang sabihin kung ang salita ng iba ay tunay; mas nalalaman ng mga tao ang realidad, mas kakaunti ang kanilang mga pagkaintindi; mas nararanasan ng mga tao ang realidad, mas alam nila ang mga gawa ng Diyos ng realidad, at mas madali para sa kanila na talikuran ang kanilang tiwali at makasatanas na mga disposisyon; mas mayroong realidad ang mga tao, mas nakikilala nila ang Diyos, at mas kinamumuhian nila ang laman at minamahal ang katotohanan; at mas mayroong realidad ang mga tao, mas napapalápít sila sa mga pamantayan ng mga kinakailangan ng Diyos.

02 Disyembre 2018

Kanina lamang, sinabi ninyo na ang pinakahinuhulaang bagay sa Biblia ay ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Mayroong hindi bababa sa 200 bahagi ng Biblia ang nabanggit na gagawin ng Diyos ang Kanyang paghatol. Talagang totoo ito. Nakasaad pa nga ito nang mas malinaw sa 1 Pedro 4:17: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.” Parang ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling mga araw ay may kasiguraduhan. Ngunit ang inyong nasaksihan ay ang Diyos ng mga huling araw na nagkakatawang-tao para gampanan ang kanyang gawain ng paghatol. Iba ito sa aming paniniwala. Naniniwala kami na ang Panginoon sa mga huling araw ay magpapakita sa sangkatauhan at gagawa sa anyo ng espiritwal na katawan ni Jesus kasunod ng muling pagkabuhay. Ito rin ang pananaw ng karamihan sa mga relihiyosong sekta. Ang konsepto ng nagbalik na Panginoon na nagpapakita sa tao at gumagawa sa katawang-tao ay isang bagay na di pa namin nakikita, kaya maaari bang makipag-talastas ka pa sa amin.

Sagot: Magandang makita na pinagtibay ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay upang hatulan at linisin ang mga tao. Kaso nga lang hindi parin kayo malinaw sa paraan ng pagdating ng Panginoon. Iniisip ng karamihan ng mga mananampalataya na ang muling pagpapakita ng Panginoon sa sangkatauhan ay sa pamamagitan ng espiritual na katawan ni Jesus na puma-langit matapos ang muling pagkabuhay, at ang Diyos ay posibleng hindi na magkatawang-tao muli bilang Anak ng tao. Kung gayon sa papaanong paraan magpapakitang muli sa sangkatauhan ang nagbabalik na Panginoon upang gawin ang Kanyang paghatol? Sa espiritual na katawan o Diyos na nagkatawang-tao? Naging napakaimportanteng katanungan ito sa mga naniniwala sa Diyos. Ang ating patotoo sa Diyos sa pagkakatawang-tao sa mga huling araw upang gampanan ang Kanyang gawaing paghatol ay isang bagay na mayroong malinaw na propesiya sa Biblia. Sabi ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol” (Juan 5:22). “At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t siya’y anak ng tao” (Juan 5:27).

01 Disyembre 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan"


Kidlat ng Silanganan | Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumababa sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain ng pag-uumpisa ng isang panahon at pagtatapos ng isang panahon. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi isang anyo ng seremonya. Ito ay hindi isang simbolo, isang larawan, isang himala, o magarbong pangitain, at lalong hindi ito isang prosesong pangrelihiyon. Ito ay isang tunay at makatotohanang kaalaman na maaaring hawakan at makita.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?