Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

27 Pebrero 2019

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus | Kabanata 87

Dapat madaliin ang bilis at gawin ang nais Kong gawin. Ito ang Aking sabik na layunin para sa inyo. Puwede kaya na sa panahong ito hindi ninyo pa rin nauunawaan ang kahulugan ng Aking mga salita? Puwede kaya na hindi ninyo pa rin nalalaman ang Aking layunin? Nakapagsalita na Ako nang higit at higit pang malinaw, at nagsalita nang higit at higit pa, pero hindi pa ba ninyo nagagawa ang pagsisikap na subukang alamin ang kahulugan ng Aking mga salita? Satanas, huwag guni-gunihin na mawawasak mo ang Aking plano! Yaong mga gumagawa ng serbisyo para kay Satanas, iyan ay, ang supling ni Satanas (tumutukoy ito sa yaong mga naaangkin ni Satanas. Kaya tiyak na may buhay ni Satanas yaong mga naaangkin ni Satanas, kung kaya sinasabi na supling ni Satanas), nagmamakaawa sa paanan Ko, nananangis at nagngangalit ang mga ngipin, pero hindi Ko gagawin ang gayong kahangal na bagay! Mapapatawad Ko ba si Satanas? Madadala Ko ba ang pagliligtas kay Satanas? Imposible ito! Ginagawa Ko ang sinasabi Ko at hindi Ko kailanman pinagsisihan ito!

Anumang sabihin Ko ay nagsisimulang umiral, hindi ba gayon? Pero palagi pa rin ninyo Akong hindi pinagtitiwalaan, pinagdududahan ang Aking mga salita, at iniisip na nakikipagbiruan Ako sa inyo. Talagang katawa-tawa iyan. Ako ang Diyos Mismo!

26 Pebrero 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X (Ikatlong Bahagi)



Mga Pagsasalaysay ng Salita ng DiyosAng Diyos Mismo, Ang Natatangi X (Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa mga kasiyahan at kalungkutan ng pagkakahiwalay at pagkatapos ay muling nakasama ang tao, hindi kami nakakapagpalitan ng mga saloobin. Magkabukod sa langit sa itaas at sa ibaba sa lupa, hindi namin magawa ng tao na magtagpo nang palagian. Sino ang nakakalaya mula sa galimgim? Sino ang nakakapigil sa pag-alala sa nakaraan? Sino ang hindi masasabik na umasam sa pagpapatuloy ng masayang damdamin ng nakaraan? Sino ang hindi umaasa sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nagnanais sa muli Kong pakikiisa sa tao? Malalim ang pagkabagabag ng Aking puso, at matindi ang pag-aalala ng espiritu ng tao. Bagama’t pareho ang aming mga espiritu, hindi kami maaaring magkasama nang madalas, at hindi namin maaaring makita ang isa’t isa nang madalas....Kapag malakas ang kanilang pagmamakaawa, inilalayo Ko ang mukha Ko sa kanila, hindi Ko na kayang saksihan ito; gayunpaman, paanong hindi Ko maririnig ang tunog ng kanilang mga pag-iyak? Itatama Ko ang mga kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Personal Kong gagawin ang Aking gawain sa buong mundo, hindi Ko na hahayaan si Satanas na muling saktan ang Aking bayan, pagbabawalan Ko ang mga kaaway na gawin muli ang anumang gusto nila. Magiging Hari Ako sa lupa at ililipat Ko ang Aking trono doon, payuyukuin Ko ang lahat ng Aking mga kaaway sa lupa at ipakukumpisal ang kanilang mga krimeng nagawa sa Aking harapan. Tatapakan Ko ang buong sansinukob dahil sa magkahalong lungkot at galit Ko, walang isa mang itinitira, at sinisindak ang lahat ng Aking mga kaaway.

25 Pebrero 2019

Mga Patotoo | Pamilya | Matapos Ang Pagtataksil ng Kanyang Asawa Sinagip Siya ng Diyos sa Dilim ng Kalungkutan

Gawa ni Ouyang Mo, Probinsya ng Hubei

Mabilis na tumatakbo ang panahon. Lumaki si Hong’er mula sa isang simpleng bata sa isang kaaya-ayang dalaga, at nagising ang kanyang umuusbong na interes sa pag-ibig. Hindi siya interesado sa yaman o estado, gusto niya lang ng isang relasyon kung saan, ano mang bagyo ang kanilang pagdaanan, may pag-ibig at pagmamahalan, magtutulungan sila sa oras ng pangangailangan, at tatanda silang magkasama. Tahimik niyang hinihintay ang pagdating ng sandaling ‘yon…


Dumating ang lalake sa kanyang mundo, pinatibok ang puso niya dahil sa gwapo nitong mukha at mala-kristal nitong mata, at may nararamdaman din ang lalake para sa kanya. Simula no’n, ang tahimik at walang kulay niyang mga araw ay napuno ng liwanag. Hindi nagtagal, nagsama sila, at higit pa sa kanyang kagwapuhan, napukaw ang pagmamahal ni Hong’er dahil sa kanyang kalambingan at pagiging mapagbigay. Alam ni Hong’er na siya ang gusto niyang pagtiwalaan ng buhay niya at makasama hanggang pagtanda. Nangako rin ‘yon na paliligayahin siya habang-buhay. Gano’n pa man, tutol ang mga magulang niya dahil nagmula ang lalake sa mahirap na pamilya. Hindi ‘yon mahalaga kay Hong’er, ang mahalaga sa kanya ay mahal nila ang isa’t isa at habang-buhay silang magsasama. Sa kabila ng pagtutol ng mga magulang niya, lumayo siya at nagsama silang dalawa.

24 Pebrero 2019

Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip | Clip ng Pelikulang Ang Pag-Uusap (4) Ang Pagsunod sa Namumunong Rehimen ay Hindi Katulad ng Pagsunod sa Diyos



Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip | Clip ng Pelikulang Ang Pag-Uusap (4) Ang Pagsunod sa Namumunong Rehimen ay Hindi Katulad ng Pagsunod sa Diyos


Para malinlang at matukso ang isang Kristiyano na talikuran ang Diyos, tinawag ng CCP ang isang pastor ng Three-Self church para i-brainwash siya, at nagpasimula ang Kristiyanong ito at ang pastor ng isang magandang debate tungkol sa mga salita ni Pablo: "Ang bawa’t kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka’t walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Dios" (Rom 13:1). Ano ang pagkaintindi nila sa mga salitang ito?

23 Pebrero 2019

Paghatol sa mga Huling Araw | Tanong 8: Paano eksaktong ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawaing paghatol upang iligtas at linisin ang sangkatauhan sa mga huling araw?

Sagot: Lahat ng kasalukuyang naghahanap at sumisiyasat sa totoong daan ay gustong maintindihan kung paano isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawaing ng paghatol sa mga huling araw. Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng maraming salita hinggil sa aspetong ito ng katotohanan. Basahin natin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

“Kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahin sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa at sa gayon nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagligtas sa tao mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian”

(mula sa Punong Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?