Sagot: Akala n’yo basta’t nananalig ang isang tao kay Jesucristo, na kay Jesucristo na siya. Ideya ng tao ‘yan. Ang “mga na kay Cristo Jesus” ay hindi tumutukoy sa lahat ng nananalig sa Panginoong Jesus Karamihan sa mga tao na nananalig sa Panginoong Jesus ay hindi pupurihin ng Diyos, sabi nga ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t marami ang tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang.” Sa mga hindi nahirang, ang ilan ay nananalig lang sa Panginoon para pansamantalang makinabang sa kanilang pananampalataya; ang ilan naman ay hindi minahal ni sinunod ang katotohanan kailanman; ang ilan ay gumagawa pa ng kasamaan para kalabanin ang Diyos. Lalo na ang mga pinuno ng mga relihiyon, halos lahat sila ay sumusunod sa yapak ng mga Fariseo; mga anticristo silang lahat. Ang ilan sa kanila ay nananalig lang sa Diyos sa pangalan; wala silang pananalig. Sabi mo, lahat ng nananalig sa Panginoong Jesus ay na kay Cristo Jesus na; walang katuturan ang mga salitang ‘yon. “Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus….” Aling grupo ng mga tao ang tinutukoy nito talaga?
"Mga mahal na kapatid, umaasa akong makita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at umpisahang sundan ang Kanyang mga yapak tungo sa bagong kapanahunan, at tungo sa isang magandang bagong langit at bagong lupa na inihanda para sa mga naghihintay sa pagpapakita ng Diyos." Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
14 Marso 2019
13 Marso 2019
Tanong 2: Sabi sa Biblia, “Sinong magsasakdal laban sa mga hirang ng Dios? Siya ay ang umaaring-ganap. Kaya sino nga ang hahatol?” Patunay ‘yan na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, napatawad na ang lahat ng kasalanan natin. Sa Kanya’y hindi na tayo makasalanan. Sino pang magbibintang sa’tin?
Sagot: Nakasulat sa Biblia, “Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa mga hirang ng Dios?” Eto, kailangan, talagang malinaw. Sino talaga ang mga miyembro ng mga hinirang ng Diyos? Lahat ng nagkakasala, taksil sa Diyos at kaibigan nila, nagnanakaw ng handog sa Diyos, nakikiapid, dungo, at ipokritong mga Fariseo, hinirang ba sila ng Diyos? Kung bahagi ng mga hinirang ng Diyos ang sinumang nananalig sa Diyos, pa’no natin ipapaliwanag ang sinasabi sa Pahayag na, “Nangasa labas ang mga aso, manggagaway, nakikiapid, mamamatay-tao, at sumasamba sa diosdiosan maging sa mga umiibig at gumagawa ng kasinungalingan”? (Pahayag 22:15). Kung gayon, hindi lahat ng taong nananalig sa Diyos ay bahagi ng mga hinirang ng Diyos. Yaon lang tunay na naglilingkod at nagmamahal sa Panginoon, na tunay ang patotoo sa Kanya ang bahagi ng mga hinirang Niya. Halimbawa, sumunod at nagpitagan sa Diyos sina Abraham, Job, at Pedro. Matuwid ang kanilang mga gawa at patotoo. Ang ginawa nila ay aprubado ng Diyos. Walang maaaring mag-akusa sa kanila. Kailan sinabi ng Diyos na lahat ng tapat ay matuwid?
Mga Movie Clip | Kidlat ng Silanganan | Si Cristo ang Diyos na Nagkatawang-tao (Tagalog)
Mga Movie Clip | Kidlat ng Silanganan | Si Cristo ang Diyos na Nagkatawang-tao (Tagalog)
Sa nakalipas na dalawang libong taon, bagama’t alam ng mga mananampalataya sa Panginoon na ang Panginoong Jesus ay si Cristo, na Siya ang Diyos sa katawang-tao, walang nakaunawa sa mga hiwaga ng katotohanan kaugnay sa kung ano talaga ang pagkakatawang-tao ng Diyos at kung paano natin dapat kilalanin ang Diyos na nagkatawang-tao. Ito ang dahilan kung bakit, noong nagkatawang-tao ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw para dumating at gawin ang Kanyang gawain na paghatol, itinuring Siya ng ilang tao na para bang Siya’y karaniwang tao lang at tumangging tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw.
12 Marso 2019
Mga Movie Clip | Nakumpleto ba ang Gawain na Pagliligtas Noong Ipinako sa Krus ang Panginoon?
Mga Movie Clip | Nakumpleto ba ang Gawain na Pagliligtas Noong Ipinako sa Krus ang Panginoon?
Maraming tao sa relihiyosong mundo ang nag-iisip: “Ang pagsasabi ng Panginoong Jesus sa krus na 'Naganap na' ay nagpapatunay na tapos na ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan. Sa paniniwala lamang sa Panginoon, napatawad ang ating kasalanan, inaaring ganap sa pananampalataya, at iniligtas ng biyaya. Kapag darating ang Panginoon, dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit. Hindi na Siya posibleng gumawa ng iba pang gawain ng pagliligtas.” Naaayon ba ang pananaw na ito sa mga katunayan ng gawain ng Diyos?
11 Marso 2019
Mga Pagbigkas ni Cristo | Gawain at Pagpasok (2)
Ang inyong gawain at pagpasok ay masyadong mahina; hindi pinahahalagahan ng tao ang gawain at higit pa ngang pabáyâ sa pagpasok. Hindi itinuturing ng tao ang mga ito bilang mga aral na dapat nilang pasukin; kaya, sa kanilang karanasang espirituwal, halos lahat nang nakikita ng tao ay mga ilusyong di-kapani-paniwala. Hindi gaanong malaki ang hinihingi sa inyo pagdating sa inyong karanasan sa gawain, pero, bilang isang gagawing perpekto ng Diyos, dapat ninyong matutunan na gumawa para sa Diyos upang di-magtatagal kayo ay maging kaayon ng puso ng Diyos. Sa nagdaang mga kapanahunan, yaong mga gumawa ay natawag na mga manggagawa o mga apostol, na tumutukoy sa isang maliit na bilang ng mga taong ginamit ng Diyos. Gayunpaman, ang gawaing sinasabi Ko ngayon ay hindi lamang tumutukoy sa mga manggagawa o mga apostol; patungkol ito sa lahat niyaong mga gagawing perpekto ng Diyos. Marahil marami ang walang gaanong interes dito, pero, para sa kapakanan ng pagpasok, pinakamainam na talakayin ang katotohanang ito.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo
I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?
-
Tagalog church songs | Tabernakulo ng Diyos Nasa Mundo na Ⅰ Pagbalik ng Diyos , mga bansa'y nahati-hati na ng ha...
-
Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos " Kapag nahaharap sa kalun...
-
Mga Mapagpanggap Upang ganap na maipagbawal ang paniniwala sa relihiyon at magawang isang bansang walang Diyos ang Tsina, ginaga...