Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

30 Agosto 2018

Pagsasagawa (4)

Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo, Pagsasagawa


Kidlat ng SilangananPagsasagawa (4)

Ang kapayapaan at kagalakan na Aking sinasalita sa kasalukuyan ay hindi kagaya ng mga pinaniniwalaan mo at nauunawaan. Iniisip mo dati na ang kapayapaan at kagalakan ay nangangahulugan ng pagiging masaya buong araw, sa kawalan ng sakit at kasawian sa iyong sambahayan, palaging nagagalak sa iyong puso, nang walang mga pakiramdam ng kalungkutan, at isang hindi mailarawan na kagalakan sa loob mo maging anuman ang lawak ng iyong sariling buhay. Iyon ay karagdagan sa umento sa sahod ng iyong asawa at ang iyong anak na lalaki na papasok lang sa pamantasan. Sa pag-iisip sa mga bagay na ito, nanalangin ka sa Diyos, nakita mo na ang biyaya ng Diyos ay napakadakila, ikaw ay napakasaya na umaabot ang iyong ngiti sa magkabilang tainga, at hindi mo mapigilan ang pagpapasalamat sa Diyos.

29 Agosto 2018

Pagsasagawa (3)

Mga Aklat,Mga Pagbigkas ni Cristo


Kidlat ng SilangananPagsasagawa (3)

Dapat kayong magkaroon ng kakayahan na mabuhay nang mag-isa, nagagawang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos sa inyong mga sarili, upang maranasan ang mga salita ng Diyos nang sarilinan, at upang mamuhay ng isang normal na buhay espirituwal nang walang pangunguna ng iba; dapat ninyong magawang umasa sa mga salita ng Diyos sa kasalukuyan upang mabuhay, makapasok sa tunay na karanasan, at tunay na pagkakita. Sa gayon pa lamang kayo makapaninindigan. Sa kasalukuyan, marami sa mga tao ang hindi ganap na nauunawaan ang hinaharap na mga kapighatian at mga pagsubok. Sa hinaharap, ang ilang mga tao ay makakaranas ng mga kapighatian, at ang ilan ay makakaranas ng kaparusahan. Ang kaparusahang ito ay magiging lalong matindi;

28 Agosto 2018

Pagsasagawa (1)

Mga Aklat,Mga Pagbigkas ni Cristo

Kidlat ng Silanganan Pagsasagawa (1)

Noong una, napakaraming paglihis sa paraan ng pagdanas ng mga tao, at ito ay maaari pang nakayayamot. Sapagkat hindi nila talaga naintindihan ang mga pamantayan ng mga kinakailangan ng Diyos, maraming mga lugar kung saan ang karanasan ng mga tao ay napipilipit. Ang hinihingi ng Diyos sa tao ay para sa kanila na magawang maisabuhay ang isang normal na pagkatao. Ang mga paraan ng tao na may kaugnayan sa pagkain at pananamit, halimbawa. Maaari silang magsuot ng amerikana at maaari nilang matutuhan ang ilan tungkol sa makabagong sining, at sa kanilang libreng oras maaari silang magkaroon ng isang medyo pampanitikan at nakawiwiling buhay. Maaari silang kumuha ng mga larawan na hindi malilimutan at maaari silang magbasa at magkamit ng ilang kaalaman at magkaroon ng isang medyo magandang kapaligiran para mabuhay.

27 Agosto 2018

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos


Kidlat ng Silanganan | Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos  | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikatlong Bahagi)

    Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: (II) Nakakamit ng Tao ang Awa at Pagpaparaya ng Diyos sa pamamagitan ng Tapat na Pagsisisi Buod ng Kasaysayan ng Ninive Umabot ang Ang Diyos Mismo na si Jehovah sa mga Taga-Ninive Ang Payak na Pagkakaiba ng Reaksyon ng Ninive at Sodoma sa Babala ng Diyos na si Jehovah

26 Agosto 2018

Tungkol sa Biblia (4)

Kidlat ng SilangananTungkol sa Biblia (4)

Maraming tao ang naniniwala na ang pag-unawa at magawang ipaliwanag ang Biblia ay katulad ng paghahanap ng tunay na landas—ngunit sa katunayan, ganoon ba kadali ang mga bagay? Walang kahit isa ang nakakakilala sa katotohanan ng Biblia: na hindi hihigit pa sa makasaysayang tala ng gawain ng Diyos, at isang testamento sa nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at hindi nagbibigay sa iyo ng pag-unawa sa mga layunin ng gawain ng Diyos. Ang bawat isa na nakapagbasa ng Biblia ay alam na ito ay nagtatala sa dalawang yugto ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang Lumang Tipan ay nagsasalaysay sa kasaysayan ng Israel at ang gawain ni Jehova mula sa oras ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang Bagong Tipan ay nagtatala ng gawain ni Jesus sa lupa, na kung saan ay nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo;

25 Agosto 2018

Tungkol sa Biblia (3)


Kidlat ng Silanganan|Tungkol sa Biblia (3)


Hindi lahat ng nasa Biblia ay isang talaan ng mga salitang personal na binigkas ng Diyos. Dinodokumento lang ng Biblia ang naunang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, kung saan ang isang bahagi ay isang talaan ng mga hula ng mga propeta, at ang isang bahagi ay mga karanasan at kaalamang isinulat ng mga taong ginamit ng Diyos sa buong panahon. Ang mga karanasan ng tao ay nabahiran ng mga opinyon at kaalaman ng tao, na hindi maiiwasan. Nasa marami sa mga aklat ng Biblia ang mga pagkaintindi ng tao, mga pagkiling ng tao, at walang katotohanang mga interpretasyon ng tao. Siyempre, karamihan ng mga salita ay resulta ng paliwanag at paglilinaw ng Banal na Espiritu, at tama ang mga interpretasyong iyon—pero hindi pa rin masasabi na sila ay tumpak na tumpak na mga pagpapahayag ng katotohanan.

24 Agosto 2018

Tungkol sa Biblia (2)

Kidlat ng Silanganan|Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus,"Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus"

Kidlat ng Silanganan |Tungkol sa Biblia (2)



Ang Biblia ay tinatawag din na Luma at Bagong Tipan. Alam ninyo ba kung ano ang tinutukoy ng "tipan"? Ang "tipan" sa "Lumang Tipan" ay mula sa kasunduan ni Jehova sa mga tao ng Israel nang patayin Niya ang mga taga-Ehipto at iniligtas ang mga Israelita mula sa Paraon. Siyempre pa, ang patunay ng kasunduang ito ay ang dugo ng tupa na ipinahid sa mga piraso ng kahoy, kung saan nagtatag ang Diyos ng kasunduan sa tao, isa na kung saan ito ay sinabi na ang lahat nang may dugo ng tupa sa itaas at gilid ng katawan ng pintuan ay mga Israelita, sila ang mga piniling tao ng Diyos, at silang lahat ay ililigtas ni Jehova (sapagkat noon ay papatayin ni Jehova ang lahat ng mga panganay na lalaki ng Ehipto at panganay na mga tupa at baka). Ang kasunduang ito ay may dalawang antas ng kahulugan. Wala sa mga tao o mga alagang hayop ng Ehipto ang maihahatid ni Jehovah; papatayin Niya ang lahat ng kanilang panganay na lalaki at panganay na mga tupa at baka.

23 Agosto 2018

Tungkol sa Biblia (1)

Kidlat ng Silanganan|Tungkol sa Biblia (1)

Paano dapat lapitan ang Biblia tungkol sa paniniwala sa Diyos? Ito ay isang tanong ng prinsipyo. Bakit natin pinag-uusapan ang tanong na ito? Dahil sa hinaharap ay ikakalat mo ang ebanghelyo at palalawakin ang gawain ng Kapanahunan ng Kaharian, at hindi sapat na pag-usapan lamang ang gawain ng Diyos ngayon. Upang palawakin ang Kanyang gawa, mas mahalaga na maayos moang mga lumang paniniwala sa relihiyon ng tao at lumang paraan ng paniniwala, at iwan ang mga ito na lubos na kumbinsido—at ang pagtungo sa puntong ito ay nagsasangkot sa Bibilia. Sa maraming taon, ang mga kinaugalian na paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanidad, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia;

22 Agosto 2018

Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)

 Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus,Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos,Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)

Kidlat ng Silanganan|Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)


Ang unang pagkakataon na naging tao ang Diyos ay sa pamamagitan ng paglilihi ng Banal na Espiritu, at ito ay may kaugnayan sa gawain na nilayon Niyang gawin. Ang pangalan ni Jesus ang nagtanda ng pagsisimula ng Kapanahunan ng Biyaya. Nang nagsimula si Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Banal na Espiritu ay nagsimulang magpatotoo sa pangalan ni Jesus , at ang pangalan ni Jehova ay hindi na pinag-uusapan, at sa halip ay paunang sinimulan ng Banal na Espiritu ang bagong gawain sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Ang patotoo ng mga naniniwala sa Kanya ay inilahad para kay Hesu-Cristo, at ang gawain na kanilang isinagawa ay para rin kay Hesu-Cristo. Ang konklusyon ng Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan ay nangangahulugan na ang gawain na paunang isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehova ay matatapos na rin. Pagkatapos nito, ang pangalan ng Diyos ay hindi na Jehova; sa halip Siya ay tinawag na Jesus, at mula rito ay sinimulan ng Banal na Espiritu ang gawain una sa lahat sa ilalim ng pangalan ni Jesus.

21 Agosto 2018

Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)


Kidlat ng Silanganan,Mga Pagbigkas ni Cristo,Salita ng Diyos

Kidlat ng Silanganan |Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)


Ipinangaral ng Kapanahunan ng Biyaya ang ebanghelyo ng pagsisisi, at kapag ang tao ay naniwala, kung gayon siya ay maliligtas. Sa kasalukuyan, kahalili ng kaligtasan ay mayroon lamang pag-uusap ukol sa paglupig at pagka-perpekto. Hindi kailanman sinabi na kapag nananampalataya ang isang tao, ang kanilang buong sambahayan ay pagpapalain, o ang kaligtasan ay minsanan lamang. Sa kasalukuyan, walang sinuman ang nagsasabi sa mga salitang ito, at ang gayong mga bagay ay lipas na. Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin.

20 Agosto 2018

Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1)

Kidlat ng Silanganan,Mga Pagbigkas ni Cristo


Kidlat ng SilangananAng Pananaw ng Gawain ng Diyos (1)

Si Juan ay gumawa para kay Jesus saloob ng pitongtaon, at inihandana ang daannangsi Jesus ay dumating. Bago ito, ang ebanghelyo ng kaharian ng langit na ipinangara lni Juan ay narinig sa lahat ng dako ng bayan, kaya ito ay lumaganap sa kabuuan ng Judea, at tinawag siya ng lahat na isang propeta. Sa panahong iyon, nais ni Haring Herodes na patayin si Juan, ngunit hindi siya nangahas, sapagkat mataas ang pagtingin ng mga tao kay Juan, at natatakot si Herodes na kapag pinatay niya si Juan sila ay mag-aalsa laban sakanya. Ang gawaing ginawa ni Juan ay nagsimula ng lumago sa gitna ng mga karaniwang tao, at ginawa niyang mananampalataya ang mga Judio. Sa loob ng pitong taon inihanda niya ang daan para kay Jesus, hanggang sa panahong sinimulan ni Jesus nagampanan ang Kanyang ministeryo. At kaya, si Juan ang pinakadakila sa lahat ng mga propeta.

19 Agosto 2018

Gawa at Pagpasok (1)

work-and-entry-1


Gawa at Pagpasok (1)

Mula pa nang ang tao ay nagsimulang yumapak sa tamang landas ng buhay, nagkaroon ng maraming bagay na nananatiling hindi malinaw. Sila ay ganap pa rin ang kalabuan tungkol sa gawain ng Diyos at kung gaano karaming trabaho ang dapat nilang gawin. Ito ay dahil, sa isang banda, pagkalihis ng kanilang mga karanasan at ang mga limitasyon sa kanilang kakayahang tumanggap; sa kabila, ito ay dahil ang gawain ng Diyos ay hindi pa nadala ang mga tao sa yugtong ito. Kaya, hindi maliwanag sa lahat ang tungkol sa pinaka-espirituwal na mga bagay. Hindi lamang na hindi malinaw sa inyo ang inyong dapat pasukan; mas lalo kayong mangmang tungkol sa gawain ng Diyos.

18 Agosto 2018

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikaapat na bahagi)


Mga Pagsasalaysay ng Salita ng DiyosPaano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikaapat na bahagi)


    Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Unawain ang Saloobin ng Diyos at Bitawan ang Lahat ng mga Maling Pagkaintindi sa Diyos Sino ang

17 Agosto 2018

Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya

Mga Aklat,Mga Pagbigkas ni Cristo


Ano na ang natanggap ng tao magmula nang siya ay unang naniwala sa Diyos? Ano na ang nalalaman mo tungkol sa Diyos? Gaano na kalaki ang iyong ipinagbago dahil sa iyong paniniwala sa Diyos? Ngayon ay alam na ninyong lahat na ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng katawan at hindi rin upang mapayaman lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-ibig ng Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng katawan o panandaliang kasiyahan, sa gayon kahit na, sa katapusan, umabot sa rurok ang iyong pag-ibig sa Diyos at wala anumang hilingin, ang hanap mong pag-ibig na ito ay isa pa ring hindi dalisay na pag-ibig at hindi kalugud-lugod sa Diyos.

15 Agosto 2018

Ang Layunin ng Pamamahala sa Sangkatauhan


Mga Aklat,Mga Pagbigkas ni Cristo


Kung maaari lamang na talagang lubos na maunawaan ng mga tao ang tamang landas ng buhay ng tao pati na din ang layunin ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan, hindi nila panghahawakan ang kanilang indibidwal na kinabukasan at kapalaran bilang isang kayamanan sa kanilang puso. Hindi na nila nanaising magsilbi sa kanilang mga magulang na mas masahol pa sa mga baboy at mga aso. Ang kinabukasan ba at kapalaran ng tao ay hindi talaga ang kasalukuyang inaakala na “mga magulang” ni Pedro? Sila ay katulad lamang ng sariling laman at dugo ng tao. Ang destinasyon, ang kinabukasan ba ng laman ay ang makita ang Diyos habang nabubuhay, o para sa kaluluwa na makita ang Diyos pagkatapos ng kamatayan? Matatapos ba ang laman sa hinaharap sa isang malaking pugon tulad ng sa mga kapighatian, o ito ba ay sa nasusunog na apoy?

14 Agosto 2018

"Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong" (3) - Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Normal na Pagkatao ni Cristo at ng Pagkatao ng Tiwaling Sangkatauhan


"Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong" (3) - Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Normal na Pagkatao ni Cristo at ng Pagkatao ng Tiwaling Sangkatauhan 


Ang Diyos ay nagkakatawang-tao para iligtas ang tao at, mula sa labas, ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapakita bilang karaniwang tao. Ngunit alam mo ba ang mahalagang pagkakaiba ng normal na pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao at ng pagkatao ng tiwaling sangkatauhan? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang laman na sinuot ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling laman ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay kataas-taasan; Siya ay makapangyarihan, banal at matuwid. Gayon din naman, ang Kanyang laman ay kataas-taasan, makapangyarihan, at matuwid din. ... sa kabila ng katotohanang ang tao at si Cristo ay nananahan sa loob ng parehong espasyo, tanging ang tao lamang ang siyang nadomina, nagamit at nabitag ni Satanas. Sa kabaligtaran, si Cristo ay magpasawalang-hanggang hindi tinatablan ng katiwalian ni Satanas, sapagkat si Satanas ay kailanman hindi makakayanang umakyat sa lugar ng kataas-taasan, at hindi kailanman maaaring makalapit sa Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).

13 Agosto 2018

Paano pinadadalisay at inililigtas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang sangkatauhan?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

  “At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).

  “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13).

12 Agosto 2018

Tagalog Christian Gospel Video | "Ang Iglesiang Three-Self Ang Aking Payong"




Isang araw, nadakip ng Komunistang pamahalaan ng China ang maraming Kristiyano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula sa isang partikular na lokasyon sa kalaliman ng gabi. Ang bagay na ito ay nagdulot ng kaguluhan sa lokal na lugar. Nagpasimula ito ng mga talakayan sa pagitan ng mga miyembro ng Iglesia ng Three-Self. Ilang tao ang naniwala na ang Kidlat sa Silanganan ay nagdusa sa malupit na pagsupil at pag-uusig ng Komunistang pamahalaan ng China. Napakamapanganib na maniwala sa Kidlat ng Silanganan, at pinakaligtas na maniwala sa Iglesia ng Three-Self. Hindi sila magdurusa ng paghihirap at magagawa nilang pumasok sa kaharian ng langit. Naniwala ang ibang mga tao na ang Kidlat ng Silanganan ang siyang tunay na daan, ngunit masyadong mabagsik ang kinakaharap nitong pag-uusig at aresto. Kung maniniwala sila, inisip nila na mas mabuting maniwala nang palihim. Sa sandaling matutumba ang Komunistang pamahalaan ng China, malaya na silang maniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Inimbestigahan ng ilang tao ang Kidlat ng Silanganan ngunit naniwala sila na ikinakalat ng Kidlat ng Silanganan ang ebanghelyo at sumasaksi sa Panginoon nang walang pagsasaalang-alang sa buhay o kamatayan at na sila ay pinupuri ng Diyos. Inisip nila na ang mga taong nagtatago sa loob ng Iglesia ng Three-Self ay mga taong duwag na inaanod sa buhay nang walang layunin at na hindi sila karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. … Pagkatapos ng mainit na talakayang ito, nalaman ba ng lahat kung anong uri ng mga tao ang pinupuri ng Panginoon at kung ang mga natatakot ba ay makakapasok sa kaharian ng langit?







11 Agosto 2018

Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw



▬▬▬▬▬▬▬۩*•*۩▬▬▬▬▬▬▬▬


  Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang kabuuang gawain sa loob ng 6,000 taon ay unti-unting nagbago kasabay ng panahon. Ang mga pagbabago sa gawaing ito ay naganap ayon sa kalagayan ng buong mundo. Ang gawaing pamamahala ng Diyos ay nagbago lang nang unti-unti ayon sa pagsulong ng sangkatauhan sa kabuuan; hindi pa ito binalak sa simula ng paglikha......Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang pinaka-aktwal na gawain. Isinasagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa pagsulong ng panahon, at isinasagawa Niya ang karamihan sa Kanyang pinaka-aktwal na gawain ayon sa mga pagbabago ng mga bagay. Para sa Kanya, ang pagsasagawa ng gawain ay tulad ng pangangasiwa ng gamot sa isang sakit; Siya’y nagmamasid habang ginagawa ang Kanyang gawain; Siya ay gumagawa ayon sa mga nasubaybayan Niya. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, Siya ay may kakayahang magpahayag ng Kanyang sapat na karunungan at magpahayag ng Kanyang sapat na kasanayan; ibinubunyag Niya ang Kanyang sapat na karunungan at sapat na awtoridad ayon sa gawain ng bukod-tanging kapanahunan na iyon at hinahayaan ang alinman sa mga tao na Kanyang ibinalik sa mga kapanahunang iyon na makita ang Kanyang buong disposisyon. Tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao at isinasagawa ang gawain na kailangan Niyang gawin ayon sa mga kailangang isagawa sa bawat kapanahunan; tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao ayon sa antas kung saan sila ay ginawang tiwali ni Satanas."

Magrekomenda nang higit pa:


Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan



10 Agosto 2018

Ang Pag-ibig ng Diyos ay 'Di Taglay ng Anumang Nilalang




I
Ang mga salita ng Diyos ay puno ng buhay,
nag-aalok sa atin ng landas na dapat nating tahakin,
ang pag-unawa sa kung ano ang katotohanan.
Nagsisimula tayo na maakit sa Kanyang mga salita;
nagsisimula tayong tumuon sa tono
at paraan ng Kanyang pagsasalita,
at maging kusa na pakinggan
ang panloob na tinig ng ordinaryong taong ito.

II
Nagtutuon ang Diyos sa atin;
para sa atin, hindi Siya makatulog o makakain; 
para sa atin, Siya'y umiiyak at naghihinagpis;
para sa atin, Siya'y dumadaing sa sakit.
Siya'y dumaranas ng hiya
para sa kapakanan ng ating hantungan at kaligtasan,
at ang puso Niya'y lumuluha at nagdurugo
para sa pagiging suwail at manhid natin.

09 Agosto 2018

Ano ang isang walang pananalig?

Buhay, katotohanan, Diyos, kaligtasan, Langit,


Mga nauugnay na salita ng Makapangyarihang Diyos:

  Masasabi ko na lahat ng hindi nagpapahalaga sa katotohanan ay mga taong hindi naniniwala at mga taksil sa katotohanan. Ang mga ganitong tao ay hindi kailanman makatatanggap ng papuri ni Kristo.

mula sa “Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

08 Agosto 2018

Latest Christian Full Movie 2018 "Sino Siya na Nagbalik" Lord Jesus Has Come Again (Tagalog Dubbed)




Si Kim Yeongrok ay isang masipag na pastor sa relihiyosong komunidad ng Korea. Dahil uhaw sa katotohanan, buong kasabikan niyang inantabayanan ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus. Isang araw noong 2013, nabasa niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa Chosun Ilbo. Ang mga salitang ito, na puno ng kapangyarihan, ay nagkaroon ng agarang epekto sa kanya, at talagang naantig siya. Upang makatiyak na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ang Tagapagligtas na matagal niyang hinintay, sinimulan niyang hanapin at siyasatin ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos. … Habang isa-isa niyang nalulutas ang bawat pagdududa sa kanyang puso, talagang napakasaya ni Kim Yeongrok kaya sinimulan niyang magpatirapa: ang Makapangyarihang Diyos ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus sa mga huling araw. Tahimik siyang dumating sa atin at matagal nang ginagawa ang paghatol simula sa bahay ng Diyos!

╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮

Rekomendasyon:

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

07 Agosto 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ang Panloob na Kahulugan ng Gawain ng Paglupig"





▬▬▬▬▬▬▬۩*•*۩▬▬▬▬▬▬▬▬
I
Ang panloob na kahulugan ng paglupig ng tao
ay ang bumalik sa Maylalang.
Ito’y para sa tao na talikuran si Satanas
at lubos na pagbalik sa Diyos.
Ito ang kumpletong kaligtasan ng tao.
Paglupig ay ang huling labanan.
Ito ang huling yugto ng matagumpay na plano ng Diyos.
Kung wala ito, walang taong maliligtas,
walang tagumpay na nakukuha laban kay Satanas,
walang taong pumapasok sa isang mabuting hantungan.
Sangkatauhan ay naghihirap sa impluwensiya ni Satanas.
Kaya ang pagkatalo ni Satanas ay dapat mauna
para madala ang kaligtasan ng tao.
Lahat ng mga gawain ng Diyos ay para sa kapakanan ng tao.

06 Agosto 2018

Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa ng gawain.

krus, Langit, Espiritu, Jesus, Biblia



Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

  “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).

  “Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan” (Lucas 17:24-25).

  “Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).

  “Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko” (Pahayag 3:20).

  “Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Pahayag 16:15).

  “At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi” (Pahayag 1:12-16).

05 Agosto 2018

Sino ang Unang Madadala Pagdating ng Panginoon?




<*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>



Marami sa mga nananalig sa Panginoon ang naniniwala na basta’t sila ay nagsasakripisyo, nagpapakahirap, at nagsusumikap, siguradong mauuna silang madala. Pero may batayan ba ito sa mga salita ng Panginoon? Sabi ng Panginoong Jesus, "Datapuwa’t maraming mga una na mangahuhuli; at mga huli na mangauuna" (Mateo 19:30). "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig" (Juan 10:27). Malinaw na ang nagpapasiya kung mara-rapture ang isang tao o hindi ay kung naririnig nila ang tinig ng Panginoon. Yaong mga nakarinig muna sa Kanyang tinig at tumanggap sa Kanyang pagpapakita at gawain ay matatalinong dalaga, at sila ang unang mara-rapture.


************************************************************************
Magrekomenda nang higit pa:

Tagalog Kristiyanong Pelikula | "Ang Misteryo ng Kabanalan"

04 Agosto 2018

Tagalog Christian Movie | Revealing the Mystery of God's Name | "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!"




Ang pangalan niya ay Wang Hua, at siya ay mangangaral sa isang bahay iglesia sa Katimugang Tsina. Matapos siyang maniwala sa Panginoon, natuklasan niya sa Biblia na Jehova ang tawag sa Diyos sa Lumang Tipan, at tinawag na Jesus sa Bagong Tipan. Bakit may iba’t ibang pangalan ang Diyos? Talagang nalito si Wang Hua tungkol dito. Sinikap niyang hanapin ang sagot sa Biblia, pero nabigong maunawaan ang hiwaga…. Ngunit matatag siyang naniwala na walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao, kaya’t si Jesus lamang ang Tagapagligtas, at basta nakakapit tayo sa pangalan ni Jesus, tiyak na madadala tayo sa kaharian ng langit. Ngunit isang araw, narinig ni Wang Hua ang nakakagulat na balita: Nagbago na ang pangalan ng Diyos! Pagkatapos niyon, hindi na napanatag ang kanyang puso …

03 Agosto 2018

Kahit Ano ang Kanyang Ginagawa, Ang Kahuli-hulihang Layon ng Diyos ay Kaligtasan

katotohanan, Diyos, Cristo, Dasal, Kaligtasan






I
Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa lahat.
Hindi mahalaga kung paano Niya ginagawa ito,
o anong anyo ang kinakailangan,
ano ang tono na ginagamit Niya upang magsalita,
mayroon lamang isang kahuli-hulihang layon: iligtas ka.
II
Bago ka ililigtas ng Diyos, gusto ka Niyang magbago.
Para rito dapat kang magdusa.
Papaano ka pa maliligtas?
Ikaw ay lubos na magdurusa.
Ang lahat sa paligid mo ay magkakaroon ng
Diyos na nag-aayos ng mga tao, mga paksa at mga bagay,
o pupungusin at ilalantad ka Niya,
at sa pamamagitan ng lahat ng ito
makikita mo kung sino ka talaga.
Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa lahat.
Hindi mahalaga kung paano Niya ginagawa ito,
o anong anyo ang kinakailangan,
ano ang tono na ginagamit Niya upang magsalita,
mayroon lamang isang kahuli-hulihang layon: iligtas ka.

02 Agosto 2018

Pagkatapos Kong Makinig Gamit Ang Aking Puso, Tinanggap Ko Ang Pagbabalik ng Panginoon

iglesia, Ebanghelyo, Diyos, Kaharian, Espiritu



Max Estados Unidos

  Noong 1994, ipinanganak ako sa Estados Unidos. Parehong Tsino ang mga magulang ko. Ang nanay ko ay klasikong halimbawa ng isang matagumpay na babaeng may karera. Nakapag-iisip siya para sa sarili at napakahusay niya. Mahal na mahal ko ang nanay ko. Noong nasa Ikalawang Baitang ako, ibinalik ako ng mga magulang ko sa Tsina para mag-aral para matutunan ko ang wikang Tsino. Iyon din ang panahong nagsimula kong makilala ang Panginoong Jesus. Natatandaan ko isang araw noong 2004, pagkauwi ko galing sa eskuwelahan, may panauhin kami sa bahay. Ipinakilala siya ng nanay ko at sinabi sa aking pastora siya mula sa Estados Unidos. Napakasaya ko dahil noon ko nalaman na matagal-tagal nang naniniwala sa Panginoong Jesus ang nanay ko. Dati, hindi siya naniniwala. Tuwing Bagong Taon ng mga Tsino, magsisindi siya ng insenso at sasamba kay Buddha. Gayon man, pagkaraang magsimulang maniwala sa Panginoong Jesus ang nanay ko, hindi ko na kailangang maamoy ang samyo ng sunog na perang papel at insenso. Sa araw na iyon, nagkuwento sa akin ang Amerikanang pastora tungkol sa Panginoong Jesus. Pagkatapos na pagkatapos, dinala ako sa banyo at bago ako makahuma, “plok,” naingudngod na ng pastora ang ulo ko sa bathtub at pagkaraan ng ilang saglit, iniangat ang ulo ko. Ang tanging narinig ko ay ang nanay ko at ang pastora na nagsasabi sa akin, “Tuloy sa yakap ng Panginoong Jesus. Tayong lahat ay nawawalang tupa.” Sa paraang ito, nagsimula ako sa bagong paglalakbay sa buhay bago ko pa nalaman. Gayon man, dahil kasama ko ang Panginoon, napakasaya ng puso ko. Pagkaraan, tuwing Linggo, pupunta ako sa iglesia para sumamba at pakinggan ang pastorang nagsasalita tungkol sa mga kuwento ng Bibliya at nagbabasa mula sa mga banal na kasulatan. Napakasaya ko habang nangyayari ito. Matatag ang puso ko at dama kong ang paniniwala sa Panginoong Jesus ay tunay na mabuting bagay.

01 Agosto 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | "Walang Nasa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot"


════════════.❋.═════════════


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sinasabi Ko sa inyo nang buong katotohanan: Ang Aking pagtitiis ay inihanda para sa inyong masasamang gawain, at ito ay umiiral para sa inyong pagkastigo sa araw na iyon. Hindi ba kayo ang mga magdurusa sa poot ng paghatol kapag naabot Ko ang katapusan ng Aking pagtitiis? Hindi ba ang lahat ng bagay ay nasa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Paano Ko papayagang suwayin ninyo Ako nang ganito, sa ilalim ng kalangitan? Ang inyong mga buhay ay magiging napakahirap dahil nakatagpo ninyo ang Mesias, na nasabing Siyang darating, ngunit hindi nakarating kailanman. Hindi ba kayo ang Kanyang mga kaaway?"





Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?