Ang gawain sa mga huling araw ay bumigkas ng mga salita. May malalaking pagbabago na maibubunga sa tao sa pamamagitan ng mga salita. Ang mga pagbabago ngayong naibubunga sa mga taong ito sa pagtanggap ng mga salitang ito ay mas higit kaysa roon sa mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya sa pagtanggap niyaong mga tanda at mga kababalaghan. Sapagka’t, sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga demonyo ay lumayas sa tao sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at panalangin, nguni’t ang tiwaling mga disposisyon sa kalooban ng tao ay nanatili pa rin. Ang tao ay gumaling sa kanyang sakit at pinatawad sa kanyang mga kasalanan, nguni’t ang gawain ng kung paano maiwawaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon sa loob ng tao ay hindi nagawa sa kanya. Ang tao ay nailigtas lamang at napatawad sa kanyang mga kasalanan dahil sa kanyang pananampalataya, nguni’t ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi naalis at nanatili pa rin sa kanyang kalooban. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao, nguni’t hindi ito nangangahulugan na ang tao ay walang kasalanan sa kalooban niya. Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog sa kasalanan, nguni’t hindi magawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, nguni’t ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay ganap na maiwaksi at hindi na muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kinakailangan nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kinakailangan din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan. Nang ginagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, ang pagkakilala ng tao sa Kanya ay malabo pa rin at hindi maliwanag. Ang tao ay laging naniniwala na Siya ay anak ni David at ipinahayag na Siya ay isang dakilang propeta at ang mabuting Panginoon na tumubos sa mga kasalanan ng tao. Ang ilan, batay sa pananampalataya, ay gumaling sa pamamagitan lamang ng paghipo sa laylayan ng Kanyang damit; ang bulag ay maaring makakita at kahit ang patay ay maaring maibalik ang buhay. Gayunman, hindi matuklasan ng tao ang tiwaling maka-satanas na disposisyon na malalim na nakatanim sa kalooban niya at hindi rin alam ng tao kung paano iwaksi ito. Ang tao ay nakatanggap ng labis na biyaya, tulad ng kapayapaan at kasiyahan ng laman, ang pagpapala ng buong pamilya dahil sa pananampalataya ng isa, at ang pagpapagaling ng mga sakit, at iba pa. Ang natitira ay ang mga mabuting gawa ng tao at kanilang maka-Diyos na itsura; kung ang tao ay maaring mabuhay batay sa ganito, siya ay itinuring na isang mabuting mananampalataya. Ang mga mananampalatayang tulad lamang nito ang maaring pumasok sa langit pagkamatay, na nangangahulugan na sila ay nailigtas. Nguni’t, sa kanilang buong buhay, hindi nila lubos na naunawaan kahit kailan ang daan ng buhay. Sila ay nakakagawa lamang ng mga kasalanan, pagkatapos ay nagpapahayag ng kasalanan nang paulit-ulit na walang anumang daan tungo sa isang nabagong disposisyon; ganyan ang kalagayan ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang tao ba ay nakatanggap ng ganap na kaligtasan? Hindi! Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ang nagpapalinis sa tao sa pamamagitan ng salita upang bigyan ang tao ng landas na susundan. Ang yugtong ito ay hindi magiging mabunga o makahulugan kung nagpatuloy ito sa pagpapalayas ng mga demonyo, sapagka’t ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi maiwawaksi at ang tao ay hihinto lamang sa pagpapatawad ng mga kasalanan. Sa pamamagitan ng handog sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagka’t ang gawain ng pagpapapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Nguni’t ang tiwaling disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob nila at ang tao ay maaari pa ring magkasala at labanan ang Diyos; hindi nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawain ginagamit ng Diyos ang salita upang ibunyag ang tiwaling disposisyon ng tao at hinihingi sa tao na magsagawa alinsunod sa tamang landas. Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagbibigay-buhay sa tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi. Samakatuwid, ang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay nagpaging-ganap sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ganap na tumapos sa plano sa pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao.
Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginawa sa pamamagitan ng paraan ng Espiritu o bilang Espiritu, sapagka’t ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi maaaring malapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao sa paraan ng Espiritu, hindi makakaya ng tao na tanggapin ang Kanyang pagliligtas. At kung hindi dahil sa Diyos na nagsuot ng panlabas na anyo ng isang nilalang na tao, hindi nila makakayang tanggapin ang kaligtasang ito. Sapagka’t walang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang maaaring makalapit sa ulap ni Jehova. Tanging sa pamamagitan ng pagiging isang tao ng paglikha, iyan ay, ang paglalagay ng Kanyang salita sa Kanyang magiging laman, at saka lamang Niya personal na magagawa ang salita tungo sa lahat ng sumusunod sa Kanya. Saka lamang maaaring marinig ng tao para sa kanya mismo ang Kanyang salita, makita ang Kanyang salita, at matanggap ang Kanyang salita, at sa gayon sa pamamagitan nito ay lubusang mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging laman, walang makalamang tao ang makakatanggap ng gayong dakilang kaligtasan, at wala rin kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa tao, ang tao ay masasaktan o ganap na mabibihag ni Satanas dahil hindi kaya ng tao na makisama sa Diyos. Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng laman ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, nguni’t ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makakawala sa kapangyarihan ng kadiliman ni Satanas at makakabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring maging lubos na mapabanal ang tao. Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagliligtas sa Kapanahunan ng Biyaya nang matapos na ang Kapanahunan ng Kautusan. Nitong mga huling araw na lamang, nang ganap na nadalisay ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng paggawa ng gawain ng paghatol at pagkastigo sa tao para sa pagka-mapanghimagsik, saka tatapusin ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas at papasok sa kapahingahan. Samakatuwid, sa tatlong yugto ng gawain, dalawang beses lamang nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa Niya Mismo ang Kanyang gawain sa tao. Iyon ay dahil isa lamang sa tatlong yugto ng gawain ang pag-akay sa tao sa kanilang mga buhay, habang ang iba pang dalawa ay ang gawain ng pagliligtas. Tanging kung nagiging laman ang Diyos saka Siya maaaring mamuhay kasama ng tao, nararanasan ang paghihirap ng mundo, at mamuhay sa isang ordinaryong laman. Tanging sa ganitong paraan Niya maaaring matustusan ang taong Kanyang nilikha ng praktikal na salitang kailangan nila. Ang tao ay nakakatanggap ng lubos na kaligtasan mula sa Diyos dahil sa Diyos na nagkatawang-tao, hindi direkta mula sa kanilang mga panalangin sa langit. Sapagka’t ang tao ay makalaman; hindi kaya ng tao na makita ang Espiritu ng Diyos at lalong hindi niya kayang lapitan Siya. Ang kaya lamang na makasama ng tao ay ang laman ng nagkatawang-taong Diyos; sa pamamagitan lamang Niya mauunawaan ng tao ang lahat ng mga salita at ang lahat ng mga katotohanan, at makakatanggap ng buong kaligtasan. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay sapat upang alisin ang mga kasalanan ng tao at ganap na dalisayin ang tao. Samakatuwid, ang pangalawang pagkakatawang-tao ay magdadala sa pagtatapos ng lahat ng gawain ng Diyos sa laman at kukumpleto sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Pagkatapos noon, ang gawain ng Diyos sa laman ay lubos na magtatapos. Pagkatapos ng ikalawang pagkakatawang-tao, hindi na Siya muling magiging laman para sa Kanyang gawain. Sapagka’t ang Kanyang buong pamamahala ay darating sa isang pagtatapos. Sa mga huling araw, ganap nang makakamit ng Kanyang pagkakatawang-tao ang Kanyang piniling bayan, at ang lahat ng tao sa mga huling araw ay mapaghihiwalay na ayon sa kanilang uri. Hindi na Niya gagawin ang gawain ng pagliligtas, ni hindi rin Siya babalik sa laman upang magsakatuparan ng anumang gawain. Sa gawain ng mga huling araw, ang salita ay mas makapangyarihan kaysa pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at ang awtoridad ng salita ay nahihigitan yaong sa mga tanda at mga himala. Inilalantad ng salita ang lahat ng tiwaling disposisyon sa puso ng tao. Hindi mo kayang kilalanin ang mga ito sa iyong sarili lamang. Kapag ang mga ito ay naibunyag sa iyo sa pamamagitan ng salita, natural na mapapagtanto mo ito; hindi mo maitatanggi ang mga iyon, at lubos kang makukumbinsi. Hindi ba ito ang awtoridad ng salita? Ito ang resultang nakamit sa pamamagitan ng kasalukuyang gawain ng salita. Samakatuwid, ang tao ay hindi maaaring ganap na mailigtas mula sa kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapagaling ng sakit at pagpapalayas ng mga demonyo at hindi maaaring magawang ganap sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Ang awtoridad upang magpagaling at magpalayas ng mga demonyo ay nagbibigay lamang ng biyaya sa tao, nguni’t ang laman ng tao ay nabibilang pa rin kay Satanas at ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ay nananatili pa rin sa kalooban ng tao. Sa madaling salita, yaong hindi nagawang malinis ay kabilang pa rin sa kasalanan at karumihan. Tanging pagkatapos lamang na nagawang malinis ang tao sa pamamagitan ng mga salita maaari siyang makamit ng Diyos at maging banal. Kung walang nagawa maliban sa pagpapalayas ng mga demonyo sa loob ng tao at pagtutubos sa kanya, iyon ay pag-agaw lamang sa kanya mula sa mga kamay ni Satanas at pagbabalik sa kanya sa Diyos. Subali’t, hindi siya nagawang malinis o nabago ng Diyos, at siya ay nananatiling tiwali. Sa loob ng tao ay umiiral pa rin ang karumihan, pagsalungat at pagka-mapanghimagsik; ang tao ay nakabalik lamang sa Diyos sa pamamagitan ng pagtubos, nguni’t ang tao ay walang pagkakilala sa Kanya at lumalaban pa rin at nagkakanulo sa Diyos. Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya. Pagkatapos ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, ang tao ay mayroon na sa kanyang kalooban ng kalikasang lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, nang ang tao ay natubos, walang iba ito kundi pagtubos, kung saan ang tao ay binili sa isang mataas na halaga, nguni’t ang nakakalasong kalikasan sa loob ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay dapat na sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling sangkap na nasa loob niya, at makakaya niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. Ang lahat ng mga gawain na ginawa sa araw na ito ay upang ang tao ay magawang malinis at mabago; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ang pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang doon sa pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Sa katotohanan, ang yugtong ito ay yaong panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng pagliligtas. Ang tao ay nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita; sa pamamagitan ng paggamit ng salita upang pinuhin, hatulan at ibunyag, ang lahat ng mga karumihan, mga paniwala, mga motibo, at mga indibidwal na pag-asam sa kalooban ng puso ng tao ay ganap na naibubunyag. Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay itinuturing lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali’t, kapag ang tao ay namumuhay sa laman at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang ibinubunyag ang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka’t ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon. Gaya halimbawa, nang malaman ng mga tao na sila ay nagmula kay Moab, nagsabi sila ng mga salita ng hinaing, hindi na hinangad ang buhay, at naging lubos na walang-kibo. Hindi ba ipinakikita nito na hindi pa rin nila nagagawang lubos na magpasakop sa dominyon ng Diyos? Hindi ba ito ang talagang tiwaling maka-satanas na disposisyon? Nang ikaw ay hindi sumasailalim sa pagkastigo, ang iyong mga kamay ay nakataas nang mas mataas kaysa iba, maging doon sa kay Jesus. At ikaw ay sumigaw sa malakas na tinig: Maging isang kaibig-ibig na anak ng Diyos! Maging matalik na kaibigan ng Diyos! Mas pipiliin namin ang mamatay kaysa magpasakop kay Satanas! Mag-alsa laban sa matandang Satanas! Mag-alsa laban sa malaking pulang dragon! Hayaan ang malaking pulang dragon na lubos na bumagsak mula sa kapangyarihan! Hayaan ang Diyos na gawin tayong ganap! Ang iyong mga sigaw ay pinakamalakas sa lahat. Nguni’t pagkatapos ay dumating ang mga panahon ng pagkastigo at, minsan pa, ang tiwaling disposisyon ng mga tao ay nabunyag. Pagkatapos, tumigil ang kanilang mga sigaw, at wala na silang paninindigan. Ito ang katiwalian ng tao; ito ay nananatiling mas malalim kaysa kasalanan, na itinanim ni Satanas at malalim na nag-ugat sa loob ng tao. Hindi madali para sa tao na mabatid ang kanyang mga kasalanan; hindi kayang kilalanin ng tao ang kanyang sariling kalikasang nag-ugat na nang malalim. Tanging sa pamamagitan ng paghatol ng salita makakamit ang gayong mga epekto. Sa gayon lamang maaaring unti-unting mababago ang tao mula sa puntong iyon. Isinisigaw ng tao ang gayon noong nakaraan sapagka’t ang tao ay hindi nagkaroon ng pagkaunawa sa kanyang orihinal na tiwaling disposisyon. Gayon ang mga karumihan sa kalooban ng tao. Sa kahabaan ng gayong katagal na panahon ng paghatol at pagkastigo, ang tao ay namuhay sa isang kapaligiran ng takot. Hindi ba ang lahat ng ito ay natamo sa pamamagitan ng salita? Hindi ka rin ba sumigaw nang may napakalakas na tinig bago pa ang pagsubok sa mga taga-serbisyo? Pumasok sa kaharian! Lahat niyaong tumatanggap sa pangalang ito ay papasok tungo sa kaharian! Ang lahat ay dapat makibahagi sa Diyos! Nang ang pagsubok sa mga taga-serbisyo ay dumating, hindi ka na sumigaw. Noong una, ang lahat ay sumisigaw, “Diyos! Saan Mo man ako ilagay, magpapasakop Ako sa Iyong pamamatnubay.” Sa pagbabasa sa mga salita ng Diyos, “Sino ang Aking magiging Pablo?”ang sabi ng tao, “Ako ay nakahanda!” Pagkatapos ay nakita niya ang mga salitang, “At ano naman ang tungkol sa pananampalataya ni Job?” Kaya kanyang sinabi, “Nakahanda akong tanggapin ang pananampalataya ni Job. Diyos, pakiusap subukin mo ako!” Nang dumating ang pagsubok sa mga taga-serbisyo, siya ay kaagad na hinimatay at halos hindi na muling makatayo. Pagkatapos noon, ang mga karumihan sa puso ng tao ay unti-unting nabawasan. Hindi ba ito natamo sa pamamagitan ng salita? Kaya, kung ano ang inyong nararanasan sa kasalukuyan ay mga resulta na natamo sa pamamagitan ng salita, higit pang mas dakila kaysa roon sa natamo sa pamamagitan ng paggawa ng mga tanda at mga himalâ ni Jesus. Ang kaluwalhatian ng Diyos at awtoridad ng Diyos Mismo na iyong nakikita ay hindi lamang nakikita sa pamamagitan ng pagkakapako sa krus, pagpapagaling ng karamdaman at pagpapalayas ng mga demonyo, nguni’t lalong higit sa pamamagitan ng Kanyang paghatol sa pamamagitan ng salita. Ipinakikita nito sa iyo na hindi lamang ang paggawa ng mga tanda, pagpapagaling ng karamdaman at pagpapalayas ng mga demonyo ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, subali’t mas mahusay na kinakatawan ng paghatol sa pamamagitan ng salita ang awtoridad ng Diyos at nagbubunyag ng Kanyang pagiging-makapangyarihan-sa-lahat.
Anuman ang nakamit ng tao ngayon—ang tayog ng tao ngayon, ang kanilang kaalaman, pag-ibig, katapatan, pagkamasunurin, pati na rin ang kanilang pagkakita—ay ang mga resulta na nakamit sa pamamagitan ng paghatol ng salita. Na nakakaya mong magkaroon ng katapatan at manatiling nakatayo hanggang sa araw na ito ay nakamit sa pamamagitan ng salita. Ngayon ay nakikita ng tao na ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay sadyang di-pangkaraniwan. Napakarami ng hindi magagawang makamit ng tao; ang mga iyon ay mga hiwaga at mga kababalaghan. Samakatuwid, marami ang mga nagpasakop. Ang ilan ay hindi kailanman nagpasakop sa sinumang tao magmula ng mga araw ng kanilang mga kapanganakan, gayunma’y kapag nakita nila ang mga salita ng Diyos sa araw na ito, lubos silang nagpapasakop nang hindi napapansing nagáwâ nila ang gayon, at hindi sila nagtatangkang siyasating mabuti o magsalita ng ano pa mang bagay. Ang tao ay nahulog sa ilalim ng salita at sa ilalim ng paghatol ng salita. Kung ang Espiritu ng Diyos ay direktang nagsalita sa tao, silang lahat ay magpapasakop sa tinig, babagsak paibaba na walang mga salita ng pagbubunyag, tulad ng kung paanong si Pablo ay nahulog sa lupa sa gitna ng liwanag habang siya ay naglalakbay sa Damasco. Kung ang Diyos ay nagpatuloy na gumawa sa ganitong paraan, hindi kailanman magagawa ng tao na kilalanin ang kanyang sariling katiwalian sa pamamagitan ng paghatol ng salita at makamit ang kaligtasan. Tanging sa pamamagitan ng pagiging laman magagawa Niyang personal na ihatid ang Kanyang mga salita sa mga pandinig ng lahat upang ang lahat ng may mga pandinig ay maaaring makarinig ng Kanyang mga salita at makatanggap ng Kanyang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng salita. Gayon lamang ang resulta na nakamit sa pamamagitan ng Kanyang salita, sa halip na ang paglitaw ng Espiritu na tumatakot sa tao para magpasakop. Sa pamamagitan lamang ng gayong praktikal at hindi-pangkaraniwang gawain maaaring lubusang maibunyag ang lumang disposisyon ng tao, na malalim na naitago sa loob ng maraming taon, upang makilala ito ng tao at mabago ito. Ito ang praktikal na gawain ng Diyos na nagkatawang-tao; Siya ay nagsasalita at nagsasagawa ng paghatol sa isang praktikal na paraan upang makamit ang mga resulta ng paghatol sa tao sa pamamagitan ng salita. Ito ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang-tao at ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ito ay ginagawa upang ipakilala ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang-tao, ang mga resulta na nakamit sa pamamagitan ng gawain ng salita, at na ang Espiritu ay dumating sa laman; ipinakikita Niya ang Kanyang awtoridad sa pamamagitan ng paghatol sa tao sa pamamagitan ng salita. Kahit na ang Kanyang laman ay ang panlabas na anyo ng isang ordinaryo at normal na pagkatao, ito ay ang mga resultang nakakamit ng Kanyang mga salita na nagpapakita sa tao na Siya ay puno ng awtoridad, na Siya ay ang Diyos Mismo at na ang Kanyang mga salita ay ang pagpapahayag ng Diyos Mismo. Ipinakikita nito sa lahat ng tao na Siya ay ang Diyos Mismo, ang Diyos Mismo na naging laman, at walang sinuman ang maaaring sumuway sa Kanya. Walang maaaring makalampas sa Kanyang paghatol sa pamamagitan ng salita, at walang puwersa ng kadiliman ang maaaring mangibabaw sa Kanyang awtoridad. Nagpapasakop nang lubos ang tao sa Kanya dahil Siya ang Salita na naging laman, ang Kanyang awtoridad, at Kanyang paghatol sa pamamagitan ng salita. Ang gawain na dinala ng Kanyang nagkatawang-taong laman ay ang awtoridad na Kanyang tinataglay. Siya ay nagiging laman dahil ang laman ay maaari ding magtaglay ng awtoridad, at Siya ay may kakayahang magsakatuparan ng gawain sa gitna ng tao sa isang praktikal na paraan, na nakikita at nahahawakan ng tao. Ang gayong gawain ay mas makatotohanan kaysa anumang gawain na direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na nagtataglay ng lahat ng awtoridad, at ang mga resulta nito ay maliwanag din. Ito ay dahil sa ang Kanyang katawang-tao ay nakakapagsalita at nakakagawa ng gawain sa isang praktikal na paraan; ang panlabas na anyo ng Kanyang laman ay walang awtoridad at maaaring lapitan ng tao. Ang Kanyang sangkap ay nagtataglay ng awtoridad, nguni’t walang nakakakita sa Kanyang awtoridad. Kapag Siya ay nagsasalita at gumagawa, hindi magawa ng tao na matalos ang pag-iral ng Kaniyang awtoridad; ito ay mas kanais-nais sa Kanyang aktwal na gawain. At lahat ng mga naturang gawain ay makakapagkamit ng mga resulta. Kahit na walang tao ang nakakatanto na Siya ay nagtataglay ng awtoridad o nakakakita na hindi Siya maaaring magalit o nakakakita sa Kanyang poot, sa pamamagitan ng Kanyang natatalukbungang awtoridad at poot at pampublikong pagsasalita, nakakamit Niya ang hinahangad na mga resulta ng Kanyang mga salita. Sa madaling salita, sa pamamagitan ng tono ng Kanyang boses, mahigpit na pagsasalita, at lahat ng karunungan ng Kanyang mga salita, ang tao ay lubusang nakukumbinsi. Sa ganitong paraan, ang tao ay nagpapasakop sa salita ng Diyos na nagkatawang-tao, na tila ba walang awtoridad, at dahil doon nakakamit ang Kanyang layunin ng kaligtasan para sa tao. Ito ang isa pang kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao: upang magsalita nang mas makatotohanan at hayaan ang katotohanan ng Kanyang mga salita na magkaroon ng epekto sa tao nang sa gayon ay masaksihan nila ang kapangyarihan ng salita ng Diyos. Kaya ang gawaing ito, kung hindi ginawa sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, ay hindi magkakamit ng pinakamaliit na mga resulta at hindi magagawang lubos na iligtas ang mga makasalanan. Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay nananatiling Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nahahawakan ng tao. Ang tao ay isang nilalang ng laman, at ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang mundo at magkaiba sa kalikasan. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi tugma sa taong laman, at walang mga relasyong maaaring maitatag sa pag-itan nila; higit pa rito, ang tao ay hindi maaaring maging isang espiritu. Dahil dito, ang Espiritu ng Diyos ay dapat na maging isa sa mga nilalang at gumawa ng Kanyang orihinal na gawain. Ang Diyos ay maaaring parehong umakyat sa pinakamataas na lugar at ibaba ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng pagiging isang taong nilikha, gumagawa ng gawain at namumuhay na kasama ng tao, nguni’t ang tao ay hindi maaaring umakyat sa pinakamataas na lugar at maging isang espiritu at lalong hindi siya makakababa sa pinakamababang lugar. Samakatuwid, ang Diyos ay dapat maging laman upang isakatuparan ang Kanyang gawain. Katulad na katulad ng unang pagkakatawang-tao, tanging ang laman ng Diyos na nagkatawang tao ang maaaring tumubos sa tao sa pamamagitan ng Kanyang pagpapapako sa krus, samantalang ito ay hindi posible para sa Espiritu ng Diyos na maipako sa krus bilang handog para sa kasalanan ng tao. Ang Diyos ay maaring direktang maging laman upang magsilbing handog para sa kasalanan ng tao, nguni’t ang tao ay hindi maaring direktang umakyat sa langit upang tanggapin ang handog para sa kasalanan na inihanda ng Diyos para sa kanila. Dahil dito, ang Diyos ay dapat na maglakbay nang pabalik-balik sa pag-itan ng langit at lupa, sa halip na hayaan ang tao na umakyat sa langit upang kunin ang kaligtasang ito, sapagka’t ang tao ay nahulog at hindi maaring umakyat sa langit, lalo na ang tanggapin ang handog para sa kasalanan. Samakatuwid, kinailangan na lumapit si Jesus sa gitna ng mga tao at personal na gawin ang gawain na hindi maaring maisakatuparan ng tao. Tuwing nagiging laman ang Diyos, lubos itong kinakailangang gawin. Kung alinman sa mga yugto ay maaring maisakatuparan nang direkta sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, hindi na Niya sana tiniis ang mga kawalang-dangal ng pagkakatawang-tao.
Sa huling yugtong ito ng gawain, ang mga resulta ay nakakamit sa pamamagitan ng salita. Sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaunawa sa maraming mga hiwaga at sa gawain ng Diyos sa buong nakaraang mga henerasyon; sa pamamagitan ng salita, naliliwanagan ang tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu; sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaunawa sa mga hiwaga na kailanman ay hindi pa nalutas ng mga nagdaang henerasyon, pati na rin sa gawain ng mga propeta at mga apostol ng mga nakaraang panahon, at sa mga prinsipyo na kung saan sila ay gumawa; sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaalam sa disposisyon ng Diyos Mismo, pati na rin sa pagka-mapanghimagsik at paglaban ng tao, at dumarating sa pagkaalam ng kanilang sariling sangkap. Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito ng gawain at lahat ng mga salitang winika, dumarating ang tao sa pagkakilala sa gawain ng Espiritu, sa gawain ng nagkatawang-taong laman ng Diyos, at lalo na, sa Kanyang buong disposisyon. Ang iyong kaalaman sa gawain ng pamamahala ng Diyos sa loob ng anim na libong taon ay nakamit din sa pamamagitan ng salita. Hindi ba ang iyong kaalaman ng iyong dating mga paniwala at tagumpay sa pagsasantabi sa mga ito ay nakamit din sa pamamagitan ng mga salita? Sa naunang yugto, ginawa ni Jesus ang mga tanda at mga kababalaghan, nguni’t hindi ito gayon sa yugtong ito. Hindi ba ang iyong pagkaunawa kung bakit hindi Niya ginagawa ang gayon ay nakamit din sa pamamagitan ng salita? Samakatuwid, ang mga salita na ipinahayag sa yugtong ito ay lampas sa gawain na ginawa ng mga apostol at propeta ng mga henerasyong nagdaan. Kahit na ang mga propesiya na ginawa ng mga propeta ay hindi magagawang magkamit ng gayong mga resulta. Ang mga propeta ay naghahayag lamang ng mga propesiya, ng kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap, nguni’t hindi ng gawain na gagawin ng Diyos sa panahong iyon. Hindi sila nagsalita upang gabayan ang tao sa kanilang mga buhay, upang magkaloob ng mga katotohanan sa tao o upang magbunyag sa tao ng mga hiwaga, at lalo nang hindi sila nagsalita upang magkaloob ng buhay. Sa mga salitang winika sa yugtong ito, mayroong propesiya at katotohanan, nguni’t higit sa lahat ang mga ito ay naglilingkod upang magkaloob ng buhay sa tao. Ang mga salita sa kasalukuyan ay hindi tulad ng mga propesiya ng mga propeta. Ito ay isang yugto ng gawain na hindi para sa mga propesiya kundi para sa buhay ng tao, upang baguhin ang disposisyon ng tao sa buhay. Ang unang yugto ay ang gawain ni Jehova upang ihanda ang isang landas para sa tao upang sambahin ang Diyos sa lupa. Ito ay ang gawain ng pag-uumpisa upang masumpungan ang pinagmumulan ng gawain sa lupa. Nang panahong iyon, tinuruan ni Jehova ang mga Israelita na sundin ang Sabbath, igalang ang kanilang mga magulang at mamuhay nang mapayapa kasama ang iba. Dahil sa hindi maunawaan ng mga tao nang panahong iyon kung ano ang bumubuo sa tao, at hindi rin nila maunawaan kung paano mabuhay sa lupa, kinailangan sa unang yugto ng gawain na gabayan Niya ang mga tao sa kanilang mga buhay. Ang lahat ng sinabi ni Jehova sa kanila ay hindi pa naipapaalam sa sangkatauhan sa nakaraan o nataglay man nila. Nang panahong yaon ay maraming propeta ang ibinangon upang magsalita ng mga propesiya, ang lahat ay ginawa sa ilalim ng pamumuno ni Jehova. Ito ay isang bahagi lamang ng gawain. Sa unang yugto, ang Diyos ay hindi naging laman, kaya Siya ay nagsalita sa lahat ng mga angkan at mga bansa sa pamamagitan ng mga propeta. Nang ginawa ni Jesus ang Kanyang gawain sa panahong yaon, hindi Siya nagsalita ng kasing dami ng sa kasalukuyan. Ang gawaing ito ng salita sa mga huling araw ay hindi pa kailanman nagawa sa nakaraang mga kapanahunan at mga henerasyon. Kahit sina Isaias, Daniel at Juan ay gumawa ng maraming mga propesiya, ang gayong mga propesiya ay ganap na naiiba mula sa mga salita na binibigkas ngayon. Ang kanilang mga binigkas ay mga propesiya lamang, nguni’t ang mga salita ngayon ay hindi. Kung gagawin Kong mga propesiya ang aking mga sinabi ngayon, magagawa ba ninyong maunawaan? Kung ako ay magsalita ng mga bagay para sa hinaharap, mga bagay pagkatapos kong nawala, paano ka maaaring makatamo ng pagkaunawa? Ang gawain ng mga salita ay hindi kailanman ginawa sa panahon ni Jesus o sa Kapanahunan ng Kautusan. Marahil ang ilan ay maaaring magsabi, “Hindi ba nagwika din si Jehova ng mga salita sa panahon ng Kanyang gawain? Bukod sa pagpapagaling ng sakit, pagpapalayas ng mga demonyo at paggawa ng mga tanda at mga kababalaghan, hindi ba nagwika rin ng mga salita si Jesus nang panahong yaon?” May mga pagkakaiba sa kung paano binibigkas ang mga salita. Ano ang sangkap ng mga salita na binigkas ni Jehova? Ginagabayan lamang Niya ang mga tao sa kanilang mga buhay sa lupa, na walang kinalaman sa espirituwal na mga bagay sa buhay. Bakit sinasabi na ang mga salita ni Jehova ay ipinahayag sa lahat ng mga lugar? Ang salitang “ipinahayag” ay tumutukoy sa pagbibigay ng malinaw na mga paliwanag at direktang pagtuturo. Hindi Siya nagtustos ng buhay sa tao; sa halip, hinawakan Niya sa kamay ang tao at tinuruan ang tao kung paano Siya igalang. Walang mga parabula. Ang gawain ni Jehova sa Israel ay hindi upang pakitunguhan o disiplinahin ang tao o upang magdala ng paghatol at pagkastigo; ito ay upang mag-akay. Inatasan ni Jehova si Moises na sabihin sa Kanyang bayan na magtipon ng mana sa kaparangan. Tuwing umaga bago ang pagsikat ng araw, sila ay mag-iipon ng mana, sapat lamang upang kainin sa araw na iyon. Ang mana ay hindi maaaring itabi hanggang sa susunod na araw, sapagka’t ito ay aamagin. Hindi Niya tinuruan ang tao o ibinunyag ang kanilang mga kalikasan, at hindi Niya ibinunyag ang kanilang mga naiisip at mga iniisip. Hindi niya binago ang tao nguni’t ginabayan ang mga ito sa kanilang mga buhay. Sa panahong iyon, ang tao ay tulad ng isang bata; ang tao ay walang naunawaan na kahit ano at nakakagawa lamang ng pangunahing mekanikal na mga pagkilos; samakatuwid, nagtalaga lamang si Jehova ng mga kautusan upang gabayan ang tao. Kung nais mong ikalat ang ebanghelyo upang ang lahat niyaong naghahanap nang may tapat na puso ay maaaring makatamo ng kaalaman ng gawain na ginawa sa araw na ito at maging lubusang kumbinsido, kung gayon dapat mong maunawaan ang nakapaloob na kuwento, ang sangkap at kabuluhan ng gawain na ginawa sa bawa’t yugto. Sa pakikinig sa iyong pagbabahagi, maaari nilang maunawaan ang gawain ni Jehova at ang gawain ni Jesus at, higit pa rito, ang lahat ng mga gawain na ginagawa sa araw na ito, pati na rin ang relasyon at mga pagkakaiba sa pagitan ng tatlong yugto ng gawain, upang, pagkatapos nilang makinig, makikita nila na wala sa tatlong yugto ang gumagambala sa iba. Sa katunayan, ang lahat ay natupad sa pamamagitan ng parehong Espiritu. Kahit nagsakatuparan Sila ng iba’t ibang gawain sa iba’t ibang kapanahunan at nagwika ng mga salita na magkakaiba, ang mga prinsipyo kung paano Sila gumawa ay iisa at pareho. Ang mga ito ang pinakamalalaking mga pangitain na dapat maunawaan ng lahat ng tao.